--
CHAPTER THIRTY - NINE : LOVE STRUCK.
Sabrina's POV :
Idinilat ko ang mga mata ko, nakatulog ako? Huh? Kailan? Bakit parang hindi ko naman maalalang natulog ako? Nagulat ako ng makitang naka-upo sa tabi ko sa Lemuel habang nag-aalalang nakatitig sa akin.
"Hey, sleepyhead." He smiles faintly.
Agad nya kong inalalayan ng bumangon ako. Nagtataka ko syang tinignan, "Hindi naman ako baldado. Okay ka lang?" Natatawa kong tanong pero nanatili syang seryoso. Sungit naman nito! Nandito kami ngayon sa kwarto ko, mabilis kong sinulyapan yung orasan sa may study table ko at dun ko nakita na alas-dies pa lang ng gabi.
Tinignan kong muli si Lemuel at ganoon parin sya, may halong pag-aalala parin sa mga mata nya. "Nakatulog ba ko?" Matagal nya kong tinitigan bago sya nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
"You fainted, love."
Kunot-noo ko syang tinignan, ako hinimatay? Pilit kong inalala yung mga nangyari kanina, ang naaalala ko lang ay yung tinanong ko si Lemuel at Tine kung magkakilala ba sila.
"Magkakilala ba kayo?" My questioned made the room even more silent which is very odd for me. Ano bang nakakatakot sa mga tanong ko at parang hirap na hirap silang sagutin? Sinulyapan ko si Lemuel na ngayon ay nakatingin na sakin.
I know he can see that I am building up questions in my head. Umigting ang kanyang panga at dahan-dahan akong hinawakan sa bewang ko. He was staring at me as if he was trying to read me, "She's someone I knew."
Napakunot ang noo ko sa sagot niya, tumingin ako kay Tine at ngumiti sya sakin, "Childhood friend ko sila ni DJ, Sabby...and that was before I met you." Tumango ako sa sagot nya atsaka ngumiti.
Bakit hindi nabanggit sakin ni Lemuel 'yon? Sabagay, hindi ko rin naman natanong. "Wala kasing nakapag kwento sakin. Hindi ko alam." Tumawa ako kahit alam kong wala namang nakakatawa. I can feel the tension at alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam noon.
To be honest, I kind of thought that Christine was Lemuel's ex pero sasabihin naman sakin 'yon ni Tine at imposibleng si Lemuel din yung lalaking minahal nya dati.
"Let's eat?" May bakas ng pag-aalangan sa tono ng boses ni Shaun pero naging dahilan 'yon para mawala yung namuong tension sa apartment.
"Finally, gutom na ko! Akala ko magtitigan lang tayo dito e!" Natatawang sabi ni Vince kaya natawa na din kami. Mabilis kaming tinalukuran ni Tine atsaka dumeretso sa pwesto nila Ella.
Napatingin naman ako kay Lemuel ng maramdaman ko yung pagpisil nya sa gild ng bewang ko, "You okay?" Malambing nyang tanong.
Ngumiti ako at tumango, "Oo naman. Bakit may dahilan ba para hindi ako maging okay?"
BINABASA MO ANG
He's Dating the Campus Nerd
Teen Fiction[[ HE'S DATING THE CAMPUS NERD (PART ONE) PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. ]] 'I can't escape the monster's trap.' Most of us says that High School will always be the best but not for Sabrina Tanya Romualdez--getting out of her school is prob...