--
CHANGE EIGHTEEN : WRONG MOVE.
Ella's POV :
"Ang panget mo na nga! Ang panget mo pa! Tse! Panget!" Sigaw ko sa lalaking mukhang paa.
"Aba hanep oh. Kala mong maganda ka? Tngna. Tigilan mo ko Baluga. Mas baluga ka pa sakin. Kadiri ka."
Napatingin ako sa kanya at ayun siya, parang kinukulam na ko sa tingin. Hay nako, nakakakilig naman to. Omg, tinititigan ako ni Baks. Grabe nakakakilig talaga.
Grabe.
Sarap niya sakalin.
Inirapan ko siya at hindi na lang siya pinansin, nasasayang lang oras ko sa taong to. Ugh, bakit ba hanggang ngayon mahal ko pa rin to? Nakakainis na ha.
"Oy, galit ka?" Huh, lul. Di kita papansinin, masasayang laway ko sayo.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad papasok ng building, huh! Bahala siya, masyado yata akong maganda para kausapin siya.
"Hoy Baluga! Galit ka ba? Napaka arte mo naman!" Hayaan ko lang siyang sumigaw sa loob ng building.
Nakarating na ko sa tapat ng elevator habang naka ngisi. "Nginingiti ngiti mo jan? Natutuwa ka naman sa ginagawa mo? Kala mo namang, tss."
"Wag ka ngang maingay." Inirapan ko siya saka ako sumakay ng elevator, sumakay na din siya. Pinindot ko ung 18th floor. Ugh bakit ba napaka layo naman ng pad ni Tine?
Buti na lang hindi kami ganon ka busy this month, nakakahinga pa naman ng maluwag. Its saturday afternoon and to our luck, free kaming lahat.
Nagteks kasi sakin si Pinsan, well I guess gusto niya lang kaming makasama--all girls nga dapat to eh! Di ko lang alam kung bakit biglang umeksena tong bakulaw na to at sumama. Stalker ko siya shet.
"Wag ka ngang maingay." Sabi niya habang ginagaya ung boses ko. Napaka talaga netong panget na to!
"Shut up." Sabi ko while rolling my eyes.
Magsasara na sana ung elevator ng biglang may kamay na humarang. Nagulat talaga ako dun! Saka pumasok ung dalawang lalaking I think same age as ours. And omg napaka gwapo nila!!
Napa ngiti ako ng makita ko sila, ang landi ko omg. Pero kasi naman, gwapo na yan eh! Grabe talaga napaka swerte ko naman.
Narinig ko pang nag 'Tss' ung katabi kong panget. Hayszxc bitter ang lolo mo. Ayaw pa kasi akong ligawan eh! Sasagutin ko naman siya agad agad!

BINABASA MO ANG
He's Dating the Campus Nerd
Teen Fiction[[ HE'S DATING THE CAMPUS NERD (PART ONE) PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. ]] 'I can't escape the monster's trap.' Most of us says that High School will always be the best but not for Sabrina Tanya Romualdez--getting out of her school is prob...