Glasses Thirteen : Boys Gone Mad.

306K 8.4K 1.8K
                                    



--

GLASSES THIRTEEN : BOYS GONE MAD.

Jacob's POV :


Halos isang oras na yung nakalipas pero hindi parin nakakabalik si Sabrina. We can't eat without her, masyado atang nasarapan sa pagbabasa ng libro? O baka kinain na ng library? Ha! Korni.


"Tol, ano? Practice!" Napatingin ako kay Shark na busy sa paghahanap ng kanta sa playlist niya. Aba eh, kanina pa yan naghahanap hanggang ngayon wala pa?!


"Lul. Kanina ka pa jan."


"Atleast ako naghahanap eh ikaw?"


Napangisi ako, "You're not searching. Dude, obviously you're busy watching porn." I laughed. Bigla namang natawa si Macoy, tumawa din si Shark pero sumasaludo yung gitnang daliri niya sakin.


"Hahahahaha! Tol, gago ka?" Sabi niya.


Umiling ako, "Hindi ako, ikaw." Saka tumawa bigla naman akong napatingin kay DJ na kanina pa tingin ng tingin sa relo niya. I also noticed that Sabrina's still not coming back, where is she anyway?


"I wonder what took her so long." I heard him murmured.


Napangisi ako, "Worried?" Tanong ko, napatingin naman siya sakin at bahagyang tumango. Mukhang narinig naman kami ni Shark kaya umiral na naman yung pagiging chismoso niya at nagsalita,


"Dude, sa library lang pumunta si Sabrina babes kaya wag kang paranoid dyan!" Natatawa niyang sambit. May point naman si Shark pero kahit ako din naman nag – aalala na kung saang library napadpad si Sabrina.


"Well, the libraries not that far from here. Saka malapit na mag lunch wala parin siya." Sabi ni DJ. Right, wonder what took her so long too?


"She'll be back here any moment now. Let's just wait a little more, I'm kinda starving, really." Sabi ni Macoy, tumango naman si DJ at nanatiling tahimik at nakatingin sa relo. Napatingin naman kami kay Nathan ng bigla siyang tumayo,


"Where are you going? / Tol, saan ka pupunta?" Tanong namin.


"Need some air." Sabi niya saka dere – deretsong lumabas.


"Hoy, kakain pa tayo!" Sigaw ni Shark pero hindi na ata narinig ni Nathan. Umiling siya, "Tss. Wakwents." Saka nagpatuloy sa pagkakalikot sa cellphone.


Medyo matagal na nga si Sabrina at nag – aalala na talaga ako. "Try calling her." Sabi ko kay DJ.


Tumango siya saka kinuha yung cellphone niya at tinawagan si Sabrina, "Unattended." He said. Napabuntong hininga ako saka tumayo,


"I'm gonna find her." Tumango si DJ saka ako lumabas.


He's Dating the Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon