Glasses Twenty-One : Over Flowing Emotions.

386K 9.7K 2.3K
                                    




--

GLASSES TWENTY – ONE : OVER FLOWING EMOTIONS.

Sabrina's POV :


Isang linggo, isang linggo na kong hindi pinapatulog ng maayos niyang kiss na yan. Ni hindi ko nga alam kung paano siya nakaka act ng parang walang nangyari saming ganon pag nasa school kami, samantalang ako halos mamatay matay na sa kakaisip kung bakit.


He was my first kiss!


Poor Sabrina, hindi man lang romantic yung first kiss niya. Nakakainis! Ang tagal tagal kong iningatan tapos makukuha lang pala ng isang halimaw?! Ugh! How dare him! Gusto ko pa naman yung romantic! Yung tipong may fireworks pa, yung sweet hindi yung ganon! Nakakaiyak!


Nasabunutan ko yung buhok ko habang hindi mapakali sa kakaisip, "Ano ba to?!" Sabi ko sa sarili ko pero napatigil ako ng maramdaman kong may tumamang kung ano sa ulo ko. Agad akong napatingin sa sahig para makita ang isang throw pillow, ayon yung tumama sakin.


Napataas yung kilay ko atsaka tinignan yung kapatid ko, nakasalubong ko yung iritado niyang mga tingin kaya bago pa ko magsalita, naunahan na niya ko. "Ano bang problema mo ha Sabrina Tanya Romualdez?!" Aniya, napakagat ako sa labi ko at hindi nagsalita saka bahagyang umiling. Feeling niya naman kuya siya! "Kanina ka pa ngawa ng ngawa jan! Akala mo naman!"


Tumahimik na lang ako at ngumuso saka pinulot yung throw pillow. Hindi ko ikukwento sa kanya yung nangyari, baka mapagalitan pa ko at kung ano ano na namang sabihin niya sakin. Ikukwento ko ba to kay Ella o hindi? Ano ba? Ano bang dapat kong gawin?


Bumuntong hininga ako saka nagpatuloy na lang sa pag aaral, pero kada titig ko sa libro ko, yung scene ng paghalik niya sakin yung naiisip ko! Yung paglapit niya sakin, yung mga titig niyang nakakalusaw, yung kuryenteng dumaloy sa katawan ko nung gabing yon....Ugh!!!


"Ahh! Ayako na!!!" Sabi ko saka sinabunutan yung sarili ko. Nakaka frustrate! Nababaliw na ko! Napatigil na naman ako sa pagngawa ng biglang may tumama na naman sa mukha ko. Napasinghap ako saka marahas na pinulot na naman yung isa pang throw pillow. "Gino!! Ano ba!! Bakit ka ba bato ng bato ng unan ha?!" Iritado kong sambit habang nakatingin sa kanya.


Pero ang dakila kong kapatid ay hindi natinag! Sinamaan niya ko ng tingin, "Ikaw Ate?! Ano bang problema mo at nag iingay ka jan ha?! Nakakaistorbo ka na ha!! Pumasok ka na nga ng matahimik na ko dito!" Aniya saka nagpatuloy sa panunuod ng nakasimangot.


Kinagat ko yung ibabang labi ko saka padabog na pumasok sa kwarto para mag ayos at pumasok. Bahala na kung ano mangyari! Kailangan ko ng kalimutan yon! Napakang halimaw!!


Naglakad ako papasok ng gate ng school, hindi parin siya mawala sa isip ko. Bakit ako lang yung affected? Wala lang ba sa kanya yon? Ganon ba yon? Pag sa lalaki, wala lang? Pero saming mga babae, napaka big deal?


Kami lang ba yung nag iingat sa mga first namin? Bakit ganito? Jusko.


He's Dating the Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon