--
CHANGE ONE : SHE'S BACK.
Gino's POV :
"Namiss kitaaaaaa!" Sigaw ni Ate habang tumatakbo papunta dun pinakadingding ng bahay namin, saka niya niyakap ung sarili niya dun. Napayuko ako at umiling, hay. Malala na nga to.
Narinig ko namang tumawa si Kuya DJ kaya napatingin ako sa kanya. "Mas lalo atang naging isip bata ung Ate mo ehh." Matawa tawa niyang sambit habang nakantingin kay Ate.
Hay. "Ganyan ata epekto sa kanya ng 3 years na pagiging home sick." Tumingin ulit ako kay ate na nakahiga na sa sofa.
Nakangiti siya at tumingin samin na may kinang sa mga mata. "Hindi niyo ba namiss Pilipinas? 2 years tayo sa Korea tapos 1 year naman tayo sa America. Ano ba kayo! Pilipino parin naman tayo ha! Ako lang ba nakamiss sa bahay?" Nakasimangot niyang sagot.
Napaismid ako at tumingin kay Kuya DJ. "Ano bang ginawa ng ibang bansa sa kanya ha Kuya? Last time I check, hindi naman siya ganyan."
"I don't know. Baka namiss niya lang talaga ung bahay niyo. Hahahaha!" Tinapik niya ung balikat ko at pumunta kay Ate. Sumandal ako sa frame ng pinto atsaka sila tinignan.
Ang laki ng pinagbago ni Ate, mula sa pananamit, sa pagsasalita na parang professional na siya pati sa pag - iisip. Kala ko mas mag mamatured siya sa ibang bansa, naging isip bata pa ata? Tsk.
Nang makalapit si Kuya DJ sa kanya agad naman niya tong niyakap ng mahigpit. "Grabe Boyfrieeeeend! Namiss ko talaga Pilipinas! Mas gusto ko parin dito!" Nakangiti niyang sambit habang nakayakap sa kanya.
"Ilang beses mo na bang sinabi yan simula nung nasa airport tayo ha Girlfriend?" Natatawang tanong ni Kuya DJ. "I can see you're really happy, you don't know how happy I'am seeing you smile." Saka niya hinalikan si Ate sa noo.
Kung hindi ko lang talaga alam ang meron sa kanila ngayon. Tss.
Napangiti ako, atleast nakikita ko na siyang ngumiti ngayon. Nakakagaan ng loob. Umiling ako at sinarado ung pinto pero pagkasara ko ng pinto saktong may biglang kumatok.
Tok.Tok.Tok.*
Napatingin kami sa pinto, kumunot nama ung noo ko. Aba biruin mong parang nang - aasar lang? Kung kelan talaga sinara ko saka may kumatok? Bastusan ba to? Binuksan ko ang pinto at laking gulat ko ng may biglang may tumalon sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"LAAAAAAABS! OMG! NAMISS KITA NG SOBRA SOBRA SOBRA SOBRAAAAAAAAAA!" Tinignan niya ko sa mukha atsaka ako hinalikan sa pisngi. Umiiyak siya habang yakap ako, pero bakas sa mga mata niya ang tuwa.
Napangisi ako, "Alam mo agad na nakauwi na kami ha?" Umiling ako at pinunasan ung luha niya. "Saka bakit ka umiiyak? Inaano ba kita?" Tumawa siya atsaka ako niyakap ulit.
"Akala ko di ka na babalik. Akala ko di mo na ko babalikan." Narinig kong bulong niya.
Napangiti ako, "Pwede ba yun ha? Tss. Kasing liit mo talaga yang utak mo ehh noh?" Niyakap ko siya atsaka ko siya hinalikan sa noo. Tong duwendeng to oo!
"Pre!" Napatingin ako sa may pintuan at mas lalo akong napangiti. Lanya, reunion pala tayo ehh noh?
Lumapit siya sakin atsaka kami nag fist bump habang yakap ko si Duwende. Ayaw bumitaw ehh, sinusulit ata ung pag chansing sakin. "Oy tol! Miss mo ba ko? Hahaha!" Biro ko kaya napangisi naman siya.
"3 years din yon. Aba syempre namiss ko ung gago kong bestfriend."
* * * *
Sabrina's POV :
BINABASA MO ANG
He's Dating the Campus Nerd
Ficção Adolescente[[ HE'S DATING THE CAMPUS NERD (PART ONE) PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. ]] 'I can't escape the monster's trap.' Most of us says that High School will always be the best but not for Sabrina Tanya Romualdez--getting out of her school is prob...