Glasses Twenty-Four : Torn Between Hearts.

311K 8.4K 3.6K
                                    







--
GLASSES TWENTY-FOUR: TORN BETWEEN HEARTS.

Sabrina's POV:

Saglit akong natulala sa sinabi ni Lemuel. Ano? He tried what? Ilang beses pa kong kumurap kurap bago tuluyang natauhan, "My lips is at fault? Talaga ba?" Nagtataka kong tanong.


He chuckled, biting his lower lip. Tumingin siya sakin habang nailing, amusement was written all over his face. "You're so cute, Tanya. Damn."


Napasimangot ako sa sinabi niya, kinakausap ng maayos tapos hindi sasagot ng maayos. Inirapan ko na lang siya saka tinuon ang pansin sa mga schoolmates naming naka tingin parin samin, may ibang umaalis na pero mas marami ang nakabantay parin samin. Napabuntong hininga ako, nakita ko ang mapanuring mga mata ni Ella habang nakangisi, kasama nya si Lora na nakangiting kumaway sakin.


Kailangan ko na namang magkwento, napakagat ako ng labi ng makita ko naman sa may exit si Vince na nakatingin at blanko ang expression. Agad naman silang umalis kaya nakahinga ako ng maluwag. Napatingin ako sa pwesto ng Mythical 5, nakita ko na silang papalapit samin pero napataas yung kilay ko ng hindi ko makita si Jhano.


Nasan na siya?


Hindi ko alam pero ang bigat bigat ng dibdib ko. Parang nasasaktan ako para sa kanya kaya gusto ko syang makita. Agad kong binitawan yung pagkakahawak sakin ng halimaw pero masyado syang mabilis at nahawakan nya ulit yung kamay ko. Naramdaman ko yung kakaibang kuryenteng dumaloy sakin kaya at agad akong napatingin sa kanya.


"Bitawan mo ko." Pinipilit kong pumiglas pero mas lalo lang nyang hinigpitan.


I can't read his eyes parang masyadong madaming naglalarong emosyon sa mata nya. "No, Tanya." Sabi nya habang deretso ang tingin sakin.


"Let me go...please." Halos pabulong kong sambit.


"I can't. I can't let you go running for someone else." His voice was cold and his words almost sent shivers to my spines.


I stared at him, dahan-dahan kong hinawakan yung mga kamay nya at umiling, "I need to talk to him." Malungkot akong ngumiti, "I'm sorry." Naramdaman ko yung unti-unting pagluwag ng pagkakahawak nya sakin. Tumalikod ako at nagsimula ng maglakad palabas ng auditorium.








Kahit nararamdaman ko yung mabibigat at masasakit na tingin ng iba, hindi ko sila pinansin. Kailangan kong makita si Jhano. Dumeretso ako sa library dahil ayun yung unang lugar na possible niyang puntahan at hindi nga ako nagkamali,


"J-Jhano..." Napabuntong hininga ako ng maramdaman ko ang matinding kaba. I'm not dumb enough to notice that the atmosphere is awkward. Saglit niya akong binalingan ng tingin, his gaze was void of emotion. Ni hindi man lang tumagal yung tingin niya sakin at tinuon ulit yung pansin sa librong binabasa.


Naka yuko akong umupo sa tabi niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, hindi dahil sa kilig kundi dahil sa sobrang takot at kaba. Inayos ko yung salamin ko at nilaro yung mga daliri ko.


Ang tahimik.


This maybe the first time I'd ever felt uneasy dahil kasama ko si Jhano. It was all different. Nabasag ang katahimikan ng bigla siyang magsalita. "Is it true?" Agad akong napatingin sa kanya at bakas sa boses niya ang lungkot. He was gently staring at me pero may bahid ng sakit sa mga mata niya.


Napakagat ako sa labi ko. Hindi ako makapagsalita. Anong sasabihin ko? I can't deny it kasi totoong nililigawan ako ni Lemuel. Hindi ko naman magawang sabihin dahil ayoko siyang masaktan. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig sa kanya nang walang sinasabi, tumango tango na lang siya at hilaw na ngumisi.


He's Dating the Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon