--
CHANGE TWENTY – SEVEN : GUILT.
Sabrina’s POV :
I was walking down the streets papunta sa apartment, I know I was walking pero ung isip ko wala sa nilalakaran ko. Hindi ko alam kung ano ung ginawa ko. Bakit ko ginawa yon? I closed my eyes saka humawak sa ulo ko, “Ghad, what was I thinking?!” I said to myself.
Napa iling ako at nagpatuloy sa paglalakad. Luckily, nakauwi naman ako ng maayos. Pagkabukas ko ng pinto tumambad sakin ung kapatid kong nagbabasa ng libro.
“Good Morning Gi.” Bati ko.
“San ka galing? Bakit hindi ka umuwi? San ka natulog? Bakit hindi ka nagteks? Sino kasama mo? Bakit ngayon ka lang?” Tanong niya habang nakatingin parin sa libro.
Feeling ko nahilo ako sa mga tanong niya.
“Isa isa lang please.” Umupo ako sa tabi niya saka sumandal sa balikat niya. “Yun na ba ung good morning mo sakin?”
Tumingin siya sakin habang naka taas ung isang kilay, “Ate, ikaw kaya ang mag antay ng napaka tagal kagabi? Malaman laman ko na lang di ka pala uuwi. Aba! Grabe ka ha. San ka natulog? San ka pumunta?”
Napa nguso ako. “Sa condo ni Nathan--”
“Ate!!”
“—Hep! Hep! Teka! Ikukwento ko!” I said bago pa niya ko masapak.
The whole time na kinukwento ko, nakakinig lang siya. He never interrupted, wala siyang sinabing masasakit na salita or what, he was just listening. That’s why I love to talk to my brother, he’s always there to understand me. Because sa kanya, it was less drama.
Pagkatapos kong ikwento sa kanya, tumango tango siya at tumingin sakin, “Ate, are you sure you’re in love with Kuya DJ?”
Tumango ako, “Of course! Siguradong sigurado ako!”
“Well then, siguro kaya ka nagkakaganyan kasi wala kayong matinong closure ni Nathan.”
“I thought what we had earlier was considered as closure.”
Umiling siya, “We never know.”
Naglalakad ako sa corridor ng may biglang nagtakip sa mga mata ko, I was about to scream ng bigla ko siyang maamoy at the same time he called me, “Girlfriend,” Tinanggal niya ung kamay niya kaya humarap ako sa kanya. He was smiling.
BINABASA MO ANG
He's Dating the Campus Nerd
Teen Fiction[[ HE'S DATING THE CAMPUS NERD (PART ONE) PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. ]] 'I can't escape the monster's trap.' Most of us says that High School will always be the best but not for Sabrina Tanya Romualdez--getting out of her school is prob...