--
GLASSES FOURTEEN : CONFUSE.
Sabrina's POV :
"We meet again, Nathan."
Feeling ko bigla akong nabbing sa narinig ko, nanigas ako sa kinatatayuan ko at humigpit yung hawak ko sa kamay niyang nakahawak sakin.
"Nathan?" I whispered habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. Bigla naman siyang napatingin sakin, ramdam ko yung pagbigat nung paghinga niya.
Nathan? Si Neil saka si Nathan? Nathan Park? Imposible.
Agad naman akong natauhan ng bigla siyang bumulong sakin, "You need to trust me on this Sabrina." He bits his lower lip, "Let's run!" Sabi niya saka niya ko hinila habang mabilis na tumatakbo.
Npasinghap ako habang tumatakbo din, hindi ko alam kung saan ako mas kakabahan, sa taong kasama ko ngayon o sa mga nanghahabol saming mga lalaking hindi ko naman kilala! Sino ba sila at ano kailangan nila kay Neil o Nathan kung sino man tong kasama ko!
"Neil—Nathan.." Hindi ko alam kung ano itatawag ko sa kanya. Hindi ko na alam, ang alam ko lang ay sobrang bilis naming tumakbo pero hindi parin nawawala yung mga lalaking humahabol samin.
Natatakot ako, pakiramdam ko sasabog na yung dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Let's split up." Aniya, kahit nagdadalawang isip ako, tumango na lang ako at naghiwalay kami ng daan. Siya na lang yung hinahabol ng mga lalaki ngayon pero kahit ganon, hindi parin mawala sa isip ko yung pangamba at takot.
Tumatakbo ako sa madalim na lugar dahil may mga lalaking humahabol samin sa di ko malamang dahilan. Hindi ako sigurado sa pagkatao ng lalaking kasama ko at hindi ko din alam kung bakit kahit ganon, may tiwala parin ako sa kanyang hindi niya ko papabayaan.
Hindi ko alam kung gaano na kalayo yung natakbo ko. Napatigil ako sa isang lumang park, alam ko malapit lang to sa lugar namin pero natatakot akong dumeretso sa apartment dahil baka may mga naka sunod sakin.
Nagulat naman ako ng makita ko mula sa kabilang direksyon si Neil na bigla ding napatigil ng makita ko, bakas din sa mukha niya yung pagkagulat. Iisa lang din yung napuntahan naming lugar.
Agad siyang lumapit sakin saka ako hinawakan sa magkabilang balikat, parehas kaming naghahabol ng hininga. "Neil.. Anong nangyayari? Sino sila? Saka ano yung sinasabi nilang, ikaw si Nathan?" Nalilito kong tanong.
Huminga siya ng malalim, "I know, I know you're confused but now is not the right time for this. I need you to hide somewhere or run as fast as you can away from here." Umiling ako, hindi ko siya kayang iwan. "No Sabrina, listen to me. You've got to trust me on this okay?" May kinuha siyang kung ano sa bulsa niya—para siyang tracker, may pinindot siya don at bigla siyang nagblink ng dalawang beses pagkatapos non, binalik niya ulit ito sa bulsa.
"Pero Neil.."
"I want you safe at makakampante lang ako kapag nakalayo ka sa lugar na to. Leave me here, I promise to come back to you and tell you everything. Now, go! Run!" Kahit wala sa sarili, tumango ako at tumakbo palayo. Medyo malayo na ko ng marinig ko yung mga lalaki na dumating.
BINABASA MO ANG
He's Dating the Campus Nerd
Teen Fiction[[ HE'S DATING THE CAMPUS NERD (PART ONE) PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. ]] 'I can't escape the monster's trap.' Most of us says that High School will always be the best but not for Sabrina Tanya Romualdez--getting out of her school is prob...