--
GLASSES NINE : GANGSTER BEST FRIEND.
Sabrina's POV :
Hindi ko alam yung mararamdaman ko nung lumabas na kami ng room. Okay lang naman sakin kung si Nathan partner ko, kung normal na tao siya pero hindi naman siya normal eh. Mas abnormal pa siya sa abnormal. He's an arrogant monster and I don't like it.
Bumuntong hininga ako, bahala na nga. Next week na rin naman ipe – perform, saglit lang kami magkakasama. Matatapos din to! Kaya ko to! Tumango tango ako para kumbinsihin yung sarili ko ng biglang,
"Are you on drugs?" Agad akong napalingon sa likod ko, napangiwi ako habang nakatingin sa kanya. Nakatingin lang din siya sakin habang nakataas yung isang kilay.
"Anong sinasabi mo?" Tanong ko.
Umiling siya, "Damn, you're crazy." Sabi niya saka ako nilagpasan.
Hinipan ko yung ilang strands ng buhok ko na nakaharang sa mukha, "Look who's talking! You're the one who's crazy! Making me sit there and wait for nothing na dapat sana nagtatrabaho ako." Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Tinutukoy ko yung nangyari nung sabado.
Tumigil siya at nilingon ako, "I told you to wait was that hard to understand?"
Tinignan ko siya ng masama, "Making me leave my work for doing non – sense things with you! Ugh!"
Umiling siya, "Non – sense things? Seriously?" He cocks his head on the other side, sa itsura niya mukha na siyang naiinis. Ako din! Naiinis na din ako! "That wasn't to me." Ngumisi siya saka ako tinalkuran at naglakad na palayo.
Napasinghap ako sa inis habang nakatingin sa dinaanan niya. Nakakainis! Napatingin naman ako sa likod ko ng marinig ko yung ingay nila Shaun.
Napalingon sakin si Shaun, "Ayon pala si Sabrina oh!" Tinuro niya yung direksyon, napatingin sila sakin kaya ngumiti na lang ako. Lumapit sila sakin, nagtaka naman ako ng makitang natatawa sila habang papalapit sakin.
Anong meron?
"You okay?" Nakangiting tanong ni Macoy. Tinaasan ko siya ng kilay, anong klaseng tanong yan?
"Oooh, mukhang hindi pa. Okay lang yan, Sabrina. Okay lang yan!" Natatawang sabi ni Jacob.
Napangiwi ako, "Anong sinasabi niyo?" Tanong ko sa kanila.
Nagulat naman ako ng bigla akong kinurot sa pisngi ni Jhano, hindi naman siya malakas. Parang way niya lang para makuha niya atensyon ko. He smiles, "You're frowning. Ganon mo na ba talaga kaayaw makapartner Bestfriend ko?" Natatawa niyang tanong.
Ahh! Ayon pala yon, kaya naman pala yung mga tanong nila. Hays.
BINABASA MO ANG
He's Dating the Campus Nerd
Teen Fiction[[ HE'S DATING THE CAMPUS NERD (PART ONE) PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. ]] 'I can't escape the monster's trap.' Most of us says that High School will always be the best but not for Sabrina Tanya Romualdez--getting out of her school is prob...