Glasses Forty-Five : Come With Me.

248K 6.5K 957
                                    





--
GLASSES FORTY-FIVE : COME WITH ME.

Sabrina's POV :


Napabuntong hininga ako at umubob sa desk ko. Napakaboring naman ngayong araw, ang tagal pa dumating ng teacher namin. Ano pa bang pwede kong maramdaman? Bukod sa masaktan ng paulit-ulit? Ipinikit ko na lang ang mga mata ko, baka sakaling mawala kahit yung sakit kahit saglit lang. Tamang -tama mugto pa naman yung mga mata ko kaya makakatulog ako agad.


Ganto ba talaga kapag broken hearted, nagiging madrama? Pero matagal ng madrama at malungkot ang buhay ko, mas lumala nga lang ngayon.


Bakit kaya ayaw nila akong maging masaya? Hay. Nakakapagod masaktan.


Napadilat ako ng may kumalabit sakin, kunot-noo akong umayos ng upo para tignan kung sino yung nang-istorbo sa akin. Kahit ba pahinga ipagdadamot nila? Nilingon ko yung istorbo at biglang napangisi ng tumambad sa akin yung mukha ni Jhano. Si Lora katabi ko ah? Agad akong sumulyap sa likod at napangisi ng makitang nakikipag harutan sya kay Macoy habang masama naman yung tingin sa kanila ni Jacob at Shaun.


"Gilrfriend!" Masayang bati nya.


Ngumiti din ako ng pilit at ginaya ung tono ng boses niya. "Jhano!"


He chuckled. "You tired?" Napakunot ako ng noo, "Sungit mo! Okay lang, maganda ka pa din naman." Kinindatan nya ko habang nagpapacute.


"May kailangan ka ba sakin Jhano?" Natawa siya at umiling. "E bakit nang-aasar ka pa?"


Lalo siyang natawa at tinaasan ako ng kilay, "Yah! Hindi ah!" Ang cute din nito magtagalog, ano? "Ang ganda mo kaya talaga." He points the tip of my nose kaya napangiwi ako. "Even with your eyes swollen, you're still beautiful." He smiled.


Napangiti din ako. Ano na lang ang gagawin ko kung wala si Jhano ngayon? He never fails to cheer me up. Nagiguilty tuloy ako nung mga panahong nasasaktan sya, sino kaya nagpapagaan ng loob nya?


"Napaka-bolero mo talaga kahita kailan!" Kinuha ko ung ballpen ko at nagsulat ng notes. "Namimiss ko na silang lahat." Minsan ko na lang din kasi sila makita o makasama kahit magkakasama kami nila Shaun sa room, hindi ako madalas lumapit sa kanila lalo na sila Ella.


"They miss you too, girlfriend. Let's go to the tree house later, okay?" Tumingin ako sa kanya at ngumiti.


Nagpatuloy ako sa pagsusulat at napa-isip, bakante kasi yung upuan sa tabi ni Lora. Napakagat ako ng labi. hindi siya pumasok panigurado magkasama sila ni Tine. Teka! Bakit ko ba sila iniisip? Eh sabit lang naman ako sa kung anong meron sila, 'diba? Umiling na lang ako at nagpatuloy sa pagsusulat.






Tumigil ako sa paglalakad at tinignan si Jhano, napansin niya atang di na ko sumasabay sa kanya kaya napatingin din siya sakin. "Problem?" Tanong nito habang papalapit sakin.


Tumingin ako sa kanya at sa tree house sa tapat namin, konting lakad na lang makakapasok na kami pero parang biglang umayaw yung mga paa ko. Bigla na lang ako tumigil sa paglalakad at feeling ko gusto ko ng mag back-out.

He's Dating the Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon