Glasses Thirty-One : The Sign.

247K 6.6K 884
                                    




--

GLASSES THIRTY-ONE : THE SIGN.

Sabrina's POV :


Dalawang araw na ang lumipas simula nung nangyari sa gym at hindi parin pumapasok si Kirsten. Hindi ko alam pero pansin ko din ang frustration kay Shaun kapag absent si Kirsten. Parang may something? Dalawang araw na din ang lumipas simula ng hilingin ko yung sign at tatlong araw lang ang hinihingi ko para mangyari 'yon.


Nagpakawala ako ng malalim na hininga, ngayon na ang huling araw. Alam kong imposible 'yon kaya hindi na ko magtataka kung hindi mangyari. I still have my back-up plan and that is to stay away.


Ang duwag ko ba? Natatakot na kasi akong may masaktan. Kahit iwasan ko hindi ko mapigilang hindi isipin yung mararamdaman nila. Hurting them once is enough but hurting them twice is too much and hindi ko kayang makita 'yon. Katulad nga ng sabi nila, mas maigi ng ikaw yung masaktan kaysa ikaw yung makasakit.


I was back into reality when I felt someone held my chin, dahan-dahan nya kong hinarap sa kanya at nagtama ang mga mata namin. "Hey, you okay?" Bakas sa mata nya yung pag-aalala. Napakurap ako atsaka tumingin sa harap, nakatigil kami sa stoplight, papasok kami ngayon ng school.


Umiling lang ako saka ngumiti. "Wala, may iniisip lang ako."


"What's wrong, love? You can tell me." Parang may tumambol sa puso ko ng marinig ko na naman yung salitang 'yon. Huminga ako ng malalim saka sya muling nginitian. Hinawakan ko yung kamay nyang nakahawak sa baba ko saka dahan dahan itong binaba.


"Wag ka mag - alala. Wala lang 'to." Napangiwi naman siya at tumango pero hindi na lang siya kumibo saka muling nag drive.


Umupo na din kami pagkadating namin sa room. Simula nung eksena ni Lemuel sa auditorium, nagbago na yung pwesto namin. Kung dati ay napapagitnaan namin si Jhano, ngayon ay ako na yung nasa gitna nila. Bukod sa ilang mga estudyante, kaming dalawa pa lang ni Lemuel yung nasa room. Baka nasa treehouse pa sila or sadyang maaga lang kami?


"Ang aga ata natin?" Tanong ko sa halimaw na katabi na kasalukuyang naka-yuko sa desk nya. Tulog na naman kaya 'to? Tinignan ko sya habang nakapikit, dahan-dahan kong tinusok yung pisngi nya. "Hindi ka ba natulog?"


"Since the day I met you, I can't stop thinking about you so it's quite hard for me to sleep." He said, eyes still closed. Bumilis yung tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya, naramdaman ko yung pag-init ng pisngi ko. Hindi ako makapagsalita.


"Let me guess, you're blushing." Bigla syang dumilat at umayos ng upo, nakangisi syang nakatingin sakin. Hindi ko mapigilang hindi sya titigan, sinubukan kong magsalita pero wala akong masabi. "Cut got your tongue, love?" He whispered but enough for me to hear it.


Lalo akong hindi makapagsalita habang pabilis ng pabilis at palakas ng palakas yung tibok ng puso ko. Naririnig nya kaya? Bakit parang wala lang sa kanya? Napalunok ako ng makita kong napatitig sya sa labi ko saka muling bumalik sa mga mata ko.


"I have never been a sucker for kisses." Halos tumigil yung paghinga ko sa sinabi nya, dahan-dahan syang lumapit sa akin samantalang para akong nasimento sa kinauupuan ko. Ano ba nangyayari sa kanya?! Nang maramdaman ko na yung paghinga nya bigla akong napapikit.


Naramdaman ko yung marahan na pagdikit ng malambot nyang labi sa noo ko, "I won't kiss you again without your permission." Huminga sya ng malalim atsaka hinawakan yung kamay ko at hinila ako patayo.


Para akong nagising sa ginawa nya, "T-Teka, saan tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong.


Ngumisi lang sya at kinindatan ako. Lumabas kami ng classroom, maaga pa at konti pa lang din ang mga estudyante sa school. May oras pa kaming mag-ikot bago magsimula ang unang klase. Tinignan ko yung lugar na dinadaanan namin at nakita kong papunta kami sa garden kung saan lagi ko syang nakikita.


He's Dating the Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon