--
GLASSES EIGHT : PARTNERS.
Sabrina's POV :
Nakauwi naman ako sa bahay ng ligtas, hindi ko nga alam kung anong mararamdaman ko pagkatapos ng mga nangyari pero isa lang talaga yung nangibabaw sa lahat, masyado akong napagod at gusto ko na lang matulog. Matapos kong mag shower, nagbihis na ko ng pantulog saka humiga sa kama.
Napangiti ako ng maalala ko bigla si Neil, siguro kung hindi siya dumating hindi ko na alam kung ano nangyari sakin. Thank you na lang talaga sa kanya, sana makita ko siya sa Stuart's bukas. Unti – unti ko na ring nararamdaman yung pagbigat nung mga mata ko hanggang sa napapikit na ko pero bago ko pa man marating yung dreamland, biglang tumunog yung cellphone ko.
Napangiwi ako at dumilat saka kinuha ito sa bag ko, "Sino naman kayo to?" Ugh. Gustong gusto ko na talaga matulog, binuksan ko yung message at bigla na lang tumalon yung puso ko ng makita ko kung sino yung nagteks.
From : Jhano
Girlfriend, I'll pick you up at 6:30am on Monday alright?
Goodnight.
Napangiti ako habang pinipigilan yung pagtili ko. Pero hindi ko talaga maitago yung kilig ko kaya binuhos ko na lang ito sa pagsigaw sa unan ko. Feeling ko nawala yung antok ko, nag reply na lang ako ng 'Okay. Goodnight.' Saka humiga ulit sa kama.
Hindi ko rin alam kung kalian at paano kami umabot sa ganto ni Jhano. Hindi ko din na imagine na mangyayari sakin, na dadating yung time na mapapansin ako ng lalaking gusto ko. Medyo matagal na din simula nung napalipat ako sa Star Section, at sa paglipat kong yon halos si Jhano lang yung pinaka nakakasama ko.
Katulad ng pagkakakilala ko sa ugali niya, ganon niya din ako pakisamahan. He's 3x of a gentleman than his monster bestfriend. Siya rin yung sumasama sakin t'wing luch break, hindi ko nga alam kung ano mararamdaman ko everytime na magkasama kaming dalawa. Parang napaka swerte ko ng maging kaklase ko siya, what more na ngayong close na talaga kaming dalawa?
Nagulat na nga lang ako ng bigla niya kong tawaging Girlfriend, sabi niya ako daw yung babae na pwede niyang i-consider as a bestfriend and girlfriend at the same time. Hindi ko naisip nag anon yung tingin niya sakin pero nakaramdam ako ng matinding tuwa kasi finally, napansin na din ako ng taong gusto ko.
Hindi man mutual yung feelings, okay lang. Basta nakakasama ko siya, okay na sakin kahit hanggang magkaibigan lang kami. Its more than enough. Nalaman niya yung bahay ko nung isang beses na naabutan niya kong pauwi at nag prisinta siyang ihatid ako.
Nakahawak ako sa cellphone ko habang nakatitig sa teks niya, hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Hindi ko rin namalayang nakatulog na rin pala ako.
* * * *
Monday Morning.
"Ate.." Naririnig ko yung boses ni Gino pero wala pa ko sa wisyo para idilat yung mga mata ko. "Ate, bumangon ka na jan." Aniya.
BINABASA MO ANG
He's Dating the Campus Nerd
Teen Fiction[[ HE'S DATING THE CAMPUS NERD (PART ONE) PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. ]] 'I can't escape the monster's trap.' Most of us says that High School will always be the best but not for Sabrina Tanya Romualdez--getting out of her school is prob...