Hi MiseryBrokenBitch!! ♥ Dedicated sayo, kasi ikaw ang pinaka loyal reader ko. Huhuhu! I love you na talaga, hindi pwedeng kada update di ko makikita yung username mo na isa sa nagvo vote sa mga chapters. Sobra kong naappreciate talaga promise na promise. Ikaw ang solid reader ko sa kwentong to, right from the start. Natats ako ng bongga talaga. Wag mo kong iwan! Hahahahaha! Hintayin natin ang wakas ng Lemuel-Tanya-Jhano love triangle!! Huehue. FIGHTING. Love love kita ♥
PS. Gusto kong malaman reaction mo dito. Hihihihi
PPS. Salamat sa supporta! ♥
--
GLASSES FORTY-TWO: STOP, FALL & CRY.
Shaun's POV:
Nandito kami sa back stage ng Auditorium, tumutulong kasi kami sa pag-aayos ng mga props na gagamitin para sa play. Wala pa sila DJ, Sabby, Nate saka Tine, hindi ko alam kung bakit napaka-VIP nila dahil na rin siguro ayaw nilang mag-ayos ng mga props. Mga madadaya!
"Ano ba, Baks! Ang kulit kulit mong mangulit, ano?!" Iritadong sigaw ni Michaela na talaga namang narinig ng lahat ng tao sa back stage. Pinipicturan kasi ni Michaela yung set dahil kasali nga sya sa photography club pero etong si Vince e kundi magpho-photobomb e tatakpan yung lense nung isa.
Umalingawngaw yung tawa ni Macoy at Jacob kahit ako ay natatawa na din. Nanlalaki na kasi yung butas ng ilong ni Michaela sa galit pero etong si Vince e pinagtitripan pa din. Landi nitong dalawang 'to e. Ayaw pa kasi magligawan!
"Ella, cut it out! Your voice is too loud!" Natatawang saway ni Lora habang inaayusan sya ng isa sa mga kaklase namin.
"Kasi naman 'tong pangit na 'to e! Lintek na! Ayaw tumigil parang kiti-kiti! Ilang beses ka ba inire ni Tita at para kang butete dyan!" Nagtawanan naman kaming lahat ng malakas habang si Vince e lalong inasar yung amazona.
Umiling na lang ako at tumawa pero napatigil din ako agad ng magtama ang tingin namin ni Julie. Bumilis yung tibok ng puso ko. Aaminin ko naman may feelings pa din ako sa kanya pero ramdam ko yung galit nya sakin kaya pass muna. Tinaasan nya lang ako ng kilay at saka pumunta sa mga kaibigan nya.
"Ano? Nanghihinayang ka?" Napalingon ako sa nakangising si Jacob.
Napangiwi ako sa sinabi nya, "Gago manahimik ka dyan. Kalalaki mong tao napaka-chismoso mo." Narinig ko naman siyang tumawa.
"Tanga! Chismoso daw e! Nakita ko lang yung makapagdamdaming titigan nyong dalawa! Napaka mapride mo kasi." Aba sumusobra na 'to ah!
Ngumisi ako. "Wag mo nga akong pangaralan kung ano dapat kong gawin. Bakit? Makapagsalita ka akala mo namang hindi ka ilang beses na basted. Psh! Gumising ka na hindi ka nya mahal!"
Natawa naman siya at umiling. "Iba naman kasi yung samin bro. Chill ka lang kasi. Hawak ko na yung sa akin e yung sayo? Nasayo na binitawan mo pa. Tsk. Bobo ka."
Umiling ako at tumawa. "Hindi tayo nagmamadali, okay? Bata pa naman tayo. Alam ko namang kami din magkakatuluyan."
Tumango sya at ngumisi, "Sige, boss! Sabi mo e!" Tinulungan naman nya ako ayusin yung mga costume na gagamitin sa play.

BINABASA MO ANG
He's Dating the Campus Nerd
Teen Fiction[[ HE'S DATING THE CAMPUS NERD (PART ONE) PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. ]] 'I can't escape the monster's trap.' Most of us says that High School will always be the best but not for Sabrina Tanya Romualdez--getting out of her school is prob...