--
CHAPTER FORTY : SAFE.
Sabrina's POV :
Dahan-dahan akong dumilat, pagkakita ko pa lang sa paligid alam kong hindi ko 'to kwarto. Agad akong napatingin sa taong naka-upo sa gilid ng kama, malungkot syang ngumiti at nanatiling nakatitig sa akin. "Anong nangyari?" Tanong ko habang inaalala lahat ng nangyari kagabi.
Unti-unting sumisibol yung kaba sa dibdib ko ng maalala ko yung mga ginawa nila hanggang sa bago ako nawalan ng malay. Nanatiling tahimik si Lemuel at nakatitig sa akin. Alam kong wala syang planong sagutin ang mga tanong ko. Gusto ko lang makita kung magsasabi ba sya sa akin ng totoo.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa pisngi, saglit syang pumikit at hinawakan ang kamay ko. Mapupungay na mga mata ang sumalubong sakin ng dumilat ito. "What about last night?" He asked almost a whisper.
"What happened after?" Mariin ko syang tinitigan. His eyes were void with emotions and he's trying his best to hide it.
Nagpakawala sya ng malalim na buntong-hininga, "I'm sorry, love." Hinalikan nya ko sa noo at saka lumabas ng kwarto. Binagsak ko ang sarili ko sa kama habang nakatingin sa kisame. Sa mga nakita ko kagabi hindi imposibleng tama ang naiisip ko.
Napasabunot ako sa buhok ko, "Ahh! Ang gulo gulo!" Napakagat ako sa labi ko saka muling umupo. Inilibot ko ang mga mata ko sa kwarto niya, tinitigan ko yung larawan na nasa taas ng headboard ng kama. Isang babaeng hindi ko talaga mamukhaan, malabo yung kuha nya pero kita naman na nakangiti sya at nakatingin sa malayo.
Hindi ko maiwasang hindi magselos. Sino naman kaya 'yan? Ang alam ko mayroon din sya nito sa kwarto nya sa bahay nila. Bumuntong hininga ako atsaka umiling, masyado akong binabagabag ng mga naiisip ko.
Kinuha ko yung cellphone ko para tawagan si Gino, naka-ilang din bago nya sagutin. "Hello, Ate Tanyi!" Napangit ako ng marinig ang boses ni Vanilla.
"Kamusta kayo dyan? Nasan si Gino?"
Naglakad ako palabas ng kwarto, nakita ko si Lemuel na may kausap din sa cellphone habang nasa terrace ng condo nya. Nasa bulsa nya yung isang kamay nya, napansin ko din yung pagkakunot ng noo nya. Hindi ata maganda yung usapan nila.
"Okay lang naman po kami, Ate Tanyi. Kasama po namin yung mga poging kuya, kausap po nila si Labs ngayon." Sagot nya saka bumingisngis.
"Huh? Nandyan sila Shaun?" Bakit naman nandun sila Shaun? Pero okay na din para masamahan nila sila Gino.
"Yes, Ate Tanyi! Nandito po sila Kuya Shaun sa bahay. Sabi po nila, dito muna daw sila hanggang sa makauwi kayo mamaya ni Kuya Lemuel." Tumango-tango ako.
"Ah, ganoon ba? Sige. Paki alagaan si Gino ha? Ikaw muna nurse nya ngayon ha?" I chuckled."Aye aye, Ate Tanyi! Ako na po bahala! Ingat po kayo!" Nagpaalam na din ako bago ko binaba yung tawag. Saglit 'kong tinitigan si Lemuel na hanggang ngayon ay may kausap parin sa phone. Hindi parin nya ata ako napapansin.
Napagdesisyunan kong lumapit sa kanya at dahan-dahan syang niyakap mula sa likod. Naramdaman ko yung pagkagulat nya pero agad din itong nawala at hinarap nya ko. "I want you to report it to me as soon as possible." Pagkatapos nyang sabihin 'yon ay binaba na nya yung tawag.
BINABASA MO ANG
He's Dating the Campus Nerd
Teen Fiction[[ HE'S DATING THE CAMPUS NERD (PART ONE) PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. ]] 'I can't escape the monster's trap.' Most of us says that High School will always be the best but not for Sabrina Tanya Romualdez--getting out of her school is prob...