--
GLASSES THIRTY-FIVE : THE BALL.
Sabrina's POV :
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, kinusot ko ang aking mata at saka unti-unting dumilat, nakangiti ako habang nag-iinat. Bakit parang feeling ko ang ganda-ganda ng gising ko?
Parang iba sa pakiramdam? Pakiramdam ko kumpleto tulog ko tapos ang lambot ata ng kama ko ngayon? Nakakapagtaka. Kailan pa naging ganto kalambot kama ko? Sinubukan kong idilat na yung mga mata ko dahil medyo nagsisingkit pa ito sa antok pero dahil inaantok pa ko, binalewala ko na lang Yung mga naiisip ko atsaka pumikit muli.
Napangiti ako ng yakapin yung unan na katabi ko. Ang lambot! Ang bangot bango pa! Kailan pa naging ganto kabango kwarto ko? Parang hindi naman sya amoy lemon? Amoy pabango ng lalaki...
Binaon ko yung mukha sa sulok ng unan atsaka inamoy...amoy Lemuel?
Mas lalo kong niyakap yung unan ng maramdaman kong biglang niyakap din ako nito. Napadilat ako sa sobrang gulat, nanlalaki yung mga mata ko habang nakatitig sa halimaw na nasa harapan ko.
"Good Morning! I see that you just had a good sleep? Are you done molesting my neck and my body?" He chuckled.
Matagal ko siyang tinitigan dahil hindi pa nagsisink-in sa akin lahat. Tumingin ako sa kamay kong nakayakap sa kanya at tumingin ulit ako sa mukha niyang sobrang lapit na sakin. Bumalik na naman yung tingin ko sa kamay ko...sa mukha niya, sa kamay ko, sa mukha niya...
"AAAAHHHH!! PERVERT! PERVERT!! AAAHH!! MANYAK KA!! MANYAK KA!!" Hinampas hampas ko siya ng unan na hawak ko. Paano sya nakaabot dito?! At bakit kami magkatabi?!!
"Ouch! Oww--Tanya! Ouch--Hey! Awww! Ouch! Stop it! Hey ! Hahaha!" Sinasalag ng braso niya yung mga hampas ko tapos nakuha niya pang tumawa?! Hindi ako nakatiis at tinulak ko siya ng malakas dahilan para malaglag siya sa kama.
"Shit!" He cussed as he glare at me pero sinamaan ko lang din sya ng tingin at tinakpan ng kumot ang katawan ko. Tinaas ko yung kumot at tinignan ko yung suot ko, ayun parin naman. Safe! Safe! "What the hell are you doing?" He annoyingly asked.
"Hindi ba obvious? Pinoprotektahan ko ang dapat protektahan!" Sagot ko atsaka niyakap ng mahigpit yung kumot, kumuha pa ko ng unan para sure na sure.
He chuckled. "Tss. You have a dirty mind, Tanya. I respect you though. I won't do that," Tumayo siya at lumapit sakin atsaka bumulong sa tenga ko. "...not until we're married." Lumayo siya habang nakangisi, ako naman naiwang nakanganga.
"Manyak!" Hinagis ko sa kanya yung unan saka lumayo sa kanya. Ang lakas ha?! Hindi ko pa nga sya sinasagot, kasal na agad nasa isip nya!!
Mabilis akong tumakbo ako papunta sa banyo at mula dito naririnig ko parin yung pagtawa niya. Lakas trip! Baliw! Naghilamos ako at tumingin sa salamin, "Hala! Bakit ang pula ko?!" Ugh! Grabe! Ang aga-aga ang ganto ako kapula! Muli akong naghilamos pero bigla na lang pumasok sakin yung mga nangyari kagabi.
BINABASA MO ANG
He's Dating the Campus Nerd
Teen Fiction[[ HE'S DATING THE CAMPUS NERD (PART ONE) PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. ]] 'I can't escape the monster's trap.' Most of us says that High School will always be the best but not for Sabrina Tanya Romualdez--getting out of her school is prob...