Time frame: Sa loob nung isang buwan na nagmu move-on si Vince.--
GLASSES TWENTY-NINE : WHERE DO I STAND?
Sabrina's POV :
"Ano ba kasing nangyari dyan?" Tanong ko kay Jhano habang naka upo siya sa clinic bed at natatawang nakatingin sakin. Anong nakakatawa naman? Sya na nga may sugat nakuha nya pang tumawa?
"Girlfriend, seriously, you need to chill. I told you I'm fine. Okay?" Hinawakan niya ko sa kamay at ngumiti.
Ngumuso ako, "I'm not stupid, Jhano. Baka nakakalimutan mong Top 1 ako sa school natin at alam kong hindi basta-basta nagkakaron ng putok sa labi unless sinuntok ka o may malakas na force ang tumama sayo?" Tinaasan ko sya ng kilay. He chuckles saka tinaas yung dalawang kamay.
"Alright, alright. I know that, girlfriend. Wag ka mag-alala, malayo 'to sa bituka." Tumayo siya at hinila ako, "Thanks, Nurse Jen!" Ngumiti naman si Nurse Jen saka kami tuluyang lumabas ng clinic. "Now, let's have some quality time. Okay lang ba?" He grins. I can't help not to smile even though alam kong nasaktan ko sya.
"May pasok tayo, diba?" Nagtataka kong tanong.
Umiling sya at saka muling ngumiti, "Classes was dismissed early kasi may meeting ang faculty." He shrugs, "Baka bukas iannounce din yung tungkol sa meeting nila today." Masyado namang maraming meeting ang faculty.
Tumango ako, "So, saan naman tayo pupunta?" Naalala ko bigla sila Ella, alam kaya nila na early out? Nagkita na kaya sila ni Vince? Hanggang ngayon kasi hindi parin nagrereply si Ella sakin. Kamusta na kaya siya?
Si Lemuel kaya? Hindi ko na sya nakita ulit bago mag lunch.
Naramdaman ko yung pagpisil ng kamay nya sa kamay ko kaya agad akong napalingon sa kanya, binigyan na naman nya ako ulit ng matamis na ngiti. "Sa lugar kung saan ikaw at ako lang."
Hindi ko alam pero imbes na kilig, nakaramdam ako ng matinding lungkot.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko habang tinitignan ko yung inaayos niyang panlatag. Nandito kami ngayon sa isang park na hindi pamilyar sakin. Halos 30 minutes din yung dinrive nya papunta dito, so medyo may layo din sya. Maganda yung park, presko at hindi ganon kadami yung tao.
"Picnic." Ngumiti siya sakin at kumindat, pinanuod ko syang isa-isang ilabas yung laman nung basket na dala nya. Oo, may dala syang basket. Hindi nya 'to pinaghandaan, promise.
Napangiti na lang din ako atsaka umupo sa tabi nya. "Di mo naman pinaghandaan 'tong pag-alis natin, ano?"
Tumawa siya saka tumingin sakin. "Hindi naman, biglaan lang." Inabot nya sakin yung sandwich na nilagyan niya ng strawberry jam. Agad ko naman itong kinagatan kasi bigla akong nakaramdam ng gutom, "Sarap?" Tumango-tango lang ako, "Cutie," He chuckles saka kinurot yung ilong ko. Ngumisi naman ako at nilagyan din sya ng sandwich sa bibig.
Natawa ako sa gulat nyang reaction pero ngumiti lang siya atsaka umiling - iling, uminom siya ng juice saka muling tumingin sakin. "You never really fail to make me smile." Nakaramdam ako ng saglit na kaba at napangiti, wala akong masabi. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Nang maramdaman nyang wala akong masabi ay tumawa siya at pinunsan na lang yung bibig ko. "Ang dungis mo kumain para kang bata, girlfriend."
Nakahiga kami sa damuhan habang nakatingin sa mga ulap. Hindi naman ganoon kadami yung dinala ni Jhano na food para samin, yung sakto lang para pang meryenda or pang laman tyan kaya madali naming naubos agad. Nakapikit ako habang pinapakinggan yung kanta sa Ipod nya, magkashare kami sa earphones.
BINABASA MO ANG
He's Dating the Campus Nerd
Teen Fiction[[ HE'S DATING THE CAMPUS NERD (PART ONE) PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. ]] 'I can't escape the monster's trap.' Most of us says that High School will always be the best but not for Sabrina Tanya Romualdez--getting out of her school is prob...