" Cherryl pov!!!!
" Sa sobrang busy ko sa mga dumating na furniture, kahit papanoh nawala ang inis ko dun sa lalaking feeling gwapo hahahha, at mas na excite ako nang matapos kong iayos ang ibang gamit mas naging maganda sa paningin ko ang loob ng shop ko.
" bukas ang opening at ready nako na makilala ang kauna- unahang business na itatayo ko sana lang mapatakbo ko ito ng maayos at walang palya, at nag picture pa ko at sinend ko kay bianca at kay mama na ready na ang lahat sana lang mag work ito.
" Gumawa din ako ng page sa Fb, tweeter at instagram, para dun ako mag uupdate ng bago design and furniture na patok sa mga kukuha ng sariling condo or penthouse, may kumuha na nga sakin na mag design ng new house ng isang client medyo kinabahan ako ng una pero nang makita ko mismo ang lawak ng sala nila nag ka ideya na agad ako, kung anong babagay na gamit ang ilalagay sa sala nila, ganun talaga siguro pag love mo yung ginagawa mo maraming pumapasok na magandang idea ang utak ko sa mga bahay, condo, office, penthouse, at kung anoh- ano pa.
" Inabot nako ng dinner at plano kong umuwi agad sa bahay para mag luto, ang alam ko may stock pa ko sa bahay kaya may makakain pa ko pag uwi, kailangan kona din mag tipid dahil next month may bill nako ng kuryente at tubig na dapat kong pag handaan, pati sa bill sa bahay at internet.
" bigla kong naisip ang sinabi ni mama na kung pwede ba siyang mag asawa uli? Hmmp! Hay baka nag joke lang si mama sa sinabi niya sakin dahil hindi naman na natanong ni mama uli yun, pero kung ako ang tatanungin ok lang naman dahil matagal ng patay si papa kaya deserved ni mama na magmahal at mahalin din.
" Inayos ko ang mga gamit ko at siniguradong naka off ang lahat ng ilaw pati tubig ng cr chineck kona din to make it sure na wala akong nakaligtaan, minsan kasi kahit nagawa kona ginagawa ko uli, tulad nalang ngayon alam kong na lock kona ang pinto ng shop ko pero eto ako chinek ko uli i dont know ako lang ba ang ganito na parang hindi sure kaya inuulit ko uli ang gawa.
" Nag drive ako at alam ko naman na aabutan ako ng traffic kaya sanay nako at nag music ako habang nag mamaneho para mas hindi mainip sinabayan kona din ang music sa FM radio.
" did you really think,
i'd just forgive and forget, No
After Catching you with her,
your blood should run cold,
So ColdSa sobrang pag kanta ko, hindi ko napansin na rinig pala ako sa labas dahil sa naka baba ang salamin sa tabi ko dahil sira ang aircon ng kotse ko kaya kailangang naka baba ang salamin, habang naka stop dahil sa naka red light kami.
" You,,, you two- timing, cheap lying wannabe
You're a fool,, if you thought that i'd just let this go." todo kanta pa ko at walang pakialam, pero isang malakas na busina ang narinig ko kaya napalingon pa ko at may nakita akong kamay sa bintana at tinuturo ang signal light na naka green na pala kaya, sobrang hiya ko nag drive nalang ako at sinikap ko na bilisan konti para hindi ako maabutan ng sasakyan na parang nakita kona yung car na yun at napatingin pa ko sa side mirror ko dahil nasa likod ko lang yung bumusina sakin kanina lang at yun yung nakita ko sa parking lot yung hummer.
" kumanta uli ako at sinigurado ko na mahina nalang para hindi ako masita ng kung sino man sa daan, at mas na feel ko ang kanta nang tuloy- tuloy na ang pag andar ko pauwi ng bahay.
" Nag post na din ako sa page ko na grand opening ng shop ko bukas, plano ko 9am ang open ng shop ko at 5pm naman ang close, kumuha ako ng isang cashier, dalawang sales lady dahil sa bago palang naman ako sa business at incase na lumago at makilala ang shop ko chaka ako mag dadagdag ng kasama at baka pati ang kabilang stall kunin kona din pag nagkataon.
" plano kong mag hired ng helper or kargador pati ang driver once na dumating ang truck na ipapahiram sakin ni bianca dahil hindi na daw nila nagagamit yung luma at malaking tulong sakin yun once na may order at ididilever na furniture.
" Asuswal, nakipag video call ako kay mama na mas masaya pa sakin, nang ibalita ko na ok na ang lahat at bukas na ang umpisa, nag kwentuhan lang kami at bigla akong napatahimik dahil sa topic na i nopen ni mama at nakinig lang ako at tinignan ko ang reaction ni mama at kita ko na masaya ito at ayaw kong sirain ang masayang kwento ni mama sakin.
" Anak alam ko naman na nasabi kona sayo ito, remember yung sinasabi ko sayo na nakilala ko sa isang branch na pinuntahan namin para mag check ng area dun ko siya nakilala masayang sabi ni mama sakin at tumatango lang ako pero hindi ako nag salita dahil ayaw kong putulin ang moment ni mama na mag kwento dun sa lalaking may planong manligaw sa kanya.
" Tulad ko anak wala na din siyang asawa at balo na or widow narin, paliwanag pa ni mama sakin at napahinga pa ko ng malalim ng tumahimik ito at parang nag papaalam sakin si mama at napangiti pa ko ng makita ko ang mukha ni mama na nag tataka sa kilos ko na nakikita niya sa video at tinutok ko mismo sa mukha ko ang camera chaka ako nag salita.
" Ma! Ok lang sakin, pati ikaw lang din ang makakakilala sa kanya dahil sabi mo nga manliligaw siya sayo, at nasasayo kung sasagutin mo siya, masaya ako kung masaya ka, balik na sagot ko, at kita ko mismo sa mukha ni mama na nakahinga ito sa sinabi ko.
" thank you anak, balik na sabi ni mama sakin at tumatango nalang ako, basta ma ipakilala mo sakin ah, hirit ko pa dahil kahit malayo kami sa isat- isa ni mama lagi kaming nag uupdate at hindi kami pumapalya sa text at call kung may problema or kahit may sinat ako sinasabi ko kay mama para alam niya, isa sa mga pangako ko kay mama yan at ganun din siya nang umalis siya ng bansa.
" Pero bigla akong napaisip dahil sa nagawa kong kasalanan at nag dadalawang isip nako kung mag sasabi ba ako kay mama, pero bigla ding nag bago ang isip ko chaka nalang siguro dahil ayaw kong mag isip si mama chaka mukha namang hindi na kami mag kikita ng lalaki na yun.
" Bye na ma, sabi ko pa habang inaayos ko ang plato na ginamit ko, nasa dinning ako at katatapos ko lang kumain at hindi pa nga ako nakakapag palit.
" cge na anak, thank you and i love you!!! Masayang hirit pa ni mama sakin.
" i love you too! Ma, balik na sagot ko at tumayo nako nang mag end ang video call namin at kahit pagod kailangan kong mag linis muna ng dinning at kitchen dahil ayaw kong madadatnan ko ito kinabukasan, at ako din naman ang may gawa ng kalat na ito.
" nag half bath lang ako at talagang binilisan kona ang kilos dahil sa pagod at maaga pa ako bukas, nag alarm ako at tinext ko pa si bianca na tawagan ako ng 7am para magising ako ng maaga kahit 9am ang opening ng shop.
" Thank you lord, bulong ko pa at natulog nako dahil sa pagod na din.
*************
All Right Reserved2020
🦋©️ Miss R.A
🕷 Black Butterfly🥀🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋
Sensya na po kung late update. Medyo nawala ako sa mood mag type lalo nat walang pumapasok na idea kaya hindi po agad makapag update.
BINABASA MO ANG
#13(MALCOLM RUTHERFORD) COMPLETE
ActionMasayang pamilya pangarap ng lahat pero panoh kung yung pangalawang pamilya na papasukin mo eh, labag sa loob mo lalo na kung yung mismong magiging kapatid mo higit pa sa pag mamahal ang naramdaman mo dito. ipaglalaban mo ba ang pag mamahal mo sa ma...