" wait lang naman, irita kong sabi kay malcolm.
" Boo! Wake up na para dun na tayo mag lunch medyo matagal ang biyahe na aabot ng 2hrs to 4hrs dipende sa traffic dahil 7am na at sara naman ang shop nito dahil saturday ngayon at plano ko bukas na kami ng hapon babalik dito at dun kami mag sleep over kung san nandun si kayin at marcuz na kinukulit ako pumunta dun.
" 5mins, balik na sagot ko sabay higa uli, pero sadyang makulit si malcolm at hinila nako papasok sa CR at hinagis pa sa mukha ko ang towel na gagamitin ko at ito na din ang nag lock ng pinto.
" simula nang maging kami mas naging makulit ito at aaminin ko hindi na lumubay sakin ang lalaki na yun na kulang nalang tumira dito na hindi naman pwede.
" late na niya akong ihahatid sa bahay tapos maagang susulpot sa umaga, inisip ko nakakatulog pa ba ito or wala ba itong bagong delivery na sasakyan sa shop nito mga tanong ko sa sarili ko na hindi ko din maitanong kay malcolm dahil bigla nalang nitong iibahin ang topic.
" Bumaba agad ako at nag luto ng ham at egg, plano ko na gawan ito ng sandwich at baunin nalang namin sa biyahe buti nalang may tumbler siya kaya dun ako mag titimpla ng kape para madala din, nakagawa ako ng limang sandwich chineck ko ang gasul kung naka off pati ilaw at pinto at higit sa lahat mga bintana.
" bumaba si Cherryl na nag susuklay at hinila kona ito may dala siyang bag pack na alam kong gamit niya dahil sabi ko nga dito, dun kami mag sleep over at pumayag naman ito, dala ko ang isa pang bag nito na ang laman at camera, laptop, note book pencil ballpen at isang catalog na alam kong mga new design yun galing paris, at london kung san dun pa galing ang ibang furniture na ino- order pa ng girl friend ko sa tulong na din nang kapatid ni blaze na si bianca.
" Boo! Sino uli ang pupuntahan natin, tanong ni Cherryl sakin na ngumunguya pa habang ako nag lalock ng gate at humarap ako dito at kumagat sa sandwich na kinakain nito bago nag salita.
" dun nga sa bahay ng best friend ko kasama ng asawa nito, gusto kang ma meet ng personal ni kayin, balik na sagot ko habang inaayos ko sa likod ang mga dala namin habang si Cherryl busy pa din sa pag kain pero nakikinig naman ito, alam kong kilala niya si marcuz pero nakalimutan na nito ang mukha ng best friend ko dahil simula ng lumaki ang tiyan ni kayin hindi na ito nakakasama samin lalo na sakin kaya mas marami akong time na sunduin at yayain ng date si cherryl nun kahit na maging alalay pa ko sa bawat lakad nito.
" hmmp! Ok balik na sabi ko sabay abot ko dito ng kape at ako na din ang nag susubo ng sandwich kay malcolm dahil nag d-drive ito.
" naubos namin ang limang sandwich na ako mismo ang nag luto at nag prepare pati tinimpla kong kape nag share kami at naubos na din, isa sa mga nagustuhan ko kay Cherryl lalo na pag kasama ko ito sa long drive tulad ngayon, hindi sya boring kasama dahil marami ito kwento at tanong at higit sa lahat gustong gusto ko yung hobbit ni Cherryl na hawakan yung batok ko habang dahan- dahang minamasahe.
" Tulad ngayon aaminin ko iba yung kiliti at naapektuhan ako sa ginagawa niya sa batok ko, pero ganun mag lambing ang isang Cherryl magaro at lagi kona din yung hinahanap ang pag haplos at masahe sa leeg ko pababa sa balikat ko gamit ang isang kamay lang habang masayang nag kwe-kwento sa business nito.
" bigla nalang itong nag seryoso at umayos ng upo pero hawak pa din nito ang batok ko at hinahaplos ang buhok na parang ito yung ginagawa niyang pampalipas ng oras para lang hindi antukin at hindi mainip.
" pauwi na si mama kasama yung boyfriend niya, mahinang sabi nito pero sapat na para marinig ko yun.
" im not sure kung kailan pero ipapakilala kita pag uwi niya Boo, masayang sabi nito sakin at ako naman ang natahimik at inabot ko ang kamay nito na nasa buhok kona at nilapit ko sa labi ko para halikan, napapaisip ako sure ako na matagal pa yun at ieenjoy ko muna ang samin ni Cherryl sinabihan na din ako ni daddy about jan at isa lang ang masasabi ko kung san siya masaya susuportahan ko si daddy.
" tinawagan kona din si marcuz pero asuswal si kayin uli ang sumagot at sinabihan ko na malapit na din kami kahit late na kami sa lunch pero sabi ni kayin hihintayin kami nila para sabay- sabay pa din kami sa dinning, sure ako kumain na yun si kayin pero kakain uli yun once na may pag kain sa mesa ganun sila katakaw ng anak nito na nasa tiyan palang.
" Nag stop over kami para magpa gas at kailangan ng bathroom break ni Cherryl, naka sandal lang ako sa kotse ko habang hinihintay na ma full tank ang sasakyan, bigla akong napatingin kay cherryl na papalapit sakin at medyo napakunot pa ko ng nuo na bakit parang ang bagal niya mag lakad papalapit sakin.
" tumingin ako sa paligid ok naman at nasa normal naman ang paligid pero nag slow motion talaga si Cherryl na kinailing ko at nagulat pa ko sa pag tapik nito sakin kaya napaatras ako ng isang beses bago ito harapin.
" problema mo ah!!! Pag tataray ni Cherryl sakin dahil sa kilos ko na mukhang hindi niya nagustuhan, na kahit ako naman nagugulat sa mga nangyayari sakin sabay tingin uli kay Cherryl na naka smile na hay!!! What happend to me, bulong ko uli sa sarili ko nang mag salita si Cherryl kaya mas kinabahan ako lalo na nang hawakan nito ang pisnge ko at aaminin ko parang lumabo ang mga mata ko kaya napapikit pa ko nang madiin bago uli tumingin kay cherryl na nag tataka na din.
" masakit ba ulo mo? Gusto mo ba ako nalang mag drive, rinig kong sabi ni Cherryl sakin pero hindi ako umimik at tumitig uli ako at ok naman im mean hay, hinga ko uli nang malalim at niyakap ko nalang ito at alam ko na ramdam ni Cherryl ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa mas humigpit ang yakap nito sakin ngayon.
" i love you! Mahinang bulong ni Cherryl sakin habang yakap namin ang isat- isa.
" i love you too Boo, always remember that, balik na sagot ko at kinurot pa nito ang ilong ko bago lumayo at sumakay sa passenger seat, tawa ng tawa si Cherryl nang ikwento ko na bumagal siyang mag lakad sa paningin ko kanina kaya puro pang aasar lang ang naririnig kong sagot nito tulad ngayon.
" di nga nakuh, mga galawang playboy, hirit pa ni cherryl sakin na mas kinatawa ko pa lalo at ganun din siya.
" totoo nga baka ginagayuma mona pala ako hindi ko alam, balik na pang aasar ko dito na mas lalong sumimangot at ako naman mas tumawa pa lalo dahil sa mukhang nitong hindi na maipinta dahil sa sinabi ko.
" nakuh! Sobrang mahal mo lang ako kaya mo nasabi yan, palusot kapa Malcolm wag kang iiyak pag iniwan kita sige ka, pambabanta ko dito at napahawak pa ko sa braso ko nang tumama sa dashboard dahil sa pag preno nito.
" Boo naman ilang araw palang natin ngayon iiwan muna ako agad ah! Balik na sabi ko dito habang hinihimas nito ang brasong tumama sa dashboard ng kotse ko.
" wag kang makulit at lalong wag kang mambintang na parang ang gwapo mo, gayuma kapa jan naniniwala ka sa mga ganun, balik na sagot ko dito at napapadaing ako sa braso ko na masakit, siraulo bulong ko pa at buti naman tumahimik na ito at nag drive nalang pero napalingon ako nang mabilis dumampi ang labi nito sa masakit kong braso.
" Sorry Boo, mahina nitong sabi sabay hawak sa isang kamay ko at hindi na binitawan pa yun hanggang sa makarating kami sa bahay ng best friend nito.
************
All Right Reserved2020
🦋©️ Miss R.A
🕷 Black Butterfly🥀

BINABASA MO ANG
#13(MALCOLM RUTHERFORD) COMPLETE
AksiyonMasayang pamilya pangarap ng lahat pero panoh kung yung pangalawang pamilya na papasukin mo eh, labag sa loob mo lalo na kung yung mismong magiging kapatid mo higit pa sa pag mamahal ang naramdaman mo dito. ipaglalaban mo ba ang pag mamahal mo sa ma...