" Nagising ako at ramdam ko ang bigat sa katawan ko na parang ang tagal ko nang naka higa lang, tumingin ako sa paligid at una kong nakita si malcolm na naka tingin din pala sakin.
" San si mama una kong tanong kay malcolm, pero hindi niya ako sinagot at yumakap pa ang babaerong ito sa isip isip ko pasalamat siya hindi ako makakilos dahil sisiguraduhin ko na malakas na sampal ang bubungad sa kanya.
" Buti naman gising kana Boo, sabay yakap ko dito at yun yung naabutan ni mama at daddy malvin pero parang balewala lang sa kanila na makita kami sa ganung sitwasyon, mahinang tapik ang ginawa ko sa braso nito na mas humigpit pa ang yakap sakin at ako naman nahihiya na dahil nasa likod lang si mama at ang daddy ni malcolm.
" Anak! Tawag ni mama sakin at buti naman humiwalay na si malcolm sakin pero hindi ito umalis sa tabi ko na parang mawawala ako sa paningin niya ng matagal.
" kaso may tumawag dito at kita ko mismo sa screen ng cellphone niya ang name ni Suzy, at umiwas nako tumayo pa si malcolm na parang nagulat at hindi na nag salita at tuloy- tuloy nalang na lumabas ng kwarto kung san ako naka confine ngayon.
" mama tawag ko uli dito at pinilit kong itaas ang dalawang kamay ko kahit may nakakabit na dextrose at ang bigat talaga ng pakiramdam ko sa totoo lang pumasok si dra. Shelby ngingiti na sana ako ng bigla akong natulala sa mga narinig ko.
" Alam kong hindi mo pa kayang kumilos dahil na din sa nabugbog ang hita po at likod, buti nalang hindi tumama sa tiyan mo or balakang kundi pwedeng mawala si baby, mga narinig kong sabi ni dra. Shelby at hindi ako makapag salita at paulit-ulit na naiisip ko ang salitang Baby, ako may Baby sa tummy ko.
" Napalingon ako kay daddy malvin na kausap na si dra. Shelby, habang nasa harap kona si mama at nakatingin din sakin, hindi kona namalayan na umalis na pala si dra. Shelby at sure ako na malalaman din nila Siannise ang kalagayan ko isama mo pa si Alexis na naging ka close kona din.
" Ayaw kong malaman nila na si malcolm ang daddy ng anak ko dahil may girl friend ito at kilalang tao ang ama ni Suzy na isang kilalang businessman at congressman din.
" Marami akong narinig na balita na mahirap kalaban ang daddy ni suzy at bali- balita din na marami na itong pinatay, ayaw kong ako ang maging dahilan ng gulo lalo na pag nalaman nito na may ibang anak si malcolm at sakin pa na alam nito na step brother ko si malcolm na boy friend niya.
" At isa lang ang naisip ko para maligtas si mama at daddy malvin ganun din si malcolm lalo na ang anak ko, bulong ko sa sarili ko sabay hawak sa tummy at wala akong ideya kung ilang buwan na ito pero ramdam ko na may laman ang tiyan ko at mas napasimangot pa ko nang makaramdam ako ng gutom.
" Hindi nag tatanong si mama kahit si daddy malvin sakin kung panoh at sino ang ama ng anak ko pero mas ok na din yun dahil hindi pa din ako handa na aminin ang lahat lalo na ngayon, ang gulo kasi at tama na ako nalang ang kilalanin ng anak ko pag lumabas ito at bigla nalang nag salita si tito malvin na kinahinto ko pa sa pag subo ng apple.
" Ok na ang adoption paper Cherryl, ligal kanang Rutherford tinawagan ako ni attorney Salerno na siyang nag ayos ng paper mo at dahil kaibigan ni malcolm si attorney Salerno eh, inasikaso agad at pag ok kana sasamahan ka ni malcolm na ayusin ang mga ID at iba pang paper para magamit mona ang surename namin, daddy malvin said.
" Simula ng tumawag si Suzy kay malcolm hindi na ito bumalik sa ospital laging si daddy lang at si mama, dumadalaw din si Alexis na buntis na din sa unang anak nila ng best friend nito habang si kayin naman isang beses lang din dumalaw dahil sa hindi pa din sila ok ni marcuz at nasa isang buwan na din ang mga anak nila kayin at marcuz.
BINABASA MO ANG
#13(MALCOLM RUTHERFORD) COMPLETE
ActionMasayang pamilya pangarap ng lahat pero panoh kung yung pangalawang pamilya na papasukin mo eh, labag sa loob mo lalo na kung yung mismong magiging kapatid mo higit pa sa pag mamahal ang naramdaman mo dito. ipaglalaban mo ba ang pag mamahal mo sa ma...
