"Malcolm pov!!!!
" Hindi ko alam ang gagawin ko at litong- lito ako pero isa lang ang sure ako hindi ko siya pupuntahan at hihintayin ko ang pag babalik niya para mag paliwanag, sa mga nalaman ko.
" Pinilit kong maging ok at may mission pa ko, dun ko nalang ibabaling ang inis at irita ko sa mga nalaman ko kay kylie, pero aaminin ko ang sakit lang nang malaman ko ang lahat pero alam ko din na may nagawa din akong kasalanan at hindi ko alam kung sino ang may gawa samin ng girlfriend ko.
" hindi nako nag taka nang mag isa lang ako buti nalang dumating si jaydon at terrence dahil si marcuz hindi ko makita kahit sila na kinailing ko nalang alam ko naman ang sakit ni marcuz pero kahit ako at ang doctor na may hawak ng kaso ni marcuz na kahit si brix at luke nagulat dahil bata pa si marcuz para magkaroon ng ganung sakit.
" nag manman at nag lagay lang kami ng mga cctv sa paligid ng target namin chaka kami umalis sa lugar na yun, at naisip ko si marcuz na kahit ako naaasar sa best friend kona yun, alam ko naman ako nalang at kami ng ibang kaibigan ko ang natitira or kinikilalang pamilya ni marcuz.
" Hay!!! At isa lang ang naisip kong lugar kung san ko makikita ang baliw na marcuz na yun.
" tulad ng dati nasa simenteryo ito at yakap ang puntod ng kasintahan, kahit naman ako nalulungkot sa nang yari sa pamilya ni marcuz nun at pati girl friend nito nadamay pa at hanggang ngayon hindi parin nakakakuha ng hustisya dahil na din sa sakit ni marcuz kaya paiba- iba ito nang mga gusto at pag iisip.
" niyaya ko ito sa condo niya at nang makita kong tulog na ito umalis nako at isa lang ang planong kong puntahan ang bar ni mason na isa sa mga tambayan naming mag kakaibigan, napapailing pa ko sa twing maamong tupa si mason habang galit na galit si ivy na salubong ang kilay habang hawak ang malaking tiyan nito.
" diretcho ako sa bar counter at dun solo mag inom, at kitang kita ko pa kung panoh, yakapin at lambingin ni mason ang asawa nitong umiiyak na napapaisip ako na mukhang hindi mangyayari sakin yan dahil simula ngayon single nako at hahayaan kona si kylie bahala na siya sa buhay niya, paulit ulit na bulong ko habang sunod- sunod ang inom ko nang alak sa baso.
" Fuck!!!! Malakas na sigaw ko habang pagewang gewang ang lakad ko, gusto ko pang uminom pero ang hayup na mason na yun, hindi makaganti sa inis nito sa asawa dahil daw sobrang mahal nito si ivy kaya sakin siya nagalit at pinaalis ako sa bar nito at hinayaan ko nalang dahil na din sa hilo.
" Napa sandal ako sa isang kotse at dun nalang nakatulog bahala na bukas bulong ko pa.
" bianca naman eh! Tama na yan maaga pa opening bukas bulong ko pa dito dahil nayaya nanaman ang bruha sa inuman.
" Ok na ang lahat sis, sabi ko sa catering 10am ang start ng blessing kaya dapat 9am palang nandun na sila, pati sinabihan ko sila kuya na 10am na dumating para sa cutting ng ribbon makaabot habang nag bless nang lugar, lasing na sabi ni bianca at tumango nalang ako at naunang umalis sa bar na yun at uuwi din daw si bianca maya-maya at hinayaan ko nalang dahil sa malaking naitulong ni bianca sakin kaya hahayaan ko nalang na mag enjoy ito.
" Napahinto ako nang makakita ako ng lalaking nakatulog na sa tabi ng kotse ko, haba nang buhok nito na nakatakip sa buong mukha nito iisipin ko na bakla ito dahil sa katawan nitong malaki lalo na yung braso nito parang bato pag hinawakan.
" kuya bangon jan aalis nako, kalabit ko pa dito pero walang effect kaya sinipa ko pa ang paa nito pero ganun pa din kaya umupo ako sa harap nito at inalis ang buhok nitong magulo at bigla akong napasimangot dahil sya nanaman at nag mumura nako sa isip ko dahil sa dami- daming tao sa mundo sya nalang lagi ang nakikita ko, yung lalaking mayabang na akala mo mayaman pero ang laman ng wallet condom lang naman bwisit ito, bulong ko sa sarili ko uli at hindi nako nakatiis sinuntok ang braso nito pero ako pa ang nasaktan na mas lalong kinainis ko dahil masakit ang kamay ko.
" BANGON !!!!! sigaw ko uli at thank god tumayo siya pero nakasandal parin siya sa kotse ko at nagulat ako nang yakapin niya ako habang may binubulong at nararamdaman ko ang unti- unting pag bigat nito na hudyat na matutulog uli, kaya dali dali kong binuksan ang passenger seat at buti naman napaupo ko din siya, pero mas sumakit ang ulo nang hindi ko alam kung san ko siya ihahatid.
" nag drive ako at kumuha ng isang hotel room para sa gagong ito, nag patulong pa ko sa guard para mabuhat ang dambuhalang lalaki na ito at tatlong guard ang nag tulong- tulong para maihatid at maihiga sa kama na kinuha ko, lumabas ako nang makita kong mahimbing na natulog ito at binayaran kona ang hotel room hanggang bukas ng 5pm.
" nag drive nako pauwi at maaga pa ko bukas, at sa sobrang excited ko hindi kona naisip yung lalaki na iniwan ko sa hotel at natulog nako agad pag uwi ko sa bahay nag palit lang ako at hilamos bago natulog.
" Nagising akong tanghali na at ang sakit nang ulo ko, hay! Bulong ko pa sabay hawak sa ulo ko dahil sa hang over at napatingin ako sa paligid dahil kahit hindi ako pamilyar sa lugar sure ako na nasa hotel ako ngayon pero bakit mag isa lang ako bulong ko uli.
" Pumasok ako sa cr at nag hilamos at toothbrush bago bumaba pero nag tanong ako sa reception pero bago na ang naka duty kaya nag punta ako sa cctv room at dun ko nakita ang babaeng nag hatid sakin at napapailing ako dahil nag krus nanaman ang landas namin sya din ang nag bayad nang hotel room.
" kaya tahimik akong nag out at umalis sa hotel na yun, at nag para ako nang taxi para bumalik sa bar ni mason dahil naiwan ang sasakyan ko dun.
" tunog ng tunog ang cp ko at sure ako na sa GC yun at habang traffic inopen ko ang cp ko kung san sunod- sunod na message sa Group chat namin, at naningkit ang mga mata ko dahil sa sinend ni blaze na picture at binasa ko ang ibang chat at nag yaya pa si blaze na may pakain daw at dahil sila lang naman pinapasunod kami dahil sayang ang catering kung hindi mauubos na sila pala ang sponsor.
" mabilis na kilos ang ginawa ko, dahil hanggang 5pm lang daw open ang store nang kaibigan ng kapatid ni blaze na never kong nakilala sa pangalan pero sa mukha kilalang kilala ko ito at naiisip ko na baka nabuntis ko ito pero mukhang hindi naman dahil nakailang pag kikita namin umiiwas lang ito at wala namang sinasabi.
" Nang makita ko ang itchura ko sa salamin, umalis ako nang naka ngiti para makausap ang babaing yun, makapag thank you din kahit alam kong galit parin ito dahil sa unang encounter namin sa maling oras at lugar.
" Pero panoh kung Oo at ayaw lang niyang sabihin para ilayo ang bata sakin, mga negative na naiisip ko, sabay labas uli ng bahay at nag mamadali parin ang kilos ko pero bigla akong napahinto nang makita ko si kylie sa labas ng gate na kinahinto ko pa at hindi agad ako nakakilos nang yakapin ako nito habang umiiyak.
" sorry! I"m sorry, paulit- ulit na bulong nito at kahit ako hindi na nakatiis na yakapin ito pabalik, please mag usap tayo Malcolm sabi pa nito na kinayakap ko nang mahigpit dito lalo nat first time nitong tawagin ako sa first name ko at wala na yung endearment nito sakin na namimiss kong pakinggan.
" Sorry kung hanggang dito nalang tayo, bulong pa nito at tumatango nalang ako habang hinihimas ko ang likod nito dahil sa kakaiyak niya, inalalayan ko pang pumasok uli sa loob at nawala na sa isip ko ang pumunta sa sinabi ni blaze, kailangan ako ni kylie kailangan ako nang EX ko.
*************
All right Reserved2020
🦋©️ Miss R.A
🕷 Black Butterfly🥀
BINABASA MO ANG
#13(MALCOLM RUTHERFORD) COMPLETE
БоевикMasayang pamilya pangarap ng lahat pero panoh kung yung pangalawang pamilya na papasukin mo eh, labag sa loob mo lalo na kung yung mismong magiging kapatid mo higit pa sa pag mamahal ang naramdaman mo dito. ipaglalaban mo ba ang pag mamahal mo sa ma...