" hi goodmorning masaya kong sabi kay Siannise na naging close kona din, dahil sa boss nitong si mr. Calantan na nag pagawa ng isang office nila at masasabi kong malaki ang tulong ng kuya ni bianca, naging close ko din si Alexis dahil sa isa ako sa nag aayos ng dinning sa mansion ng best friend nitong si mr. Sudalga, kaso sa lahat ng client ko ito ang pinaka nahirapan ako dahil sa picture lang ako umaasa at never ko pang nakita ng personal ang dinning area ni mr. Elliot na ewan koba ayaw daw mag papasok ng babae sa mansion nito sa happily village.
" oo nga pala sis narinig ko na ipapa renovate daw ni mrs. Corpuz ang office nito nasabi naba sayo, biglang banggit ni Siannise sakin at umiling nalang ako dahil sa nasa ibang bansa si bianca kaya wala na din akong balita dun sa babaeng busy lagi pero sa pag party maraming time.
" ah!!! Wala pa wait ko nalang baka si bianca mag sabi, balik na sabi ko kay siannise na mukhang masaya at kitang- kita ko sa pag tawa at kilos nito.
" Nag punta ako sa isang room na isang conference room pala at ito ang inuna ko bago ang office ng asawa ni mr. Calantan na si Mrs yhana mhay Calantan, picture dito at picture dun marami nang ideya akong gagawin sa room na ito na mas lalong gaganda pa may mga idadag dag akong gamit at papalitan ko din color ang wall nito pati table at chair may naisip na din akong design na ipapalit na mas babagay sa room na ito.
" nag paalam nako kay siannise at plano ko na next week kona ipapakita ang design sa boss nito at isang kaway lang ang nakita ko dito dahil sunod- sunod na tawag ang naririnig ko sa table nito, palabas nako ng building nang makita ko si malcolm na may dalang flowers na inabot agad sakin, wala sana akong plano na tanggapin yun kaso nasa kamay kona ang bulaklak at hila hila nalang niya ako papunta sa kotse nito kung san nakapark sa tabi lang na halatang sinadya niya yun para hindi na lumayo sa entrance ng building.
" Panoh! Ang kotse ko? Tanong ko dito habang papalayo kami at hindi ko alam kung san ang punta namin.
" ipapahatid ko nalang sa shop mo ang kotse mo, rinig kong sabi nito at napasulyap pa ko nang makita ko ang mukha nitong seryoso at salubong ang kilay na parang may iniisip siya na hindi ko alam kung anoh yun, ang pag kakaalam ko hindi naman kami ganun ka close actually friend na kami at sanay nako na susulpot nalang ito sa shop ko at mangungulit na sabay kami mag lunch or meryenda, sanay na din ako na nag papadala ito ng food delivery sa bahay ko mismo at mas nakakagulat na maabutan ko nalang itong tulog sa sofa ng sala ko na kahit ako nagugulat dahil nakakapasok siya at labas ng bahay ko at aaminin ko sanay nako na nasa paligid ko lang si malcolm at hinayaan ko nalang.
" wait! Anong meron tanong ko uli kay malcolm na napapangisi pa dahil sure ako na kalokohan nanaman ito sabay hampas ko dito sa braso nito gamit ang bulaklak na hawak ko.
" Boo! Sira na ang mahal nang bili ko jan, rinig kong sabi ni malcolm sakin na kina tulala ko pa at kahit ito nagulat din sa tinawag niya sakin.
" anoh!!!! Yan malcolm may endearment kana sakin ikaw ah!!!! Pang aasar ko dito sabay sundot sa tagiliran nito habang nag d-drive pa din ito habang ngumingisi mang aasar pa sana ako nang unahan ako nito at aaminin ko ibang malcolm ang nakikita ko ngayon na kasama ko sa totoo lang.
" yah, dahil gusto kitang ligawan Cherryl at once na sinasagot muna ako gusto ko Boo ang itatawag mo sakin dahil bully ka ahahhahaha. Malakas na tawa nito na parang joke lang ang mga narinig ko mula dito.
" bigla akong napatahimik dahil sa kaba, alam ko naman na nag bibiro ito kaya dapat sanay nako, wala na sana akong planong seryosohin pa yun pero nagulat nalang ako na medyo lumalayo na kami at nasa isang building kami isang condominium.
" medyo kinabahan ako at napahinga ng malalim sa mga naiisip ko ang bilis naman kasasabi lang na manliligaw tapos nasa condo kami at kanino naman sa kanya, hindi agad ako nakakilos sa mga naiisip ko pero nagulat nalang ako sa lapit ng mukha ni malcolm sakin.
" bababa ka or hahalikan kita jan dahil nag lalakbay nanaman ang utak mo, rinig kong sabi nito na kinakurap ko pa sabay hila sakin ito na aaminin ko double na ang kabang nararamdaman ko ngayon lalo nat nasa elevator na kami paakyat kung san ang unit na ewan ko.
" nagulat ako nang nasa rooftop kami ng building at napangiti ako nang makakita ako nang tent at may food na naka ready may maliit na mesa at aaminin ko na kinilig ako dahil wala sa itchura ni malcolm ang ideyang ito inabot sakin uli ang flowers na kala ko naiwan ko sa loob ng kotse nito at hinila ako papasok sa loob ng tent habang nakatingin kami sa mga building na masasabi kong maganda parin dahil over looking na din yun.
' welcome to my comfort zone, rinig kong sabi nito na kinalingon ko kay malcolm nang mag salita ito at nakinig lang ako habang nakatingin sa lalaking naging maaliwalas ang mukha at simpleng pag ngiti nito na masasabi kong hide out niya ito pag malungkot siya.
" ako ang may ari ng building na ito, sa lahat ng pinatayo kong hotel, shop at condo, ito ang pinaka favorite ko dahil ito ang building na pinag hirapan ko at masasabi kong masaya ako na nakatayo pa din ito at ok pa din, sa twing mag isa ako or gusto kong mapag isa at mag isip dito lang ako nag pupunta actually bukod sa best friend ko na si marcuz ikaw palang kayong dalawa palang ang nakakaalam ng hide out ko sa twing malungkot ako nandito lang ako sa twing kailangan kong mag isip dito lang ako nag lalagi, mahabang kwento ko kay Cherryl.
" pero si kylie bakit di mo sya dinala dito? Tanong ko kay malcolm.
" dahil busy sya? Dahil uuwi lang siya pag kailangan lang niya ako at aalis din dahil sa business, may plano akong dalhin siya dito at plano ko din nun na dito ako mag pro-propose kaso yun nga that night iba ang nakasama ko nang gabi na yun, alam mo bang yun ang the best birthday gift mo sakin, rinig kong sabi nito at ngayon ko lang na aplay ang mga sinabi niya na birthday pala niya yun yung gabi na may nangyari samin.
" thank you Cherryl sana payag ka na ligawan kita, tanong uli nito sakin at ako naman nakatitig lang kay malcolm na hawak na pala ang dalawang kamay ko.
" naguguluhan ako pero isa lang ang napansin ko napapadalas na ang pagiging tulala ko lalo nat si malcolm ang kaharap ko at bigla nalang niya akong niyakap at walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig ko dahil sa pag kabigla at napapikit nalang ako nang halikan ako nito, ang gaan sa dibdib na akala ko wala lang ang nararamdaman ko pero nandito na bakit hindi ko itry, bakit hindi namin itry.
" napamulat ako nang bumitaw ito sa halik sakin at napakagat labi pa ko dahil baka imagination ko lang ito pero ramdam ko ang pag pisil nito sa kamay ko na kanina pa niya hawak at napangiti ako dahil ngayon ko lang napansin na parang si malcolm nalang ang nakikita ko at wala nang iba.
" totoo pala yun habang tumatagal nasasanay kana na nasa tabi mo nalang siya, na sanay kana sa presensya niya, na sanay kana sa twing susulpot nalang siya, at higit sa lahat sanay kana na hindi pwedeng hindi mo siya kasama buong maghapon,. Si malcolm lang yun, si malcolm lang na bigla nalang sumulpot para mangulit nang hindi ko alam at bigla akong napakurap sa tanong niya uli sakin.
" can i!!! Can i court you,,, malcolm asked again.
***********
All Right Reserved2020
🦋©️ Miss R.A
🕷 Black Butterfly🥀
BINABASA MO ANG
#13(MALCOLM RUTHERFORD) COMPLETE
AksiMasayang pamilya pangarap ng lahat pero panoh kung yung pangalawang pamilya na papasukin mo eh, labag sa loob mo lalo na kung yung mismong magiging kapatid mo higit pa sa pag mamahal ang naramdaman mo dito. ipaglalaban mo ba ang pag mamahal mo sa ma...