Sniper#18

1.3K 64 0
                                    

" maam san po kayo? Tanong ni manong driver na kinalingon ko pa, pakisundan po yung black hummer balik na sagot ko kay manong driver sabay punas ng luha sa pisnge ko at sinubukan kong i-dial ang number ni malcolm at nag ring yun pero nag end agad na mas lalong  kinalungkot ko dahil kung ganu ko kabilis idial ang number nito ganun din kabilis ang pag ignored  nito sa tawag ko.

" halo- halong kaba at takot ang mga pumapasok sa utak ko, wala akong maisip na dahilan para gawin niya sakin ito, ilang oras din ang tinakbo at umabot na sa 200 plus ang patak ng bill ko sa taxi ni manong at nag mamaneho pa din ito at nakasunod lang sa itim na hummer na si malcolm ang may ari.

" maam hanggang dito nalang po dahil pumasok po sila dun, turo ni manong sakin kung san VIP parking ang pinasukan ng sasakyan ni malcolm at napatingin ako mismo sa entrance, "VALIENTE HOTEL AND RESTAURANT" , Hmmp baka kakain lang bulong ko sa utak ko kahit ang totoo hotel pa din yun na pwedeng mag pa room service ng food sa kwarto.

" Falcon village po tayo manong, balik na sagot ko at nag drive uli si manong, buti nalang hindi ko dala ang kotse ko dahil kung ako ang driver baka nabangga nako dahil sa luha kong tuloy- tuloy sa pag tulo.


" inayos ko ang sarili ko at nag eye glass nalang ako para matakpan ang namamaga kong mga mata, bayad po thank you manong sayo na din po ang sukli, sabi ko nalang sabay labas ng taxi at diretcho sa gate na naka lock at ngayon ko lang naisip na nasa shop pa pala si mama at mamaya pa ang uwi.

" inalis ko ang salamin sa mga mata ko at dun uli tumulo ang luha ko, nakatanggap ako ng text sa isa sa mga assistant ko sa shop pati si mama nag text din na may email daw ako at icheck ko nalang, lutang ako at ini off ang cp ko at nag lakad paakyat sa second floor kung san ang kwarto ko.


" tulala lang ako at nag iisip uli kung may mali ba akong nagawa? Meron ba akong nasabi or may mali ba akong kilos na ayaw niya? Nagkulang ba ako, or baka may mali nga sakin, paulit- ulit kong bulong sa sarili ko sabay tingin sa salamin, kung ikukumpara dun sa babaing kasama niya kita naman na mukha itong mayaman at alaga ang katawan pati kutis parang labanos sa puti.


" napaiyak uli ako at napangiti na parang nababaliw, dahil natatawa pa ko dahil sa katangahan ko, katangahan dahil naniwala ako sa tulad ni malcolm na isang kampon nang mga babaero, at napaupo nako dahil kahit  playboy yun love ko pa din ang tanga mo lang cherryl dahil wala kang tinira na kahit konti sa sarili mo.

" humiga ako sa kama at walang planong kumilos, parang ayaw konang lumabas ng kwarto feeling ko mag kakasakit ako kanina pa ko nagugutom pero biglang nawala ang gutom ko at pumikit nalang ako na sana panaginip nalang ang lahat na sana hindi totoo ang mga nakita ko sana pag gising ko katabi kona uli si malcolm, hanggang sa makatulugan ko ang mga naiisip ko.


" kamusta siya? Tanong ko kay marcuz na pati ito galit sakin ngayon sure ako inaway nanaman ito ni kayin kaya ganyan ang mukha.

" nasasaktan mo lang siya tol, mas ok na iwan mo nalang kaysa unti- unti mo siya pinapatay sa pag iisip, marcuz said. Na kinatahimik ko at napaupo ako sa sofa habang hinihintay namin ang iba, para mag report sa lakad namin kanina lalo na ako.

" puro ka pa suspense tell me what happened?  I asked to marcuz na mas sumalubong na ang kilay dahil  sakin, hindi lang siya ang may problema ako din pero no choice kailangan kong matapos ang mission namin ok lang sana kung siya ang nasa sitwasyon ko pero sure ako na mag wawala si kayin kaya ako ang sumalo gago din eh.


" sinundan ka ni Cherryl at kita niya ang lahat pag labas niyo at pag punta sa hotel ni Valiente, biglang inis na sabi ni marcuz sakin na kinalaki ng mga mata ko at aaminin ko kinabahan ako sabay bukas ng cp ko nang tumawag ito kina canceled ko dahil kasama ko si Suzy isang anak ng businessman na kailangan kong bantayan, dapat si marcuz ang nasa position ko pero baka malaman ni kayin mapatay pa nito agad ang target namin mas lalong hindi pwede.



" i try to call pero naka off ang cp nito, bigla akong napatayo at plano kong puntahan ito sa shop rinig ko pa ang pag sigaw ni marcuz pero bahala siya kailangan kong kausapin si cherryl at mag papaliwanag na din bahala na sana lang hindi pa ako huli.



" nag drive ako at tumawag naman si daddy na may pamily dinner daw kami at bigla akong napahinto at binasa ko uli ang text ni daddy na mas lalong kinapikit ko nang madiin nag isip uli ako bahala na kaya nag text back ako kung kailan at nag  replay naman  agad si daddy.



" plano kong sumama ka sakin para mameet mo din ang anak ng tita mo gusto ko na bago ako mag propose nandun ka at ma meet ka nila.


" alam ko naman mula umpisa na mahal ni daddy ang mommy ni cherryl pero mahal ko din si cherryl na alam kong maraming tutol once na matuloy ang kasal nang mommy ni cherryl at nang daddy ko pero mukhang hanggang dito nalang kami tama na yun.



" sure dad ok lang ba na sa sunday nalang dahil medyo busy pa ako sa shop ko, replay ko sa text ni daddy at ok lang ang sagot nito.


" nag drive uli ako at saktong pag baba ko ng sasakyan ko nag liligpit na sa loob at sumilip pa ko at nakita ko si daddy kasama ang mommy ni cherryl at buti naman na pumasok ang dalawa sa office na gamit ni cherryl kaya pumasok ako at ang tanong sa dalawang sales lady na busy mag ligpit.



" ruth nanjan ba si Cherryl? Tanong ko sa isa sa mga assistant at cashier na din.


" sir malcolm wala po siya nag tataka nga kami dahil napapadalas na ang hindi pag pasok ang sabi ni maam Sherly na busy daw sa out side client, rinig kong sabi ni ruth at sumingit na din si Raquel.



" feeling ko may problema si maam Cherryl dahil napapadalas na ang pag kakasakit nito or ganun lang yata siya katamlay sabi pa nito, dahil narinig daw ni Raquel ang mommy ni cherryl na kausap ang nobyo daw at sure ako na si daddy ang tinutukoy nun.



" panay silip ko sa isang pinto baka kasi biglang lumabas ang dalawa mahuli pa ko at hindi pa ko ready na makita ang mommy ni cherryl dahil hindi pa kami ok dahil alam ko masama ang loob ng girl friend ko.



" sabi nga ni maam Sherly na uminom daw ng gamot at kumain, wag puro trabaho kaya ka matamlay, yun daw ang nabanggit ng mommy ni cherryl na sure ako na si cherryl nga ang kausap nito na mas pinag alala ko baka nga may sakit ito na iniinda.



"  umalis agad ako sa shop nito at nag drive plano kong pumunta sa bahay ni cherryl kaso, tumatawag si ken kaya sinagot ko agad yun at biglang baling pakanan dahil si marcuz daw sinusumpong nanaman at alam nila na ako lang ang makakapag patigil sa abnormal na yun kaya hahayaan ko muna si Cherryl mas kailangan ako nang best frend kong may Alzheimer disease.








******************



All Right Reserved2020
🦋©️ Miss R.A
🕷 Black Butterfly🥀




#13(MALCOLM RUTHERFORD) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon