Sniper 48

1.5K 71 12
                                    

" Good morning Boo! Bati ko kay Cherryl na nakaupo sa gilid ng kama habang hawak ang balakang kaya agad akong lumapit para alalayan sana itong bumangon, sa laki ng tiyan nito sure ako nangalay na ang likod at balakang nito sa iisang pwesto nito kagabi na kung hindi patagilid patihaya naman at sure ako na miss na ni Cherryl ang dumapang matulog.


" Good Morning Baby Boo! Masayang bati ko sa tummy ni Cherryl nang makatayo ito at medyo nag unat din kaya malaya kong nayakap at nahalikan ang malaking tiyan ng asawa ko, wala man kaming loving loving kagabi dahil alam ko naman na pagod ito dahil pag labas ko ng Cr. Humihilik nalang siya habang yakap ang malaking unan na pinasadya ni Daddy na bilhin at ipagawa para kay Cherryl lalo nat nag iisa lang ito sa pag tulog dahil wala ako.


" todo alalay ako kay Cherryl pati sa pag hihilamos nasa tabi ko lang siya, bumaba kami para mag almusal dahil sa bagong kasal kami marami akong plano kaso mukhang hindi matutuloy ang iba dahil delikado na lumabas ng village na todo bantay ng S.G at agent ni calvin.


" Boo Anong gusto mong lunch mamaya? Tanong ko kay Cherryl.


" Hmmppp!!!! Pesto pasta balik na sagot ko kay malcolm na busy mag lagay ng kanin at ulam sa plato ko.


" yun lang ayaw mo ng kiss at hug mula sa gwapo mong asawa, pang aasar ko kay Cherryl na nakatingin din pala sakin.



" Mabubusog ba ako sa kiss at hug na sinasabi mo? Balik na sagot ko kay malcolm na kinahinto nito at talagang lumapit pa sa tabi ko bago bumulong ang loko sa tenga ko.



" Oo naman baka nga hanap - hanapin mo pa. At sure ako na ikaw na mismo ang humiling at mag hanap sa kiss at hug at pag bibigyan naman kita Boo kung gusto mo Unlimited pa mag sabi ka lang balik na sabi ko kay Cherryl na salubong na ang kilay habang ngumunguya at ang sama ng tingin sakin na kinalayo ko agad baka bugahan ako ng apoy sa inis hahahha.



" Boo you need to walk or something stretching, para hindi ka mahirapan once na lumabas na ang anak natin. baling ko kay Cherryl na busy na suklayan at lagyan ng sanrio ang buhok ko dahil mahaba ito na mas nag eenjoy si Cherryl kaya hinayaan ko nalang.



" punta tayo sa parke pero wag mong aalisin ang tali sa buhok mo dahil hindi pa ko tapos, rinig kong sabi ni cherryl na nag susuklay ngayon sa harap ng salamin at napatingin din ako sa salamin habang naiiling dahil ang panget ng pag kakaipit niya sa buhok ko, pero hinayaan ko nalang dahil nasa village lang naman kami at hindi totally sa labas talaga kaya walang kaso sakin yun kahit makita pa ko ng mga kaibigan ko.



" Ang ganda dito, masayang sabi ni Cherryl habang nag lalakad kami sa totoo lang tahimik ang village lalo na pag nasa school ang mga anak ng kaibigan ko at busy naman sila sa trabaho.



" yah! Isa ito sa pangarap ni Ozzy nun, dati kinukwento lang niya samin na gagawa siya ng sariling village para dun kami titira ng sama- sama nag iisa lang na anak si Ozzy  kaya sabik sa kapatid yun at kami na ang tinuri niyang mga kapatid. para wala ng lalayo pa. At eto na nga yun, bigla akong humanga nun kay Ozzy at aaminin ko na naiingit ako minsan dito dahil lahat ng nakasulat nun sa diary niya eh! Natupad na ni Ozzy lalo na ang bumuo ng sariling pamilya, kilalang businessman at higit sa lahat isang kilalang Billionaire or trillionaire.



" Napadaan din kami sa cover court kung san nasa tabi lang ang maliit na stall at hindi na inalis dahil sa gusto ng mga anak lalo na nun si alexis na nag lilihi sa panganay nila ni elliot, may bake shop na din dito na pinatayo at grocery store para hindi na lalabas, at mas nakakagulat ng mag recquest si ken na mag patayo na din ng chapel dahil para daw ipagdasal si lolojames at yun agad ang inuna ni primo at blaze na gawin at under constraction pa.


#13(MALCOLM RUTHERFORD) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon