03

21 6 0
                                    


Soft.

Nagising ako nang madaling araw, dahil sa ingay nina ate, I opened my eyes and stretched my arms. Nagulat nalang ako nang kami lang ni Zaiden ang nakahiga, na mahimbing na natutulog.

Bumangon ako at hinanap sina mama, wala sila sa pinaghigaan namin. Magkabilang dulo kami ni Zaiden.

Nilapitan ko naman siya at kinulit. He groaned, nang kiniliti ko siya. "Terrez..." I chuckled. "I'm still sleeping... At gusto mo pa rin makipag-kulitan, huh? Kapag ako ang nagsimula na makipag kulitan sa'yo, hindi ka talaga makakatulog." Dugtong niya. Silly. Tumayo na ako.

Hinanap ko naman sina mama. Natigil ako sa paghahanap, nang may nagsalita galing sa likod ko. "Nasa kwarto sina Tita, wala ka nang dapat ipag-alala." Napatingin naman ako sa likod ko, nakita ko si Zaiden na nakahiga pa rin at nakatingin sa akin. Dim lang ang lights kaya nakikita ko siya. Tumango nalang ako, at lumapit sa may mga bag.

Hinanap ko naman ang iPad, dahil wala akong magawa, nang nahanap ko na iyon ay umupo ako sa higaan at nagdrawing nalang ako ng mga bulaklak. Napatingin naman ako kay Zaiden, hindi ko akalain na nakatingin pa pala siya sa akin.

Nang natapos na akong mag-guhit, ay ibinalik ko sa bag ang iPad, at natulog nalang ulit. Inipon ko ang pambili ng iPad, dahil may kamahalan at isa pa, ay ayaw nila akong bilhin niyan, kaya sariling sikap nalang.

Kinaumagahan, ay maaga akong nagising, habang sina ate naman at ang mga pinsan ko, ay tulog na tulog. Tinignan ko naman ang orasan. It's already seven a.m. Lumabas naman ako, dahil alam kong wala rito sina mama at alam kong nasa labas iyon nakikipag-kwentuhan.

Magkakatabi lang ang mga bahay dito nina tita Camila, at tito Van. Meron naman din isang bahay sa pagitan nina tita at tito. Sa kabilang lupain naman, ay mga kakilala nina papa.

May bahay din dito sina Tita Vivian at Tito Clark. Sa bukirin naman ay kay Lola 'yon. Pero madalas din silang nasa bukirin. May kasama naman si Lola roon na mapagkakatiwalaan namin.

Paglabas ko, ay naririnig ko agad ang mga tunog ng mga manok, na gumagala dito. May nag-sisiga, at higit sa lahat ang namimiss kong amoy. Amoy ng probinsya. "Good morning." Pagbati ni Mama, nang nakalapit ako sa kanila. Umupo naman ako.

"Naabutan ka namin kagabi, tulog ka na, a? Nasa magkabilang dulo pa talaga ka'yo ni Zai. Pwede naman ka'yong magtabi. Wala namang mali." Sabi ni mama at tumawa. Payag siya? Sabagay, minsan magkatabi kami.

"Anong oras ka'yo dumating kagabi, Ma?" Pagtatanong ko.

"Madaling araw na, ang kukulit ng mga ate at kuya mo, e!" Sabi niya. Natawa naman ako. "Anong oras ka'yo natulog kagabi?" Pagtatanong ni mama sa dalawa.

"Mga alas-dose ako natulog, ewan ko lang sa dalawang 'to." Sabi ni kuya.

"Ewan ko rin, kung anong oras na ako natulog, e. Basta ang maaga natulog si Vaisley." Si ate Amaris.

"Nasaan pala si Ivy, ate?"

"Nandoon. Kakagising lang."

Agad ko namang pinuntahan si Ivy. Pagpunta ko roon, ay nginitian niya ako ng nakakaloko. "Ka'yo, a! Naglayo pa ka'yo sa isa't isa, pwede naman lumapit, kaya buti nalang talaga tinulak kita nang natutulog ka, e." Sabi niya.

"Tinulak? Papunta saan?" Pagtatanong ko.

"Sa tabi ni kuya mo Zaiden." Sabi niya.

"Naitulak mo pa ako no'n, a?"

"Niyakap ka pa nga ni Zaiden, e!" Sabi niya. Nagtaka naman ako.

"Niyakap? Huh?" Pagtatanong ko. Napatingin naman siya sa bandang pinto.

Sunsets Witnesses EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon