23

17 7 0
                                    


Makahiya.

Kinaumagahan, ay nagulat nalang ako na may prutas nang nakalagay sa may lamesa. Tinignan ko naman iyon.

'I'm sorry for what I said to you, but you're not a burden. I'm sorry.

Zaiden,'

Oh god! Ayaw ko nang lumapit sa kanya. Masyado akong natakot sa sigaw niya. I never heard that yelled. Pero nagbigay nginig sa akin ang mga sigaw niya sa akin kagabi. And I don't know, kung tatanggapin ko ito. Siguro oo?

Bumaba nalang ako at dinala ko na rin 'yon. Nakita kong nag-uusap ulit sina Mama. "Kainin mo na 'yan, Vaisley. Binili 'yan ni Zaiden para sa'yo." Sabi ni Tita.

"Loko nga iyong bata na iyon, e. Pagkabigay sa'yo, umalis agad. Hindi ako hinintay para bayarin 'yan." Sabi ni Mama. Tumawa naman sila.

"Saan ko po ito ilalagay?" Pagtatanong ko.

"Kainin mo na 'yan..." Si Mama.

"Oo nga." Si Tita, tumango ako. Pinalapit nila ako sa kanila at tinignan kung mainit pa ako.

"Hindi na masyado, sinat nalang magpahinga ka nalang, Ley." Si Mama. Binalatan niya naman ako ng prutas at pinakain sa akin. Pagtapos no'n, ay naghilamos na ako.

Lumabas naman ako at umupo, nakita kong papunta rito sina Ivy at Kyler. "Anong nangyari sa'yo?" Pagtatanong ni Ivy, nang nakalapit na siya. "Ang tamblay mo."

"Nilalagnat kasi..." Si Kyler. Ivy looked at me.

"Nilalagnat ka?" Pagtatanong niya. I nodded.

"Kaya, rito muna ako." I said.

"Saan ka natutulog?" Pagtatanong ni Kyler.

"I slept with Z-zaiden." Nag-iwas ako ng tingin.

"Simula nang nangyari kahapon, hindi ka na bumalik doon." Si Ivy.

I laughed. "Paano ako makakabalik, e hindi na nga ako pinapalabas kahapon, because strikto ang mga nagbabantay sa akin and umuulan din." Pagpapaliwanag ko.

Nag-usap kami ng ilang sandali, bago ako napatingin sa malayo at nakita kong papunta na rito si Zaiden. Bigla akong nanlamig at nagpawis din. Dahil naalala ko ang kagabi. Hindi kasi ako sanay na sinisigawan ako, kaya gano'n nalang ang nagiging reaksyon ko.

"I-ivy... P-pasok na ako, medyo sumasakit na ulo ko." I said.

"H-huh!? Pumasok ka na, nahihilo ka na pala! Ngayon lang ba?" Pagtatanong ni Kyler.

"O-oo, pasok na ako, a." Pagpapaalam ko at tumayo na.

"Ingat ka, pupunta pa ta'yong bayan... Kapag gumaling ka." Sabi ni Kyler, tumango naman ako.

"Ge, punta na kami roon..." Sabi ni Ivy. Tumango ako at ngumiti. Nakita kong nakasalubong nila si Zaiden at mukhang mapapatagal sila. Agad na rin akong pumasok para hindi niya ako maabutan. Walang tao sa sala, mukhang nasa likod din sina Mama.

Kumatok ako sa kwarto ni Ridge. "Ridge? Can I come in?"

"Come in!"

"Terrez." Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Zaiden, nakatayo sa may pintuan. Agad naman bumukas ang pinto, kaya nakapasok ako bago niya ako malapitan.

"Thank god." Sabi ko at humarap na kay Ridge. Napatakip ako ng mata, nang nakahubad lang siya.

"Ay, sorry! Talikod ka muna." Agad na sabi niya, nang napansin niyang humarap ako sa kanya. "Sorry naman, ok na naisuot ko na." Dagdag niya.

Nakahinga ako ng maluwag, nang nakita kong nakabihis na siya. I sat on his bed. "God, I cannot believe iniiwasan ko ang kuya mo." I said.

"Napaka soft hearted mo kasi..."

Sunsets Witnesses EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon