41

12 6 0
                                    


Time.

Nang papalubog na ang araw ay saka na ulit kami naglakad papunta na sa bahay nila. Habang naglalakad kami ay tahimik lang ako, dahil pinagkakaguluhan nila si Amelia. Sina Kuya naman ay kausap si Mama kasama na si Ate Lelei.

Si Zaiden... Na kay Amelia pa rin.

Nang nasa bahay na kami, ay gusto ko ulit umalis at pumunta ng bayan kaso ay wala akong kasama. Ayaw rin ni Ate Lelei, dahil kausap niya pa sina Mama.

Sinabihan ko rin sina Ivy na gusto kong pumunta ng bayan, pero umiling lang sila sa akin dahil aasikasuhin pa raw nila si Amelia. Kinuha ko ang wallet, nagpaalam kina Mama saka umalis na.

Hindi namalayan ang pag-alis ko ng mga pinsan ko, dahil masyado silang nagkakaguluhan kay Amelia.. Kausap din kasi nila ito. Hindi rin namalayan ni Zaiden ang pag-alis ko, dahil kinakausap naman siya ni Amelia.

Nang nasa Bayan na ako, ay kumain lang ako ng kumain kahit ako lang mag-isa. Habang kumakain ako, ay tumawag naman si Archer. "Hello?"

"Hoy, nasaan ka?"

"Nasa probinsya na, bakit?"

"Wala mangangamusta lang... Nasaan ka ba? Nasa bayan? Maingay, e!"

I laughed. "Oo kumakain."

"Kasama mo si Zaiden?"

I sighed. "H-he's busy with his cousins..."

"Bakit parang iba? Bakit parang hindi pinsan ang dahilan?"

"Hmm... About lang naman sa babae..."

"Pero ok ka'yo? Kapag hindi ako sasalo... Joke lang, magalit sa akin si Zaiden!" Aniya. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"We are... May babae lang talaga... Sige na kain na ako." Sabi ko. Ayaw ko nang pahabain ang storya, kaya tinapos ko nalang.

"Ge, ingat ka, a? Ikaw pa man din mag-isa riyan... Ingat!"

"Ikaw rin." Sabi ko at pinatay na ang tawag.

Gabi na, nang nakauwi na ako ng bahay.... Hindi na rin ako kakain dahil marami na akong nakain kanina.

Pagpasok ko sa bahay nina Tita Camilla, ay nakita ko ang mga pinsan ko na nakatingin sa akin. Lalo na si Zaiden na matalim ang tingin sa akin. Hindi ko nalang pinansin ang mga tingin nila.

Nang nasa kwarto na ako, ay narinig ko namang may nagbukas ng pinto. Humarap naman ako, kung sino 'yon. It's Zaiden, hanggang ngayon ay matalim pa rin ang pagtitig niya sa akin. Napaiwas ako ng tingin.

"Why didn't you text me, na aalis ka?" Mariing pagtatanong niya.

"I-I forgot... Sorry... I was busy eating." Sabi ko at inayos ko na ang bag.

"Bakit hindi ka nagpasama sa akin? O kung kanino man? Bakit ka umalis nang ikaw lang mag-isa?" Mahina lang ang boses niya, pero ramdam ko na ang galit niya... Dahil hindi ako nakapagpaalam at gabi na ako nakauwi.

"You are busy... L-lahat ka'yo..." Sabi ko. "S-saka... Hindi sa lahat ng oras, may kasama ako... I need to be independent din."

"Saan kami busy?" Natahimik ako dahil sa tanong niya. Isa lang rin ang isasagot ko roon. Busy silang lahat asikasuhin si Amelia, ang gusto nila para sa kanya. I sighed. "Saan?"

I take a deep breath. "You are all busy, busy ka'yo kay Amelia... K-kaya kaysa namang maburyo ako, u-umalis nalang ako kahit mag-isa lang." Kaya ko naman talaga na mag-isa lang ako, pero iba pa rin ang pakiramdam kapag may kasama ko.

"Bakit hindi ka nagpasama sa akin?" Napatigil ako sa pag-aayos ng gamit ko at tumingin sa kanya.

"Because, you are busy! You are all busy! They all need you! Amelia needs you!"

Sunsets Witnesses EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon