10

15 7 0
                                    


Angel.

"H-huh?" Hindi ko narinig ang bulong niya, pero alam kong mayroon siyang sinabing pangalan.

"N-nothing... Where's mom by the way?"

"A-ah... Kasama nila mama, namimili ng gamit." Sabi ko, hindi ako nakatingin sa kanya, dahil natutulala ako. "By the way, saan ka'yo pumunta?" Tumingin ako sa kanya.

"Somewhere..." Napatango nalang ako, nararamdaman kong awkward. Hindi ako makatingin sa kanya, dahil sa ginawa kong pagtalikod kanina. Dahil na rin sa naganap na away namin.

"By the way..." Tumingin ako sa kanya. Pinilit kong tumingin. "I'm sorry about the earlier..." Sabi ko. Pagtapos no'n, ay umiwas ako ng tingin dahil hindi ako makatagal sa pagtitig niya.

"It's ok..." Iyan lang ang sinagot niya. Sumandal naman ako sa sofa, dahil kanina pa pala ako naka straight body. Nakatingin lang ako sa mga pinsan ko na nagkakasiyahan sa kabilang table.

"Bakit hindi ka roon?" Wala sa sariling pagtatanong ko. Nakatingin pa rin ako sa mga pinsan ko, hindi sila gano'n kaingay, pero naglalaro sila.

"I want some silent place... Peaceful place..." Napatingin ako sa kanya, dahan-dahan siyang tumingin sa akin. "With you..." Napaiwas ako ng tingin at napakagat ng labi.

"B-but why? It's boring here..."

"It's not boring when I'm with you..." Agad na sabi niya, pero humina ang boses niya nang sinabi niya ang huling salita. Agad siyang nag-iwas ng tingin.

"W-why m-me? Ang daming iba riyan... Iyong gusto ni lola para sa'yo, why not her?" Pagtatanong ko, dahil hindi ko alam kung bakit ako ang pinili niya, madami namang iba diyan, na mas maganda at higit sa lahat, hindi boring kasama.

"Someday..." Tumingin siya sa akin. "You'll understand why..." Umiwas ulit siya ng tingin. Tumango nalang ako. Clueless. Hindi pa rin alam kung bakit, kung anong rason, kung b-bakit a-ako?

Maya-maya ay lumapit sa akin si Ivy. "Ang tagal ng pinapaframe ko!" Pagrereklamo niya.

"H-huh? Na ano?" Pagtatanong ko.

"Buti nakalimutan mo..." Mahinang sabi niya. "Secret! Ibibigay ko nalang iyon sa birthday mo." Excited na sabi niya. "Mag-aantay ka ng one year pa bago makuha mo iyon!"

"Why?"

"Para hindi na ako mag-isip kung anong ireregalo sa eighteenth birthday mo!" Sabi niya. Napatango-tango naman ako.

"What a clever...." Si Zaiden.

"Of course! Baka may dugo 'to ng Guiterrez." Sabi niya, natawa naman ako. Maya-maya, ay nakita kong papunta na sila mama rito, kaya nakatingin lang ako hanggang sa pumasok na sila.

Nang nakapasok na sila, ay nagmano naman sa kanila sina ate at iyong iba pa na pinsan namin. Kasama na rin ako na nagmano sa kanila. Hiwalay ang upuan nila, dahil wala ng space, pero katabi lang ng inuupuan namin.

"Binilhan kita ng fitted na t-shirt, iyon ang susuotin mo bukas, pati pants na fitted din." Sabi niya. Napakunot ako ng noo.

"Ma..." Pagrereklamo ko. "Hindi ako sanay sa gano'n... I always want the big one..." Sabi ko.

"Hindi, iyon ang susuotin mo bukas! Final na." Sabi niya.

"Sabi ko nga ikaw masusunod..." Sabi ko at sumimsim nalang sa iniinom ko.

"Why don't you want the fitted one?" Pagtatanong ni Zaiden, at inagaw ang iniinom ko. He wipped the straw with tissue.

"Uncomfortable, pero gustong-gusto ako maging babae ni mama... I'm a girl, but I don't want the fitted or sexy one. Siguro sa susunod gugustuhin ko na, but ngayon... Big no." I said.

Sunsets Witnesses EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon