Forbidden love.Tita Vivian called him. Parehas kaming napatingin kay Tita Vivian na may katabing babae. Hindi ko kilala kung sino iyon, kaya napaiwas nalang ako ng tingin. Nang papalapit na si Tita, ay sumusunod naman ang babae. Agad naman akong nagmano.
Nginitian ako ng babae. Tipid lang akong ngumiti sa kanya. "Zaiden, do you remember her, Anak?" Pagtatanong ni Tita sa anak, agad naman akong napatingin kay Zaiden.
Napatingin siya sa babae, at nakita kong napaawang siya ng labi at dinilaan ang pang-ibabang labi. He looked at me. "Yes... Amelia, right?" Pagtatanong niya. Nakita kong simple lang ang suot niya. He's just wearing a pants and t-shirt.
Napatingin naman ako sa babae, agad niyang nilahad ang kamay niya sa harapan ni Zaiden. "Milla nalang..." Ani ng babae. Niyakap naman siya ng babae, dahilan kung bakit ako napayuko.
Napa-pulupot naman ang braso ni tita sa akin, napatingin ako sa kanya. Nakita kong nakangiti siya habang nakatingin sa dalawa. "Bagay sila 'no?" Bulong ni Tita. Tumango nalang ako at tipid na ngumiti.
Napayuko ako ng bahagya, dahil alam kong hindi ko mararanasan na ngumiti sina Tita sa akin kapag nalaman nilang kami na at may relasyon kami.
Bigla akong nalungkot nang naisip ko 'yon. I tried to played my fingers while looking at them talking. Minsan ay tumitingin sa akin si Zaiden, pero panandalian lang iyon. Napayuko nalang ako.
Bumagal ang tibok ng puso ko, dahil nasaktan. Tuluy-tuloy pa rin ang pagtusok na matulis na bagay sa puso ko. Masakit iyon, pero kinaya ko pa ring tumayo rito at makita ko silang masaya.
Hinihintay ko nalang na may sumagip sa akin rito, kahit hindi ako humihingi ng tulong ay sana may sumagip pa rin sa akin, para makaalis ako rito. Naninigas ang mga paa ko dahilan kung bakit hindi ako nakakagalaw sa kinatatayuan.
Masakit pero mas ginusto naming magmahal ng patago.
Nanghina ang isa kong paa, kaya muntikan na akong manghina nang tuluyan. Buti nalang ay nakapulupot ang braso sa akin ni Tita. "Ok ka lang ba, Vaisley?" Pagtatanong ni Tita. Naramdaman ko rin ang tingin sa akin ni Zaiden. Hindi ko na nasagot iyon, dahil may nagsalita.
"Excuse me po!" Napatingin ako sa babaeng nagsalita. I saw ate Lelei smiling at me. But I know that smile. It means she's worried. Ngumiti lang din ako sa kanya. "Pahiram po muna si Vaisley!" Aniya.
Agad niyang pinulupot ang braso niya sa akin nang nakuha na niya ako. Nagpaalam naman siya kina Mama na maglalakad lang kami sa tabi-tabi. "I know you are jealous, Ley." She sighed.
Napatingin ako sa kanya. I scoffed. "A-ano pa bang magagawa ko? Alam kong wala akong karapatan na wag silang mag-usap, dahil ang alam nila ay pinsan lang ako." My tears came out.
Nakarating kami sa court. Kami lang ang tao roon at malinis doon at mahangin din. Naupo naman kami. Nakayuko lang ako at pinaglalaruan ang mga kamay. "All you need to do is kumapit nalang sa kanya at magtiwala."
"I saw Tita smiling... She's happy while looking at his son and her future daughter in-law." Hindi ko na napigilan ang paghikbi. "A-alam kong hindi ko mararanasan na ngumiti sila sa amin ng gano'n kapag nalaman nilang kami at may relasyon kami."
Sunud-sunod na ang pagtulo ng aking luha na parang ulan.
Agad naman akong dinaluhan ni Ate ng yakap. "Hayaan mo mararanasan mo rin 'yon..." Napatingin naman ako sa kanya, nakita kong namamasa na rin ang mga mata niya. Ipinikit niya sandali iyon at tumingin sa akin. She smiled a bit.
"Thank god! Kinuha mo ako roon, kundi baka tuluyan na akong magluha roon. At ayaw kong mangyari iyon dahil magtataka sila." I faked my laughed.
"Ano ka ba! Ako lang nakakaalam kung anong meron ka'yo, kaya sinagip na kita kasi alam ko rin ang pakiramdam na masaktan or makita mong may ibang kasama mahal mo." Aniya at tumawa. "Muntikan ka nang manghina kanina, a?"
BINABASA MO ANG
Sunsets Witnesses Everything
Teen FictionSunnivaisley Kassiani Guiterrez. A lonely girl. Not exactly lonely. May mga kaibigan naman siya na pinsan niya din. Gusto niya lang talaga na mag-isa lang siya. Her and herself are not lonely. Sa katunayan pa nga, ay masaya siya pag siya lang mag-is...