06

21 8 0
                                        


Heaven

"Sakit?" Pagtatanong ko sa kanya, habang ginagamot ko siya. Nasa kwarto kami ngayon, at sigurado ako na nasa baba ang mga pinsan namin. May sugat siya sa labi at sa bandang mata na dumudugo kanina.

"Kasi naman, e! Magpaalam ka sa susunod, a!? Para hindi ta'yo mapagalitan." Sabi niya. I chuckled.

"Sorry, gusto ko lang talaga umalis dito kanina... I forgot, na magpaalam." Sabi 'ko.

"I know, wag mo kasing patayin selpon mo!!" Sabi niya.

"Sorry, ayaw ko lang nang may tatawag tapos sisigawan lang ako..." Sabi 'ko, "you know, I am softhearted. I hate being softhearted." Dugtong 'ko.

"Alam ko, ayaw ko na umalis! Nakakatrauma." Sabi niya, I laughed so hard, dahil sa itsura niya.

"Kapag aalis ako, ako nalang mag-isa..." Sabi 'ko.

"Ay! Mas lalong hindi pwede 'yan, insan! Mas lalo ka lang masisigawan. Lalo si Zaiden at ang kuya mo." Sabi niya.

"I know, kapag may trabaho nalang ako. Doon nalang ako aalis mag-isa." Sabi 'ko, bawat dampi ko ng bulak sa labi niya at napapangiwi siya sa sakit. "Sa susunod, tumakbo ka na... Wag ka nang ngingiti, lalo mo lang iniinis iyong mga 'yon!" Dugtong 'ko.

"Aray! Kalma." Hindi ko namalayan na nadiinan ko na pala ang sugat niya. "Ako lang 'to! Hindi ako ang kuya mo... Kalma." Dugtong niya. Nagtagal kami ng ilang minutes sa paggagamot ko sa kanya. Ibinigay niya pa sa akin ang pera, na ipinatabi ko sa kanya kanina.

Nang nakababa ako, ay nakita ko naman na ginagamot na sila. Ginagamot ng babae si Zaiden. Iniwas ko ang paningin ko sa kanila. Nang nakita nila ako, ay pinaalis nila ang mga naggagamot sa kanila.

Bugbugan pa. Suntukan pa.

Nakatayo lang ako roon, at naghihintay na magsalita sila. Niisa ay walang nagsasalita. Nang wala pang nagsasalita, ay nagsalita na ako. "Sabihin niyo na ang gusto niyo nang sabihin." Sabi 'ko nang mahinahon. "I'm sorry... Kung umalis ako nang walang paalam."

"Saan ka'yo pumunta?" Pagtatanong ni kuya.

"Somwhere, na malayo rito." Sabi 'ko.

"Bakit ka umalis?"

"Madaming tao rito, kaya gusto kong umalis."

"Anong rason?" Si Zaiden.

"Nasabi ko na ang rason."

"You're lying.."

"Paniwalaan ang gustong paniwalaan. As simple as that."

"Bakit nga?! Sabihin mo nalang, Ley!" Sigaw niya. "Kanina ka pa nagsisinungaling!"

I sighed. "Anong gusto mong sabihin ko? Na dahil sa'yo? Kaya ako umalis?" Pagdadahilan 'ko.

"Bakit?! Iyon naman talaga ang dahilan, a?! That's the reason kung bakit ka umalis nang walang paalam!"

"Tapos ka na?" Nag-iiba ang ugali 'ko kapag galit ako. Nawawala ang pagiging mahinhin 'ko. Nanahimik siya, at mukhang nagulat sa sinabi 'ko. Ayaw ko nang pag-usapan kung ano ang dahilan. Kaya pilit kong iniiwas iyon.

"Totoo ba ang sinasabi ni Zaiden?" Pagtatanong ni kuya.

Napalunok ako sa tanong ni kuya. "Hindi."

"Sabihin mo nalang ang totoo, Ley!"

"Ulit-ulit ta'yo... Hindi ta'yo agad matatapos nito..." Sabi 'ko. "Anong gusto niyong malaman? Rason? Sige. Rason. Ang rason ko kung bakit ako umalis, dahil madaming tao. Na hindi ko kilala. Lahat ka'yo busy. At ang nayaya ko lang si Kyler. Na hindi nagdalawang isip na samahan ako. Napaliwanag ko na ba nang maayos?" Dugtong ko, sa sobrang inis.

Sunsets Witnesses EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon