News."Oh, my! Beach!" Ani Ate Lelei, nang nakapasok na kami ng resort. "Ganda dito sa La Union, a?" Dagdag niya.
Zaiden was holding my hands, at sa kabilang kamay niya naman ay basket na may mga pagkain. Unti lang ang tao rito. At ang buhangin naman ay parang pulbo na dahil sa sobrang pino nito. "Let's go sleep... I need some energy." Tumingin siya sa akin at ngumisi.
"Then let's go..." Ani ko at naglakad na. Tumingin ako kay Ate Lelei na nakangisi na sa amin. "Saan ka, Ate?"
"Edi syempre! Sasama sa inyo! Saan pa ba?"
"Ikaw... Saan mo ba gusto? Tutulog na rin muna ako, at nabitin ako sa aking tulog..."
"Edi tulog na rin ako! Dios 'ko! Hirap talaga ng third-wheel, sunod lang sa mag-jowa!" Aniya at nauna nang naglakad. Natawa nalang ako sa kanya.
Nang nasa kwarto na kami, ay agad namang binaba ni Zaiden ang mga gamit at bumalik ulit sa sasakyan para kunin ang mga iba pang gamit. Hindi na niya ako pinasama, para raw may kasama si Ate Lelei.
"Sipag!" Ani Ate Lelei na nasa kabilang kama. Pinuntahan ko naman siya na nag-aayos ng mga gamit niya. "Mukhang hindi iyon makakatulog nang wala ka sa tabi niya..."
"Imposible... Pagod iyon, Ate... Makakatulog agad 'yon." Sabi ko, habang tinitignan siya na nag-aayos.
"Pustahan? Kapag pumasok siya at naibaba na ang mga gamit sa kabilang kama, at hinila ka na... Ibig sabihin no'n hindi iyon makakatulog kapag wala ka. Since ngayon nalang ulit ka'yo matutulog nang magkasama." Aniya. "Kapag 'di ka hinila, edi talo ako."
"Ok?"
"Ibibigay mo sa akin ang lip balm mo na hindi mo pa nagagamit..." Sabi niya at ngumisi.
"Ok! Iyon lang pala... Madali lang..." Ani ko. Ilang minuto kaming nag-uusap ni Ate. Nang pumasok na si Zaiden ay natahimik kami at sinusundan naman ng tingin ni Ate Lelei si Zaiden.
She's right. Marahan akong hinila ni Zaiden sa pagkakaupo. Napatayo ako, dahil sa paghila niya sa akin. Nauna siyang humiga at sumunod naman ako. "Ok! Akin na ang lip balm!" Si Ate Lelei. She laughed devilishly.
"Nasa condo... Hindi ko dala..." Ani ko at naramdaman ko naman na ipinagapang ni Zaiden ang kamay niya sa aking baywang. Nakatalikod ako sa kanya nang ginawa niya iyon.
Maya-maya rin ay humarap na ako sa kanya. Nakapikit na siya pero alam kong gising pa rin siya. Marahan akong gumalaw pababa para maisubsob ko sa kanya ang mukha ko. Habang marahan akong gumagalaw pababa, ay tinitignan ko naman siya kung magigising siya.
Nang napamulat siya ng mata ay natawa nalang ako sa ginagawa ko. He raised his brow at me, ngunit umiling lang ako sa kanya. Nang nakababa na ako, ay agad kong sinubsob ang aking mukha sa dibdib niya. Naramdaman kong niyakap niya ako ng mahigpit.
I miss his scent!
Nagising ako nang bandang tanghali na. Bahagya naman akong bumangon dahil baka mamaya ay magising si Zaiden. As I expected. Nagising nga siya at tumingin sa akin. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin. He buried his face on my chest and he closed his eyes.
I sighed and hugged him. Dinampi ko naman ang aking kamay sa buhok niya at ipinadulas doon ang kamay. Kinuha ko naman ang aking selpon. I saw Ate Lelei's chat.
Lelei:
Gising ka na ba?
Kassiani Aisley:
Opo... Hindi lang ako makabangon, dahil po iyong ISA rito, e ayaw ko pabangunin...
BINABASA MO ANG
Sunsets Witnesses Everything
Ficção AdolescenteSunnivaisley Kassiani Guiterrez. A lonely girl. Not exactly lonely. May mga kaibigan naman siya na pinsan niya din. Gusto niya lang talaga na mag-isa lang siya. Her and herself are not lonely. Sa katunayan pa nga, ay masaya siya pag siya lang mag-is...