45

18 7 0
                                    


45

Nagulat ako nang may nagsalita, pagkapasok ko ng bahay nina Tita Camilla. It's Tita Vivian. Mukhang nasa sala na ang lahat at si Tita Vivian nalang ang naririto. I nodded. "Sa bahay sana?"

"S-sige po..." Sinundan ko naman siya. Sa harap kami ng bahay dumaan, kung saan naroon ang pinto na pagpasok mo roon ay sala na. Ramdam kong nakatingin silang lahat sa akin... Sa amin.

Tahimik lang kami na nakaupo sa hapag kainan. Kami lang ang tao rito at wala sina Tito rito. "Narinig mo naman siguro ang sinabi ng tito mo kanina, hindi ba?" Pagbasag sa katahimikan ni Tita.

"O-opo..."

"I-I want you t-to break up with m-my son..." Nauutal na sabi niya. Hindi siya makatingin sa akin. Natahimik ako sa sinabi niya at nagpaulit-ulit sa utak ko ang sinabi niya. Parang sirang plaka kung magpaulit-ulit. Napayuko ako.

My heart was beating so fast. My eyes are tired of crying, but I ended up crying. I bit my lips, para mapigilan ang paghikbi. Ang mga luha na kanina ay natuyo na sa mukha ko, pero may panibago na naman. May lumabas na naman.

Hindi alam ang gagawin. Kung magsasalita ba o hihikbi nalang hanggang sa matapos ang usapin na 'to. Ang usapin na hindi ko kayang pag-usapan. Tita held my hand, I looked at her. "Please? K-kung gusto mong m-maging masaya anak ko, b-break up with him."

"S-sa tingin niyo ho ba hindi na masaya sa akin si Zaiden?" Nauutal na pagtatanong ko. Natahimik siya, dahilan kung bakit ako napailing.

"H-hindi ko alam, but please... I need your help. Please break up with him. I'm a mother, alam 'ko kung ano ang mapapabuti sa kanya, sa inyo." I suddenly felt the guilty, na matagal nang nasa akin, ngunit hindi ko masyadong nararamdaman, dahil inaalis 'yon ni Zaiden. Pinapalitan niya ng saya.

"A-ano pong mangyayari k-kapag n-nakipaghiwalay ako s-sa kanya?" Pilit akong ngumiti kahit na nasisira na ako sa loob. Kahit hindi ko na alam kung anong sasabihin.

Tita was crying too. "Kapag n-nakipaghiwalay ka... Pag-aaralin namin siya, kahit sa ibang bansa pa... K-kahit na may kamahalan..." Ani Tita. She was holding my hand tightly. "K-kapag hindi k-ka nakipaghiwalay sa kanya... H-hindi namin siya pag-aaralin."

Nagulat ako nang sinabi iyon ni Tita. Nakasalalay ang pag-aaral niya sa relasyon namin?

"K-kung gusto niyang mag-aral, m-magtatrabaho siya... P-para sa mga kailangan n-niya sa pag-aaral..." Napatigil siya ilang sandali, dahil humihikbi na rin siya. "Hindi ako payag... P-pero h-hindi ko na napigilan... Dahil pumayag na r-rin sila..."

"K-kailan po ang alis niya k-kung gano'n?"

"Huwag kang mag-alala, sasama ka sa paghatid sa kanya... Kung gusto mo."

Tumango ako at bahagyang inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Excuse me po..." Ani ko at tumalikod na para maglakad.

"T-think about it, Ley... M-may mahahanap ka pa na i-iba..." Aniya. Hindi na ako umimik at lumabas nalang ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko ngayon... Makikipaghiwalay ba ako, para sa pag-aaral niya o itutuloy pa rin kahit mali?

I wiped my tears and kinuha ko ang selpon ko sa bulsa. I need someone to listen to me. I called Cassila's number. "H-hello?"

"Yes, bakit parang umiiyak ka ata?"

"K-kakatapos lang..." Pilit akong napangiti. "They already knew... A-alam na nila ang t-tungkol sa amin..."

"H-huh?!" Narinig ko rin ang boses ni Archer. I know he joined. "P-paano?!"

"I-I don't know! I-I was clueless! Nagulat nalang kami nang tinawag kami..." Ani ko.

"A-anong mangyayari ngayon?"

Sunsets Witnesses EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon