38

16 7 0
                                        


Danger.

"With my friend..." Nakita kong inagaw iyon ng babae at pinatay ang selpon. Agad naman akong tumalikod, dahil baka mamaya ay makita niya pa ako na nakamasid sa kanila.

Edi ayon, luhaang uuwi. Walang napala. Sa canteen nalang ako kumain, kahit mahal doon. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko ngayon. Blanko ang isipan ko ngayon dahil sa mga nangyayari. Sunud-sunod ang pangyayari na hindi maganda.

Nang natapos na kami, ay nag-isip ako na hindi sa condo uuwi. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon, bahala nalang kung saan.

Maya-maya, ay hindi ko namalayan na nakauwi na pala ako sa bahay. Nakita kong bukas ang gate ng bahay, agad akong tumingin roon. Nakita kong nagkakasiyahan sila, naroon rin sina ate na kakarating lang galing eskwelahan.

Si Mama naman, ay ang nagluluto ng kakainin nila. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang nakamasid sa kanila. Ilang minuto akong nakatayo roon, nang naisipan ko nang umalis.

Pinatay ko ang selpon ko, para walang tumawag sa akin. Pumunta ako sa kung saan-saan na lugar na alam ko na malapit lang puntahan. Nang alas-nwebe na ng gabi, ay umuwi na ako.

Nang nasa condo na ako, ay kumatok na ako. "Gaga ka! Saang lupalop ka pumunta!?" Agad na sigaw ni Ate, nang binuksan niya ang pinto. Agad naman akong pumasok. Nakita ko sina Casilla, Archer, Autumn at Zaiden. I was shocked when I saw Autumn.

"Where did you go?" Pagtatanong ni Autumn at niyakap ako. "Kinabahan ako sa'yo nang tinawagan ako ni kuya Zaiden." Napatingin naman ako kay Zaiden, na matalim nang nakatitig sa akin.

"Hoy! Kung aalis ka, magpasama ka!" Agad na sigaw ni Archer. Niisa sa tanong nila, ay hindi pa ako nakakasagot.

"Oh my god! You're back! Gosh we are so worried about you... Tinawagan pa kami ni Ate Lelei, para tanungin kung nasa amin ka ba!" Ani Casilla.

"D-did you call mama?" Pagtatanong ko kay Ate Lelei.

"Hindi! Pasalamat ka hindi, kundi may sampal ka nang matatanggap!" Ani Ate Lelei. "Nasaan na ang mga sagot sa tanong namin?"

I sighed. Napadila naman ako para basain ang labi ko. "W-wala—"

"Anong wala!? Gaga ka!? Gabi ka na umuwi! Dapat nga mga alas-syete ka pa nandito!" Sigaw niya. "Kapag aalis ka, magpaalam ka, ha?! Hindi iyong mawawala ka nalang na parang bula!"

"May kinikita ka ba?" Pagtatanong ni Casilla.

"Sino naman kung gano'n?"

"Wala natanong ko lang, baka kasi mamaya kaya ka ginabi kasi may kinikita ka pala." Aniya.

"Wala akong kinikita, ok? Stress lang ako kaya gusto kong lumabas mag-isa."

"Sa susunod mag-text, ha? Usok text, 'te!" Si Archer. Tumango ako.

"Saan ka pumunta?" Napatingin naman ako kay Zaiden na nagtanong.

"Tara, kain muna ta'yo sa labas." Yaya ni Ate Lelei.

Nang nakalabas na sila, ay uminom muna ako ng tubig bago ko siya tinignan. "Kung saan-saan."

"Why didn't you call me, para samahan ka?"

Umiling ako. "Baka maistorbo ka."

"W-what are you doing—?" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang lumapit at niyakap ako nang mahigpit.

"I miss you."

"G-go home, you're j-just tired." Agad na sabi ko. Hindi ko siya niyakap pabalik.

"You are my home." He softly said. Pumikit ako ilang sandali. Iniisip kung anong gagawin, para lang mapaalis na siya.

Sunsets Witnesses EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon