14

12 6 0
                                    


Wind.

Hanggang ngayon, ay iniisip ko pa rin ang panaginip ko, kahit na nakalimutan ko na. I think, matatandaan ko nalang siya kapag nangyari na? God, bakit hindi ko kasi sinulat? Nalimutan ko tuloy.

"Huy! Iniisip mo riyan?" Pagtatanong sa akin ni Jamila, habang nakaupo kami rito sa labas, sa taas. Madilim na, pero rito pa rin kami nakaupo. "Kanina ka pa tulala riyan, na parang may iniisip... It is about your dream again?"

Tumango ako. "I forgot, I don't know, kung anong nangyari roon..." Sabi ko. "And I forgot to write rin... I think, maaalala ko lang kapag nangyari na iyon sa totoong buhay." dugtong ko.

"Just forget about it, maaalala mo rin 'yan... Just wait..." Sabi niya. Tumango nalang ako, at nagguhit nalang ng kung ano sa papel.

Habang nag-dadrawing ako, ay may umagaw naman ng papel. "Hey—"

"Why don't you color this drawing?" Si Zaiden, pilit ko pa rin inaabot sa kanya ang papel na sinusulatan ko. Inilalayo niya sa akin ang papel.

"Give it to me!" I said, like a kid. Pilit ko pa rin iyon inaabot, habang siya ay tumatawa pa. Nang napagod na ako, ay sinamaan ko lang siya ng tingin. Mas lalo naman siyang tumawa.

"Oh..." Pag-abot niya sa akin ng papel. Ngumiti ako nang iniabot niya iyon, bigla rin nag-iba ang reaksyon ko at kiniliti siya. "Hey! Stop..." Dugtong niya, habang tumatawa pa rin.

"Ano, ha? Kukunin mo pa?" Pagtatanong ko sa kanya, habang tumatawa siya. Umiling naman siya. "Gusto mo itigil ko?" Tumango naman siya. "Haha! Ayaw ko nga!"

"Hey! Lagot..." Hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin niya, dahil ngayon ay kinikiliti ko pa rin siya. "Lagot ka sa'kin, kapag natapos 'to!"

"Ha? I didn't hear you, kuya!" I said.

"So, eto na nga naging multo na ako, sa paningin nila..." Natigil ang pagkukulitan namin, nang nagsalita si Jamila. "Kayang-kaya ka niyan, kuya... Tangkad, e!" Dugtong niya.

Ngumiti ako sa kanya. "Thank you!"

"Ah, gano'n... Thank you?" Pagtatanong sa akin ni Zaiden, habang hawak-hawak ko ang kamay niya. Nasa likod niya ako, hawak-hawak ang kamay. Tumango ako at ngumiti.

"Opo... Tangkad 'ko kaya po..." Nagulat ako nang biglang nag-iba ang posisyon namin. Siya na ang nasa likod ko at siya na rin may hawak ng isa 'kong kamay. Ang braso niya, ay nasa leeg ko.

"Matangkad pala, a..." Sabi niya.

"Hoy, mga bata ka'yo! Ano? Doktor kwak-kwak ang laro?" Napatingin kami sa nagsalita. Si tita Sadie. Habang nakangiti sa amin. Kina tita Camilla kami pumupunta kapag gusto namin sa balcony pumunta.

"Hay naku, Tita! Kanina pa sila... Naging multo na nga ako sa paligid nila, e..." Si Jamila.

"Ka'yo, a! Naglalaro pala ka'yo ng doktor kwak-kwak 'di niyo ako sinali..." Si Kylo.

"Tanga! Magiging third wheel ka!" Sabi ni Jamila, sa kapatid. Natawa si tita.

"O siya... Tama na 'yan..." Dumapo ulit ang tingin sa amin ni Tita. "Ka'yo? Ano bang nangyari sa inyo? Mga batang 'to, oo!"

"Kasi po, si Zaiden... Hindi po binibigay sa akin iyong papel na pinagguguhitan ko po..." Pagsumbong ko na parang bata.

"Inabot ko na sa kanya, tita... Kaso kiniliti po ako... Bumawi lang naman po ako..." Sabi niya. Dahan-dahan naman lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin, dahilan kung bakit din ako nahiwalay sa kanya, kiniliti ko ulit siya. "Ayan, tita, o... Nangingiliti!"

Natawa naman si Tita sa amin. "Mga batang 'to! Aso't pusa! Tara na baba na mangan tana..." Pag-aya ni Tita. Tumango naman kami. Pagkababa nina Tita, ay nag-usap ulit kami.

Sunsets Witnesses EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon