42

13 6 0
                                    


I'm in...

Napatingin ako sa kanya na nakatayo na sa harap. Walang anu-ano'y tumayo ako, kahit masakit ang likod ko. "Ley..."

Humarap ulit ako sa kanya. "I-I can handle myself..." Nauutal pa na sabi ko at tumalikod na. Umasa ako na siya ang unang tutulong sa akin, pero mas inuna niya pa si Amelia... Kaysa sa akin na nobya niya.

"Vaisley..."

"Ley, Hatid na kita sa bahay, at magpahinga ka na rin..." Ani Atlas. Tumango ako sa kanya at ngumiti. "I'm sorry about that..."

"Ok lang—"

"Dito ka nalang, ako na maghahatid kay Vaisley..." Napatingin kami sa nagsalita. Speaking... Zaiden.

"N-no..." Ani ko at tipid na ngumiti. I looked at Atlas. "A-Atlas can take me home... Para makabawi siya sa ginawa niya sa akin." I chuckled. He laughed and nodded.

"But—"

"Zaiden! Can you take me to somewhere?" Napatingin kami sa babaeng papalapit na sa kanya.

"I can't—"

"T-take her to somewhere." Tipid akong ngumiti sa kanya.

"Oo nga..." Ani Atlas.

"L-let's go... I want to go home..." Ani ko at nauna nang naglakad kahit na masakit pa rin ang likod.

Agad naman akong naupo at pinahinga ang likod sa sandalan. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Napamulat lang ako ng mata nang may kumatok sa bintana. Agad ko namang binaba ang bintana.

"Ako na maghahatid, ikaw nalang maghatid kay Amelia..." Aniya at binuksan ang pinto, saka ako hinila. Napatingin naman ang dalawa sa amin.

Pumasok naman siya at kinailangan niya pang ibaba ang bintana, para lang sabihan ako. "Get in." Mariin na sabi niya. I sighed, at pumasok nalang rin. Tahimik lang kami sa sasakyan. "How's your back?"

"I'm in pain..." Ani ko. At pumikit.

"I'm sorry—"

"Just please, let's go home... I want to rest again. I don't need your sorry... I-I just want to go h-home..." I closed my eyes, para mapigilan ang paglabas ng luha.

Nang naramdaman kong tumigil na ang sasakyan ay tinignan ko muna ang paligid kung nandito na kami. Agad akong bumaba at hindi ininda ang sakit at dire-diretso lang naglakad. Napapangiwi ako, dahil sa sakit ng likod ko.

Nang nakasalubong namin si Tita, ay agad akong tipid na ngumiti. "Oh, bakit na ka'yo umuwi?" Natahimik ako sa tanong ni Tita. Hindi alam ang sasabihin. "Nasaan si Amelia, Zaiden?" I slightly sighed, when I heard her name again.

"Na kay Atlas, Ma—"

"Bakit hindi ikaw ang kasama niya?"

"T-tita... Pasok lang po ako sa bahay..." Ani ko at tipid na ngumiti. Tipid siyang ngumiti at tumango. Agad naman akong pumasok ng kwarto at ni-lock iyon.

Dahan-dahang napahiga ako sa kama na nakalatag. I cried, because of pain on my back and pain in my... My heart. I want to cry and cry and cry. Hanggang sa mawala na ang sakit at mawala na lahat ang luha.

Pinigilan ko ang paghikbi nang may kumatok. "S-sino 'yan?"

"Ley, let me in..." I sighed. "Baby..." Napabangon ako nang narinig ko ang boses niya.

"Zaiden, please? P-puntahan mo nalang si Amelia..."

Itinutulak ko siya kay Amelia... Kasi iyon ang dapat na gawin ko bilang pinsan niya. Alam kong mandidiri sila... Pero pinilit pa namin kahit hindi pwede. Kahit kami lang ang masasaktan. Wala na akong magagawa... Wala na. Wala na akong laban, e.

Sunsets Witnesses EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon