Fight.Nagkatinginan kami, dahil sa nangyari. Awkward. Hindi agad ako nakatayo, dahil nanlamig ako sa nangyari, lalo na nung narealize ko na hawak-hawak niya ang baywang ko.
Malapit na ang mukha namin sa isa't isa. Napatingin ako sa mata hanggang bumaba iyon papunta sa labi. His lips are pinkish. Dinilaan niya ang labi niya. My heart was beating so fast and loud. Sana lang ay hindi niya iyon narinig.
Nang nakagalaw na ako, ay agad akong tumayo at hinanap pa rin si Riley. It's awkward, pero hindi ko nalang ipinahalata. Kahit na umalis ako sa lap niya, ay ramdam ko pa rin ang tingin niya. Maya-maya, ay lumapit sa akin si Riley. "Riley, may question si ate sa'yo." Sabi ko.
"Ano po iyon?"
"May gusto ba ngayon si kuya mo?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Na ano?" Napatingin siya sa akin.
"Girl?" Pagtatanong ko, tumingin ako sa kanya.
"Ah!! Hindi ko alam. Pero nang nakaraan po may gusto siya." Sabi niya.
Bigla naman akong napangiti. May bagong pang-asar na ako sa kanya. "Kilala mo? Sino?" Pagtatanong ko.
"Uhmm... Baka bukas pumunta iyon, I know her face but her name... I don't know." Sabi niya, tumango ako at umupo na. Si Riley naman ay bumalik sa kusina.
"Hindi ko na gusto iyon..." Napatingin ako sa kanya, napakunot ako ng noo.
"Then?"
"Sinabi ko lang, dati na iyon... Matagal na iyon..." Sabi niya.
"Kung pumunta man iyon bukas, at natulala ka sa kagandahan niya... Ibig sabihin, gusto mo pa siya." Sabi ko.
"Paano mo malalaman kung siya iyon?" Pagtatanong niya.
"Basic, and'yan mga kapatid mo, itatanong ko sa kanila kung siya iyon." I said. Nakatingin lang siya sa akin. Inilapit niya naman ang mukha niya sa akin.
"Paano naman kapag nakatulala ako sa'yo? Anong ibig sabihin no'n?" Pagtatanong niya sa akin. Napaisip naman ako.
"I-i don't know..." Tumingin ulit ako sa kanya. "Siguro, dahil... Trip mo lang?"
"Trip, huh?" Tumango naman ako. "Gandang trip naman 'yon."
"Pardon?"
"Nothing... Pupunta na muna ako kina Mama...." Sabi niya.
"Denden! Ano iyon? Sabihin mo na!" Pangungulit ko.
"Sabi ko, pupunta ako kina Mama." Sabi niya at lumabas na. I pouted.
Kinabukasan, ay maaga silang naghahanda, lahat ay hindi mo maistorbo dahil may nagluluto, may nag-aayos ng mesa, nag-aayos ng videoke, at kung anu-ano pa. Kaya nang natapos na akong kumain, ay naligo na ako at umakyat sa taas at doon muna ako mananatili. Wala naman akong gagawin dito.
Pag-akyat ko, ay narinig ko agad ang pinatugtog nila. Sinabayan ko naman iyon.
'Unti-unting naglalapit
Ang ating mga mundo
Pag-asa ay ating bitbit
Maligaya't walang takot
Ang saya at pagsinta'y
Tila walang kapantay
Inaabangan ang bawat pagtagpo
Walang mintis ang tuwa
Sa'ting dalawa
Hinamak ang lahat' napatingin naman ako sa likod ko, dahil ramdam kong may nakatingin sa akin, pagtalikod ko ay nakita ko si Zaiden, na nakasandal sa may pinto. Hindi ko tinuloy ang pagkanta, dahil bigla akong nahiya. Naramdaman kong namula ang mukha ko dahil sa hiya.

BINABASA MO ANG
Sunsets Witnesses Everything
Teen FictionSunnivaisley Kassiani Guiterrez. A lonely girl. Not exactly lonely. May mga kaibigan naman siya na pinsan niya din. Gusto niya lang talaga na mag-isa lang siya. Her and herself are not lonely. Sa katunayan pa nga, ay masaya siya pag siya lang mag-is...