You.Napaisip ako sa sinabi niya. Paano nga kung sa pag-amin ko ay mabawasan ang pagkakagusto ko sa kanya? Does it mean, I need to confess him? How? Where?
Natatakot ako. Natatakot ako na baka ang isang taong naniniwala sa akin, ay mawala pa. Iilan na nga lang silang naniniwala sa akin, baka lumayo pa siya pag-sinabi ko. I sighed.
"Ano? Nakapag-isip ka na ba?" Napatingin ulit ako sa kanya. I closed my eyes before I nodded. "So, what's the answer?"
"S-sasama na ako sa kanila pauwi, k-kapag bakasyon na..." I said.
"Ayan! Goods na ta'yo, a?" Tumingin ako sa kanya. Ngumiti ako at tumango.
"Anong pinag-uusapan niyo diyan?" Pagtatanong ni ate na dala-dala na ang mga pagkain na in-order niya.
"Mga bagay-bagay lang, 'te..." Agad na sabi ni Archer. Pagtapos no'n ay kumakain na kami.
Gabi na, nang nakauwi na ako sa bahay. Wala pa ring tao, wala pa rin sina Mama. Nagising lang ako ng madaling araw, para pagbuksan sila ng gate. Pagkatapos no'n, ay bumalik ulit ako sa pagtulog.
Nang natapos na ang bakasyon at nagkapasok na, ay tinuon ko nalang ang atensyon ko sa pag-aaral. "Ayan na si Ms. Busy!" Sigaw ni Archer, nang papalapit na ako sa kanila ni Casilla.
Nandito ako sa canteen, dahil kanina ay hinihintay ako ng dalawa sa labas ng room. Sinabi ko nalang sa kanila na mauna na sila. "Why you're so busy? Dati naman, hindi ka gano'n ka busy, a?" Si Casilla.
"Because, she wants to forget about..." Napatingin ako sa kanila.
"Ah!" Agad na sabi ni Casilla, nang nalaman niya ang sinasabi ni Archer.
"It's not all about that... It's all about, patapos na rin kasi ang pasukan... Kaya I need to get a better grades." Ani ko. Iniabot sa akin ni Archer ang tinapay. "Thank you..."
"So, what? Matalino ka naman, a?" Si Casilla.
"H-huh? Kilala mo ba talaga ako?" Tumango siya. "No, I am not intelligent! Lalo na ang math... God! Ang hirap..." Dagdag ko.
"Paturo ka kay Archer, he's good at math..." Napatingin ako kay Archer. He smiled at me.
"Ano ba ka'yo? Parang sira! Kalma, ako lang 'to..." He threw a joke. Joke ba iyong sinabi niya? "Kidding aside, kailangan mo lang gamitin ang iyong memorya sa math." We nodded.
"Ok..."
"No, magaling ka sa math, Pixie." Napatingin ako kay Casilla. "Mataas naman grades mo roon, a?" Napatango ako.
"Ayon naman pala, e! Sa susunod patingin kami ng card mo..." Si Archer, tumango ako sa kanila. Nang natapos na kaming kumain, ay sumabay na rin akong maglakad. Puro tawa kami habang naglalakad, dahil kay Archer.
Nang natapos na ang pasukan at nang nakagraduate na ay puro pahinga nalang ako.
Minsan, ay nakikipagkita ang dalawa o pumupunta rito sa bahay. Nang huling na namin rito sa bahay at kinabukasan naman ay aalis na kami papuntang Pampanga, ay nakipagkita ang dalawa.
Sinabi na rin sa akin ni Papa na nakahanap na raw sila na pagtitirahan ko na malapit nalang sa school. At sabi niya rin na kapag umuwi kami, ay roon nalang daw ako. Agad naman akong sumang-ayon sa sinabi niya.
"So, ano? Sasama ka na talaga sa kanila pauwi ng Pampanga?" Pagtatanong ni Casilla, sumimsim naman siya sa iniinom niya. Nandito kami ngayon sa Mall.
I sighed and nodded. Nang nakita nilang tumango ako, ay nag-apir naman sila. "Bahala na kung anong mangyayari... Gusto na raw ako nila makita..." Kaarawan na rin kasi ni Lola, kaya uuwi talaga kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/289343209-288-k865621.jpg)
BINABASA MO ANG
Sunsets Witnesses Everything
Fiksi RemajaSunnivaisley Kassiani Guiterrez. A lonely girl. Not exactly lonely. May mga kaibigan naman siya na pinsan niya din. Gusto niya lang talaga na mag-isa lang siya. Her and herself are not lonely. Sa katunayan pa nga, ay masaya siya pag siya lang mag-is...