Confused.Pagkatingin ko, ay text lang iyon tungkol sa load. It's about promoting the load. God! Halatang excited sa text. "May ka-text ka ba? Ba't parang excited ka?" Si Ivy.
"W-wala... Akala ko kasi kung ano iyon... Load lang pala..." Pagpapaliwanag ko. Tumango naman siya. Tumingin nalang ako sa bintana.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko minsan. Hindi ko alam kung bakit gano'n nalang ang mga nararamdaman ko. Minsan, halo-halo na. Sa sobrang pagkahalo, ay hindi ko na maintindihan.
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko mismo. Ang hirap intindihin ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit naexcite ako kanina na makita ko siya. It turns out, wala pala siya. Umalis. Akala ko ba tinatamad siya? So, kapag sa babae sisipagin siya? Ok.
Natulog nalang ako at tinigil ko nalang ang pag-iisip. Nang natigil ang sasakyan, ay saka lang ako nagising. Bumaba naman kami agad. "Gusto 'ko ulit matulog." Bulong ko. Habang naglalakad kami, papunta ng Mall.
"Hobby mo talaga 'no?" Pagtatanong ni Kyler, at inakbayan ako. I chuckled and nodded.
"Hay naku! Masarap talaga matulog kapag probinsya." Sabi ni Ivy. "Saka alam niyo, mapang-akit kasi ang araw at ang hangin, kaya makakatulog ka. Bet ko iyong simoy ng hangin." Dugtong niya.
"Yes, that's what I want..." Sabi ko.
"Parang gusto ko na rin matulog." Sabi ni Kyler, nang humangin ng malakas. Nagtawanan nalang kami.
Nang nakapasok na kami, ay agad din kaming humanap ng makakainan. Si Ivy ang nag-order, habang kami ni Kyler ay nakaupo. Nakasandal ako sa kanya, habang kinukuhanan siya ng litrato ng pasimple. Maya-maya, ay bigla siyang humarap sa camera, at nag pose. "Akala mo, a! Alam ko kaya na kinukuhanan mo ako ng litrato." Sabi niya.
"Alam ko naman talaga..." Sabi ko.
"Picture nga tayo!" Sabi ni Kyler. Sa kanya ko pinahawak ang selpon, para siya ang kumuha ng litrato.
"Hoy! Hindi niyo ako dinadamay riyan." Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Si Ivy, na naka-order na ng pagkain. "Ang daya..." Dagdag niya.
"Eto kasi!" Napatingin ako kay Kyler. "Gusto akong gawin na modelo, kaya pati pag side view ko kinukuhanan niya pa rin ng litrato." Sabi niya.
"Hindi kita gustong gawin modelo, trip lang kita." Sabi ko sa kanya.
"Kumain nalang ta'yo..." Pag-aya ni Ivy. Kumain nalang kami. Habang kumakain kami, ay pinagmamasdan ko lang ang mga tao sa paligid. Napabaling ako sa lalaking nakatingin sa akin. Nang tinitigan ko siya nang mabuti, ay nanlaki ang mata ko.
"Z-zaiden!?"
"H-huh!? Saan?" Napatingin ako sa kanila. "Nasaan?" Si Ivy.
"Nando'n—" napatingin ulit ako roon, ngunit wala na siya roon. Napakunot-noo nalang ako at tumingin ulit sa kanila. "W-wala pala."
"Wala lang 'yon, gawa-gawa lang iyon ng illuminati mo." Sabi ni Kyler.
"Oo nga! Hayaan mo na iyon, nakikipag date pa iyon sa mga babae..." Ani Ivy.
"H-huh?"
"Hindi iyon aalis, nang walang dahilan... So, baka nga may ka-date..." Pagpapaliwanag niya. "Saka, ang sabi tinatamad siya... Bakit naman siya aalis ngayon, e ang sabi tinatamad daw siya? So, baka babae ang dahilan kung bakit siya umalis ngayon." Dagdag niya.
"A-ah..." Sabi ko, at napaiwas nalang ng tingin. Nawalan na ako ng gana, pero pinilit ko pa rin kumain dahil baka mamaya ay magutom ako.
Pagkatapos namin kumain, ay saka na kami naglakad-lakad. Nakapulupot ang kamay ko kay Kyler. Oh, well. Ganito talaga ako kapag komportable sa isang tao.
BINABASA MO ANG
Sunsets Witnesses Everything
Teen FictionSunnivaisley Kassiani Guiterrez. A lonely girl. Not exactly lonely. May mga kaibigan naman siya na pinsan niya din. Gusto niya lang talaga na mag-isa lang siya. Her and herself are not lonely. Sa katunayan pa nga, ay masaya siya pag siya lang mag-is...