11

13 7 0
                                    


Comfort.

Napatingin ako sa kanya na nakatayo at ang dalawang kamay, ay nasa bulsa niya. He's wearing a pants, t-shirt and sneakers. Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.

"Oh! May something... Mukhang magkaparehas pa ka'yo ng suot..." Napatingin ulit ako kay Cassilla. Napatingin naman ako sa suot ko. Napakagat nalang ako ng labi.

"I-i didn't know that..." I answered.

"By the way! Ngayon ko lang napansin, you look sexy on your t-shirt, babe." She smirked at me. "Ngayon lang kita ulit nakitang ganyan ang suot mo..." Dugtong niya. We're friends since we were in kinder. Ngunit hindi gano'n ka-close rati. Kaya alam niya iyon. Hindi ko lang siya nakumusta sa mga nagdaang araw, dahil busy rin siya.

"T-thank you... You look pretty too..." Pag-puri ko sa kanya. Nakita kong namula naman ang mukha niya.

"T-thank you... Where's Tita and Tito pala?" Pagtatanong niya.

"Let's go punta ta'yo sa loob, dahil naroon sila..." Sumunod naman siya sa akin binati siya nina Mama, mga kapatid ko at mga pinsan ko. Pagbati na hindi ko naranasan sa mga pinsan ko. And lastly... Kuya greeted her. It's a bit awkward.

"Hi..." Pagbati ni Casilla sa kanya, at nag-iwas ng tingin.

"Hi..." Pormal na sabi ni kuya. Hindi makatingin si Casilla sa kanya. Tahimik lang silang dalawa. Si kuya ay nakatingin sa kanya. Alam ko ang dahilan kung bakit hindi makatingin si Casilla.

"A-ah... By the way, Vai. Tara labas muna ta'yo, I-im just uncomfortable—"

"Na makita ako?" Pagputol ni kuya sa sinabi niya.

Pilit na ngumiti si Casilla, alam kong nasasaktan siya. Dahil ganyan din ako. We're like twins pagdating sa mga ganyan. "N-no... I'm just uncomfortable, because..." Mukhang wala siyang maisip na dahilan.

"Because, what?"

"K-kasi ano... Nahihiya siya sa mga pinsan natin..." Sabi ko nang nakaisip na ako ng dahilan, para saluhin siya. Tumingin ako kay Kuya na umiigting na ang panga at seryoso nang nakatingin sa amin.

"Y-yes that's it... L-let's go, Vai... Labas muna ta'yo.." Sabi niya at hinila na ako sa labas, huminto naman siya sa paglalakad at humarap kay kuya.

"I-it's nice to see y-you again..." Pormal na sabi niya at pilit na ngumiti. Ginawa niyang normal ang pag-ngiti. Pagtapos no'n ay tumalikod na kami, at hindi na hinintay si Kuya na magsalita.

"Thank you... Sinalo mo ako... You're the best, Pixie..." Sabi niya sa akin. Nakita kong namamawis siya. Hinawakan ko naman ang noo niyang pawis. Malamig ang pawis niya.

"Ang lamig ng pawis mo, Plum..." Sabi ko sa kanya, at agad niya naman iyon pinunasan. I saw myself in her, kaya ko rin siya naging kaibigan.

"Oh, god... Hindi mo sinabi sa akin, nando'n pala kapatid mo, I thought ka'yo lang..." Sabi niya, nang nag college na si kuya, ay humiwalay na siya sa amin. At ngayon, malapit na siyang matapos ng college, siguro ay hindi pa rin siya lilipat ng ibang condo.

"Well, wala rin kasing pasok si kuya, pero baka pag may trabaho na iyan, hindi na sumama sa amin... Because he's going to be a workaholic man. Sa pag-aaral pa nga lang busy na, sa trabaho pa kaya?" Sabi ko.

"T-that's good... Kaya marami rin nagkakagusto sa kanya."

"Isa ka na roon..." Sabi ko.

"N-not anymore..."

"But you know, I like you for kuya to be his wife, for sure you're going to take care of him... Tipong papatigilin na sa trabaho kapag gabing-gabi na." Sabi ko. "At mukhang ang mamahalin lang niya ang makakapag tigil sa kanya sa pagiging workaholic."

Sunsets Witnesses EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon