Drawing."Bakit niyo kasama si Colette kanina?" Nagulat naman ako sa nagsalita sa likod ko. Binitawan ko ang baso na pinag-inuman ko at humarap sa kanya.
"Gusto niyang sumama, para makita ka raw niya." Sabi ko.
"Then?"
"Magpapaalam na raw siya sa'yo." Sabi ko. "Tell me, naging ex mo ba talaga siya?"
"She likes me. Pero hindi naging kami. Naging kaibigan pwede pa." Sabi niya. Lumabas naman ako, dahil mainit sa loob. "Akala ko ba galit ka'yo sa kanya?"
"H-huh? Galit? Kanino?" Napaharap naman ako sa kanya. Nakatayo kami, sa harap ng bahay nina Tita Camila. Sa harap ng bahay nila, ay daanan at bukid din. Minsan lang may dumadaan na kotse rito. Minsan ay kakilala pa namin.
"Kay Colette." Yes, masama ang ugali niya, pero hindi ako galit sa kanya.
"No, I don't. Sino naman may sabi niyan?"
"Ivy."
Natawa naman ako sa kanya. "Naniwala ka talaga roon?" Pagtatanong ko sa kanya, tumango naman siya. "Si Ivy lang ang may galit doon." Dugtong ko, humarap ako sa bukid. Humangin ng malakas, dahilan kung bakit gusto ko sa labas.
"So, hindi ka galit? Kahit na sinisi ka niya dati? Dahilan kung bakit hindi mo ako pinansin hanggang sa umuwi ka'yo?" Napatingin ako sa kanya.
Nasa gitna kami ng bukid noon, nasa likuran niya ako habang siya ay nasa harapan. Nang nadapa siya ay sinisi niya ako at sinabing tinulak ko raw siya, kahit wala naman akong ginagawa sa kanya. She's a good actress.
Pinaniwalaan naman siya ni Zaiden noon, at ako naman ay pinagalitan niya, worst, pinagalitan din ako nila Mama. Simula noon, hindi ko pinansin si Zaiden, hanggang sa umuwi kami. Nalaman niya na lang ang totoong nangyari nang nasa Maynila na kami.
"Past is past, Elie Lanes." Sabi ko. Walang naniniwala sa akin ng mga panahon na 'yon, kahit na nagsasabi ako ng totoo. Kaya nang napagod na akong ipagtanggol ang sarili ko ay nanahimik nalang ako. Silence is more better, than explaining yourself to those people who don't believe you.
"Bakit hindi mo ipinagtanggol ang sarili mo? Nasa tama ka naman."
I looked at him. "I explained, pero walang naniwala. Kaya nanahimik nalang. Basic. Kung walang maniniwala sa akin, tatahimik nalang ako, but it doesn't mean nasa mali na ako or kasalanan ko na kaya ako nananahimik..."
"Nananahimik ako kasi nasa tama ako. Nananahimik ako kasi alam ko sa sarili ko na tama ako, wala akong ginawang masama. Sadyang wala lang talagang nakikinig sa akin, kaya nanahimik ako."
He sighed. "Anong pakiramdam nang walang naniniwala sa'yo? Kahit isa walang naniniwala sa'yo?"
"What is the feeling? You want to prove na hindi mo naman ginawa ang isang bagay na 'yon, you want to prove na hindi mo ginawa iyon, pero paano mo ipoprove kung wala ka namang ebidensya? Na hindi mo nga ginawa iyon?"
"Kaya ako, nang mga oras na 'yon nanahimik nalang ako, pinabayaan ko ka'yong magsalita, nang napagod na ako. Hinayaan ko lang ka'yo. 'Cause I know to myself, na hindi ko iyon ginawa." I smirked at him.
Oh, my. Kung sa'n, sa'n na napunta ang pinag-usapan. "Kung walang naniniwala sa'yo, edi believe in yourself. As simple as that." Dugtong ko.
"Wow, the word of wisdom, Damn!" Tumingin siya sa akin. "You're just sixteen, but when you're started to talk about that things... You're like eighteen."
"Emotion. Na carried away lang. Kakabasa ko lang talaga 'to ng libro." I chuckled.
"Sigurado kang sa book mo lang iyon nakuha?"
BINABASA MO ANG
Sunsets Witnesses Everything
Teen FictionSunnivaisley Kassiani Guiterrez. A lonely girl. Not exactly lonely. May mga kaibigan naman siya na pinsan niya din. Gusto niya lang talaga na mag-isa lang siya. Her and herself are not lonely. Sa katunayan pa nga, ay masaya siya pag siya lang mag-is...