Court.Kinabukasan, ay maaga akong nagising. Habang nagluluto sila, ay umakyat ako sa taas para magpahangin. Unti-unting lumakas ang hangin, at unti-unting tumataas ang araw. Kapag masaya ka talaga, ay bumibilis ang oras. Pero kapag binabalikan mo ito, ay napapangiti ka na rin. Para mo na rin binalikan ang panahong masaya ka.
Sometimes I want to go back to the days, that I was happy. Now, fifty-fifty nalang. Fifty na masaya, fifty na hindi. Pero sa tuwing tumatawa ako, bigla na rin akong nalulungkot. Sa tuwing masaya ako, ay may masamang mangyayari.
"Morning..." I greeted myself.
"Morning..." Napatingin ako sa likod ko. Nakita ko si Kuya Sullivan, nakatayo sa likod ko at mukhang pinagmamasdan ako."Coffee?" Umiling ako. Tumingin nalang ulit ako sa tanawin.
"Hindi ako mahilig sa kape, kuya..." Ani ko.
"Milk? Chocolate? What? Ipagtitimpla kita, busy sina tita sa baba..."
Umiling lang ako. "No, thanks... Tubig lang ako..." I said. "Saka, nakainom na rin ako ng tubig kanina, bago ako umakyat dito." Dugtong ko.
Tumango siya. "Saan ka'yo pumunta ni Zaiden kagabi?" Pagtatanong niya.
"Nilbre niya lang ako, kuya." Ani 'ko.
"Loko iyon, a! Hindi kami sinama." I laughed. Natawa rin naman siya. "I heard may liligawan daw siya, a? Balak?"
"I don't know... Kung matutuloy iyon." Sabi 'ko. "Kuya, may question ako."
"Uhm.. Sige... What is it?"
"Nasaan na iyong babaeng ipinunta mo rito?" Pagtatanong 'ko sa kanya. "I want her for you, she's kind..."
"I don't know..."
"H-huh? Did you two broke up?" Pagtatanong 'ko.
"Yes... Matagal na." Sabi niya.
"What's the reason?" Pagtatanong 'ko.
"Too young to know..." Sabi niya at umalis na sa tabi ko. "Baba na ako, sumunod ka nalang..." Sabi niya. Napakunot ako ng noo at tumango. Iniiwasan niya ba ang topic na iyon? I think yeah.
Nang nakita ko si Mama sa baba, na kumukuha ng mga gulay na tanim nina tito, ay agad ko silang pinuntahan. Nandoon din sina Papa nakikipag-kwentuhan sa mga kapatid niya.
"Ma, ano 'yan?" Pagtatanong 'ko sa hawak niya na gulay.
"Basta gulay..." Sabi ni mama.
"Mamaya, isasabay iyan sa buro. Burong hipon." Biglang nanlaki ang mata ko at natuwa na rin. Dahil gusto ko ulit iyon matikman.
"Ayy! Ate Camilla, pinagbabawal iyan sa buro... Hindi na iyan pwede... May allergy siya. Ipinagbawal ng doctor." Sabi ni Mama.
"Ma, dati na po 'yon." Sabi 'ko.
"Oo nga! Saka, minsan na lang iyan makatikim, kasi ka'yo ayaw niyo, kaya hindi ako nagpapadala nang maramihan, dahil alam kong si Fred, Zale at si Aisley lang ang kakain." Sabi ni tita Camila.
"Pa'no kasi hindi pagbabawalan iyan, e dati kapag may dalang buro, may hawak-hawak na kutsara agad iyan! Tapos puno pa 'yung kutsara." Si Mama. I laughed, nang naalala ko iyon.
"Hay! Dati na iyon... Unti lang kakainin niyan ni Aisley..." Tumingin siya sa akin. "Di ba?"
Tumango ako. "Opo..." Sabi ko. Pagtapos nilang kumuha ng mga gulay, ay sumama ako sa kanila na pumunta sa pinsan nina Papa. Na katabi lang din ng mga bahay nila. Wala akong masyadong kilala sa kanila. Wala rin namang pumapansin sa akin.

BINABASA MO ANG
Sunsets Witnesses Everything
Teen FictionSunnivaisley Kassiani Guiterrez. A lonely girl. Not exactly lonely. May mga kaibigan naman siya na pinsan niya din. Gusto niya lang talaga na mag-isa lang siya. Her and herself are not lonely. Sa katunayan pa nga, ay masaya siya pag siya lang mag-is...