New year."Vaisley, sumama ka na!" Pangungulit sa akin ni ate Amaris. Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nang naghiwalay kami ni Kalen. Dumaan na ang pasko at mamayang gabi na ang bagong taon. Kinukulit ako ni ate na umuwi kami sa probinsya.
"Ate, may gagawin pa po ako..."
"Balikan lang iyon! Kami nga may gagawin pa kaming mga college students, e." Aniya. "Dios ko! Pa college ka palang, pero parang nasa college ka na importante ba 'yang gagawin mo?"
I sighed. "Opo. Importante po."
"Mga gawain ba talaga, o tungkol kay Kalen?" Pagtatanong niya.
Napatingin ako sa kanya. "Sa ginagawa talaga..." I said. When we broke up, I always watched dramas. Para hindi rin ako masyadong masaktan. Pero kahit gano'n ang ginagawa ko, ay nasasaktan pa rin ako, dahil may pinagsamahan din kami.
"Basta! Ihahanda ko na ang damit mo..." Sabi ni ate Amaris, saka kumuha ng bag at binuksan ang cabinet.
"Ate, ayaw ko nga... May gagawin pa ako..." Ani 'ko. Tumayo ako at pinigilan ko siya.
She sighed. "Sabihin mo muna sa akin, kung bakit ayaw mo?" Pagtatanong niya.
"K-kasi may gagawin ako..." Pagdadahilan ko. May parte na gusto kong umuwi, may parte na ayaw ko, dahil ang iniisip ko ay baka umuwi siya. At baka pag nakita ko siya ay bumalik lahat nang nararamdaman ko sa kanya. At ayaw ko nang mangyari iyon.
She sighed again. "Ok... Hindi na kita kukulitin kung ayaw mong umuwi." Sabi niya she smiled at me and left the room.
I sit on my chair. I was just silent. Thinking about everything, about my future. That's called, over-think. Maya-maya, ay bigla nalang akong naiyak at hindi ko alam kung bakit. Ilang minuto akong umiiyak, pigil na pigil ang hikbi.
Nang hindi ko na nakayanan, ay hinayaan ko nalang lumabas ang mga hikbi. I locked the door, para kapag may kumatok ay magpupunas ako ng luha at maghihilamos.
I'm just crying. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. New year na new year, pero heto ako umiiyak nang hindi alam kung ano ang iniiyakan.
Nang may kumatok sa pinto, agad kong pinunasan ang luha ko at pinigilan ang paghikbi. "Sino 'yan?" Ginawa kong normal ang boses ko, kahit hindi naman talaga kaya.
"Vai... Tulungan mo ako gumawa ng mango grahams sa baba..." Si Mama.
"Opo! Bababa na, Ma... Sandali lang po." Agad na sigaw ko.
"Sige!" Nang sumigaw si Mama, ay agad kong pinakawala ang hikbi. Bigla akong nanghina. Humiga ako sa kama. I turned off the lights to see the stars on the ceiling.
"Vaisley, bagong taon na bagong taon... Sasalubungin mo agad ng iyak?" Bulong ko sa sarili ko. Bumangon ako at marahang sinampal ang mukha ko. "Think positive..."
I got up and washed my face. I wiped my face.
Lumabas ako at bumaba. Nakita kong nagkakasiyahan sila sa baba. Hindi ko namalayan na napangiti na pala ako. Agad ko naman tinulungan si Mama gumawa ng mango grahams. Tahimik lang akong nagmamasid sa kanila. Minsan ay nakitatawa rin.
Bago pumatak ang alas-dose, ay agad naming inayos ang mga pagkain at inayos din ang mga sarili. Pagtapos no'n, ay agad kaming umakyat para tignan ang mga makukulay na fireworks.
Habang tinitignan ko ang mga fireworks, ay naiinggit naman ako. Naiinggit ako dahil, ang mga fireworks ay makukulay, samantalang ako ay hindi ko alam kung makulay ba ang buhay ko dahil sa kakaisip at sa pag-iyak ko na rin na hindi ko naman alam ang dahilan.
BINABASA MO ANG
Sunsets Witnesses Everything
Teen FictionSunnivaisley Kassiani Guiterrez. A lonely girl. Not exactly lonely. May mga kaibigan naman siya na pinsan niya din. Gusto niya lang talaga na mag-isa lang siya. Her and herself are not lonely. Sa katunayan pa nga, ay masaya siya pag siya lang mag-is...