09

23 7 0
                                    


Loyal

Agad akong bumalik sa mga inuupuan nina ate, para ibalik iyon. Dahil ayaw ko naman nito, at may kinakain pa kami ni Jamila. "Ano iyon?" Pagtatanong ni Ivy, nang nakalapit na ako sa kanya.

"Nothing..." Sabi ko, at kumain nalang.

"Gusto ko mag milktea..." Sabi ni Kyler, nang nakalapit siya sa amin. Hinagis niya sa akin ang towel niya.

"Ano 'to?"

"Punasan mo ako..." Nakakalokong sabi niya. Tumayo naman ako at pinunasan ko siya. Diniinan ko naman ang pagpunas, nang nasa mukha na niya.

"Aray! May galit ata 'to sa'kin!" Sabi niya.

"Kasi naman, may kamay ka po... Pwede mo naman po kasing punasan nang mag-isa lang po..." Sabi ko. Nang natapos na silang maglaro, ay umupo naman sila. Si Kyler, ay sa amin umupo, habang sina kuya naman ay na kina ate. Parang kami na ang may-ari ng court, dahil kami lang ang nagtatao rito.

Nahagip naman ng mata ko, na papunta dito si Zaiden, tumayo naman ako para magpaalam sa dalawa na uuwi lang ako. "So... Uuwi muna ako, may kukunin lang ako. Babalik din ako agad..." Sabi 'ko.

I was about to walk, but I felt his hand on my hand. "Let's. Talk." Sabi niya, nang nakaharap na ako sa kanya. "In. Private." Dugtong niya.

"About what? Dito mo na sabihin..."

"What if I don't?" Pagtatanong niya.

"Edi hindi." Sabi ko, at tinlikuran ko na siya.

"Terrez..." Marahang tawag niya. Pero naglakad lang ako papalayo sa kanya.

"Kung ayaw mong sabihin dito, aalis nalang ako. Y-you're just wasting my time." Sabi ko, nang hindi pa ako gano'n nakakalayo.

"Sunnivaisley..." He said on his warning tone. Kumaway lang ako sa kanya nang nakatalikod. Ni hindi ko siya tinignan o ano. Dire-diretso lang ang lakad ko.

"Let's f*cking talk, Sunnivaisley!" Napatigil ako nang sumigaw siya. I sighed. Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Lahat sila ay nanahimik at na sa amin na ang tingin. Kahit sa malayo ay nakikita kong namumula siya sa galit, matalim ang mga titig niya sa akin na parang tigre na mabangis.

Mabilis siyang lumapit sa akin. Hinintay ko lang siyang lumapit sa akin. Pagod akong tumigin sa kanya. "What's your problem?" Pagtatanong ko sa kanya, nang nakalapit na siya. Imbis na sagutin ang tanong ko, ay hinawakan niya ang braso ko at lumabas kami ng court.

"Anong problema mo Zaiden?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Baka ikaw ang may problema!" Agad na sabi niya.

"B-bakit naman ako may problema sa'yo?" Pagtatanong ko, pero hindi siya nakasagot. "Anong problema Zaiden?"

"Ang problema ko? Ikaw!"

"So, b-bakit?"

"Tinatawag kita kaninang umaga, pero hindi ka namamansin... Famous?"

"Goodness..." Napabulong ako. "Iyon lang ang problema mo? Iyon lang?"

"Tinatawag kita kanina, pero ang sinagot mo sa akin, ay sinasayang ko lang ang oras mo? Isa pa, tinalikuran mo rin ako. Kumaway ka lang nang tinawag kita." Sabi niya. Mukhang nagpipigil pa siya ng galit. "Sabihin mo nga sa akin, may problema ba?"

"I-it's nothing..." Sabi ko. Nainis lang naman ako sa naririnig ko. I don't know why.

"Nothing, huh? Pero hindi ka namamansin? Ayaw mo rin makipag-usap..."

"I-I'm sorry, ok? Pwede na ba akong umalis?" Pagtatanong ko.

"Tell me the reason, kung bakit ayaw mo akong kausapin kanina...." Sabi niya sa akin.

Sunsets Witnesses EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon