12

15 6 0
                                    


Funny.

"Where are you going?" Pagtatanong ko nang naramdaman kong tumayo siya. Napunta ang tingin ko sa kanya, na kanina ay nakatingin sa taas. Tinignan ko siya, hindi niya ako sinagot. Tumayo nalang siya at lumapit kina Mama.

Maya-maya, naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Tumingin ako roon, pagkatapos, ay tumingin ako sa harapan 'ko. "Let's go... We will eat..."

"H-huh? P-pumayag?" Gulat na pagtatanong ko. Pinayagan? Na siya kasama 'ko? Huh?

Tumango siya. "Sabi nina tita, isama na raw kita... Kaysa maghintay ka raw diyan." Sabi niya.

"Hindi ka ba sasama sa kanila?" Pagtatanong ko. "Baka hindi ka masiyahan sa lakad."

Umiling siya, nakatingin ako sa kanya na parang bata na naghihintay ng sagot niya. "No, wag mo nang alamin ang sagot. Let's go, kumain na ta'yo baka magbago pa isip 'ko." Panakot niya.

Tumayo nalang ako, at nagpaalam na kina Mama. Binigyan pa nila ako ng pera. "Ingat ka'yo, a!" Si Papa. "Ingat ka'yo, Den."

"Opo..." Pagsagot ni Zaiden. Nagpaalam din kami na dalhin ang isang sasakyan. Nang nasa sasakyan kami, ay tahimik lang kami. Nagpatugtog lang ako, para hindi masyadong tahimik.

"Unti-unting naglalapit, ang ating mga mundo." Mahinang pagkanta ko.

"Why do you love that song?"

"It gives me vibes... Chills. May hugot ako sa buhay, bakit ba?" Napatingin siya sa akin.

"About what?"

"Kidding..." I chuckled. "It's nothing, it's just give me a chill, vibes... Habang gumagawa ako ng mga kung anu-ano... I mean, about letters." Dugtong ko. Tumango naman siya.

"U-huh... Saan mo gustong kumain?" Pagtatanong niya.

"Kahit saan lang... Basta masarap pagkain." Sabi ko. Tumango lang siya.

Nang nasa restaurant na kami, ay agad akong nagbigay sa kanya ng pera, pero hindi niya iyon tinanggap. Kinulit ko pa siya pero ayaw niyang tanggapin. Nakailang panlibre na ako sa kanya. Ayaw ko naman abusuhin ang kabaitan niya sa akin.

Nang hindi ko na siya makulit, ay hinayaan ko na siya. Pero sa susunod na balak niya pa akong ilibre ay hindi na ako papayag. Tahimik lang kaming kumakain. "Sa susunod, hindi mo na ako maililibre." Sabi ko nang nakatapos na kami sa pagkain.

"Why? Ayaw mo no'n wala kang ginagastos?"

"Ayaw ko no'n, kasi walang kang naiipon..." Agad 'ko sabi. "Ayaw kong nauubos ang pera na iniipon mo, Elie Lanes." Dugtong ko.

"Hindi naman nauubos—"

Tumingin ako sa kanya nang matalim. "Kahit na, ayaw ko na sa susunod." Sabi ko. "Hindi mo na ulit ako malilibre."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Hmm... Hindi pa rin ako papayag."

"At mas hindi lalo akong papayag na ilibre mo ako... Ikaw rin, magsisisi ka..." Sabi'ko. Nakatingin lang siya sa akin. "Kapag araw-araw mo akong ililibre, mawawala lahat ng mga inipon mo dahil sa akin... Kaya please, wag mo na akong ililibre ulit. 'Di bale nalang kapag may trabaho ka na." Dugtong ko.

"Ang tagal pa no'n..." Sabi niya.

"Oh, well... Hindi na pala iyon matutuloy, dahil ang ililibre mo na ay ang girlfriend or wife... Kaya hindi mo na ako, malilibre. Hindi sa nagtatampo ako, pero dadating ka rin kasi roon."

"Kaya lubos-lubusin mo na ang paglibre ko sa'yo."

"No rin. Bahala ka riyan..." Sabi ko. Dito na namin hihintayin sina Mama.

Sunsets Witnesses EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon