Seperate.Masaya ang araw na ipinasyal niya ako sa lugar na hindi ko naman alam kung saan. Naglaro nga kami ng kung anu-ano, at Pagtapos no'n ay nagpahinga muna kami. Nagpaabot kami ng gabi roon. "Saan ta'yo kakain?" Pagtatanong ko.
"Sa food stalls, Madam... Doon nalang ta'yo pumili, marami kang pagpipilian roon." Sabi ni Autumn sa akin.
"Doon nalang ta'yo pumunta..." Si Zaiden. Iniligpit naman nila ang tela na pinagupuan namin. Habang ako ay hawak-hawak ko ang mga pagkain namin.
Inilagay ko na muna ang mga pagkain sa sasakyan, saka kami pumunta sa mga food stalls, na katapat lang ng parking. May mga ilaw na roon, at makukulay itong tignan. Hinawakan naman ni Zaiden ang kamay ko, nang papatawid na kami.
Nang nakahanap na kami ng uupuan, ay sinamahan ko si Autumn na bumili ng pagkain. "So, ano na palang gagawin mo kapag nasa Maynila ka na?" Pagtatanong niya, habang hinihintay ang order namin.
"I don't know, may isang buwan pa naman para magpahinga kami. Or ako lang, dahil college na sina kuya at ate." Sabi ko. Tumango-tango naman siya.
"I'm sure, komportable ka na, dahil sa bahay ka na..." Aniya.
I nodded. "Yeah, medyo hindi rin ako komportable kapag nasa ibang bahay. Kaya gusto ko talaga umuwi agad, hindi ko nga alam kung paano ako nakatagal dito. Dahil minsan, kapag nangangati na ako, ay mag-yayaya na akong umuwi." We laughed.
"Sanay naman na ako rito, since birth dito na kami..." Sabi niya.
"Paano mo pala na kilala si Zaiden?" Pagtatanong ko.
"Nalimutan ko na... Hindi ko nga alam kung bakit ko yan naging kaibigan, bigla nalang 'yan sumulpot sa buhay ko." We giggled.
"Dati hindi rin kami close niyan, I mean tahimik ako and hindi masyadong nakikipag-socialize kaya hindi ko rin siya close dati." I said.
"Paano ka'yo naging close?"
"I don't know... Binantayan niya lang ata ako ng maghapon, naging magkaclose na kami... Iyon lang ang naaalala ko." I answered. "Kamusta naman siya pagdating sa mga babae?"
"Hay naku! Hindi interesado, swerte nga ng ex niya, e... Nagustuhan siya. Feel ko nga hindi pa siya nakakamove-on sa ex niya, e." She said.
I looked at Zaiden, who's looking at me. I looked away. Ang swerte nga ng ex niya, pinakawalan pa. If I were her, hindi ko na iyan papakawalan. Goodness! Aisling! Hindi ka siya, ok?
Pinilig ko nalang ang ulo ko, dahil sa naisip ko.
Nang nakuha na namin ang order, ay umupo na kami. Pagtapos no'n ay namili pa kami ng mga kung anu-ano. Sa sobrang antok ko ay nakatulog na ako sa sasakyan. Hindi ko na namalayan na hinatid na pala namin si Autumn sa bahay nila.
Nagising ako nang maaga, para kumain at maligo. Pagtapos kong maligo, ay inayos ko na ang mga gamit ko, para mamaya ay ilalagay nalang ito sa sasakyan. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko, ay lumabas ako para magpahangin.
Tinanong ko rin kay Ridge kung nasaan si Zaiden, ang sabi nito ay umalis at mukhang may kasamang babae. Gagabihin din daw ito ng uwi. Hinayaan ko nalang iyon, at tama rin na umalis siya para makaiwas na ako sa kanya.
Dumating ang dapit-hapon, nagyaya sina ate mag-milk tea. Dahil huling milktea na raw ito. Sumama naman sina Mama. Sina Tita, Tito at Papa lang ang wala, pero lahat ng anak nila ay sumama.
Habang umiinom kami ng milk tea, ay nag-uusap lang sila. Ang kausap ko naman ay walang iba kundi ang dalawa. "Sayang! Wala si Zaiden, sana nakasama pa natin ngayon." Si ate Venus.
BINABASA MO ANG
Sunsets Witnesses Everything
Dla nastolatkówSunnivaisley Kassiani Guiterrez. A lonely girl. Not exactly lonely. May mga kaibigan naman siya na pinsan niya din. Gusto niya lang talaga na mag-isa lang siya. Her and herself are not lonely. Sa katunayan pa nga, ay masaya siya pag siya lang mag-is...