18

28 8 0
                                        


Heard.

Nasamid ako sa sinabi ni Ridge. Hindi ko inaasahan na itatanong niya iyon sa akin. Binigyan naman ako ng tubig ni Zaiden. "G*go ka ba!? Magpinsan sila, 'di mo nakikita!?" Malakas na sabi ni Ivy.

Maluha-luha ako, dahil sa samid. "May bata, kontrolin mo muna init ng ulo mo..." Sabi ni Zaiden, nang nakainom na ako ng tubig.

"Joke lang naman, e! 'To naman... Masyadong seryoso sa buhay si madam Ivy." Sabi ni Ridge. "Alam ko naman na hindi sila pwede, pero kasi iyong ano, e!" Dagdag niya.

"'Y-yung ano?" Utal na pagtatanong ko, napatingin ako kay Zaiden na nakatingin pala sa akin, kaya agad ko rin nilipat ang paningin ko kay Ridge.

"Iyong chemistry kasi, e! Ang ganda ng chemistry niyo, e... May spark..." Sabi niya, napahinga naman ako ng maluwag.

"Gawa-gawa lamang 'yan ng illuminati, Ridge..." Si Ivy, maya-maya, ay nagsalita ulit siya. "Oo nga! May chemistry... May spark... Kapag magkasama ka'yo!" Binitawan niya ang kutsara at tinidor, at tumingin sa amin. "Agree na pala ako sa sinabi mo..."

"Bilis magbago ng isip, a? Parang kanina galit na galit ka, a?" Si Ridge.

"May naalala lang kasi ako..." Aniya. "Pero hindi pwede, dios ko... Siguro dahil sweet lang si kuya kaya gano'n..."

"K-kumain nalang ta'yo..." Agad na sabi ko, para hindi na mapag-usapan ang tungkol sa amin. I felt awkward, when they talked about that. I mean, sanay ako na pinag-uusapan ako, pero pabulong nga lang.

Nang natapos na kaming kumain, ay naghugas na ako dahil pinaubaya na sa akin ni Zaiden at aalis din siya. "Bakla, baka mamaya pa ta'yo aalis..." Sabi ni Ivy sa akin, nang lumapit siya.

"Mag t-shirt nalang ako at mag pants..." Sabi ko.

"Obvious naman..." Sabi ni Ivy, I laughed. "Hintayin nalang kita kunin gamit mo, sa kwarto ni kuya Zaiden..." Dugtong niya. Tumango ako.

Nang natapos na akong maghugas, ay umakyat ako at kumatok muna bago ko ito binuksan.

"Come in!" Sigaw niya, agad ko naman binuksan iyon. Pagbukas ko, ay towel lang ang nasa baywang niya, dahilan kung bakit ako nakapagsalita agad.

"God!" Napailing nalang ako. "So, nagpapapasok ka talaga, kahit ganyan itsura mo?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Kapag kilala ko lang..."

"Sa babae?"

"Not at all..."

Napailing nalang ako sa kanya, at mabilis na pumunta sa mga gamit para ayusin. Habang inaayos ko iyon, ay nagbibihis naman siya. Maya-maya, ay may kumatok. Binuksan ko naman 'yon. Si Riley, pinapasok ko naman siya dahil nakabihis naman na ang kuya niya.

"Kuya! Are you leaving?" Pagtatanong ni Riley, nang nakapasok na siya sa loob.

"Yes, kuya is leaving... I'll be back later..." Sabi niya. "Take a bath na..." Dugtong niya, nang napansing nakapantulog pa din si Riley.

"Ok..." Agad na sabi niya, at lumabas na.

"You're close at your sister, huh?" Pagtatanong ko.

"Yes, I'm afraid that she might don't need me anymore, when she grows up. Ang bilis niyang lumaki..." Sabi niya.

"Mamaya makikita mo, may manliligaw na 'yan..." Panloloko ko sa kanya. Tinignan niya lang ako ng mariin, dahilan kung bakit ako natawa. "Why? Lahat naman ng babae, dumadaan doon... There's nothing wrong with that..."

"I know, wag muna..." Sabi niya.

Tumayo na ako, dala-dala ang gamit ko. Agad naman akong sinalubong ni Ivy, para tulungan ako sa gamit. Kumot lang naman iyon at iba pang mga kailangang dalhin. Nang na kina Tita Camilla na ako, ay naligo na ako para mamaya, ay hindi na ako magmamadali.

Sunsets Witnesses EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon