Little girl.H-huh? Sa akin? Binili niya para sa akin?
"Sa akin?"
"Yes, you want this, right?"
"G-gusto ko, pero hindi ko sinabing ibili mo ako..." Sabi ko. "M-may pera ka pa ba?" Natatakot ako sa isasagot niya ngayon. Tumango naman siya.
Itinaas niya ulit ang selpon na gusto ko, at binibigay sa akin. Nang nahawakan ko iyon, ay nanlabo ang mata ko, dahil sa luha na lumalabas. I-i didn't know! Na ibibili niya ako, na dapat mga magulang ko ang bumili nito. He kissed my forehead, before I hugged him tightly.
I heard him chuckled. "Shh... Don't cry... Don't worry, may pera pa ako." He laughed. Humihikbi ako, at the same time ay natatawa rin sa sinabi niya.
"T-thank you..." Kinalas ko ang yakap namin. "Pero bakit ka bumili nito at ibibigay lang sa akin?" Pagtatanong ko at tinignan ang selpon na ngayo'y hawak-hawak ko na.
"Because you deserve it..." Sabi niya. "But, wag mong sabihin sa kanila na binili ko iyan para sa'yo." Tumango ako at ngumiti.
Iniabot niya naman sa akin ang lalagyanan ng selpon na may kasama ng mga accessories. Hinawakan niya ang mukha ko, dahilan kung bakit ako napatingin sa kanya. He wiped my tears with his thumb. "Let's go." Sabi niya, tumango ako at sumunod na sa kanya. Tinulungan niya naman ako na itago ang selpon.
Nang bumalik kami sa kanila, ay bumibili pa rin sila ng mga kailangan nilang gamit. Habang kami naman, ay bumalik na parang walang nangyari. Nilapitan naman ako ni Jamila.
"My god! Kanina pa kita hinahanap." Sabi niya, at pinulupot ang braso niya sa braso ko. "Saan ka ba pumunta?" Napatingin naman ako kay Zaiden, na nakatingin sa amin.
"W-wala, may tinignan lang..." Sabi ko. "A-ano ba 'yon?"
"Nothing! Halika, dali..." Sabi niya, sabay hila sa akin. "Tumingin ka riyan ng mga kailangan mo. Sagot ko..." Dugtong niya.
"H-huh? Wala naman akong alam diyan..." Sabi ko, habang nakatingin sa mga moisturizers. "Hindi 'ko alam kung paano gamitin..." Dugtong ko.
"Ako, pipili! Bukas nga, alis ta'yo... Iyong ta'yo-ta'yo lang, na mga kaclose mo..." Sabi niya, habang pumipili siya ng mga ibibili niya para sa akin. Nang nasa cashier na kami, ay nagulat ako sa presyo.
"Jami!—"
"Shh! Shut up, kalma ka lang diyan... Ako magbabayad..."
"Ang mahal—"
"Ako bahala, may pera ako... Kapag nasa Maynila ka na, hindi mo na ito mararanasan...."
"Pa'no pera mo?" Pagtatanong ko.
"Wag mong alalahanin 'yon, rich kami... Chos! May pera naman, kaya naman kitang bilhan no'n... Kami na muna bahala sa'yo, hangga't nandito ka... Dahil, busy pa ang mga magulang mo sa mga kapatid mo.." Sabi niya, ibinigay niya sa akin ang paper bag .
"T-thank you..." Sabi ko, at ngumiti sa kanya.
"Welcome, cous! Kulang pa 'yan, actually... Kaya bukas, aalis ta'yo..." Napatingin ako sa likod ko, nang tumingin siya roon. "Di ba?"
Tumango si Kyler. "Oo! Wag ka lang sana sapian ng katamaran." Sabi niya, kinurot ang mukha ko, dahilan kung bakit ako napangiwi.
"Sasapian pa rin ako ng katamaran bukas..." Sabi ko.
"Edi ikaw rin, hindi ka rin makakabili ng gamit na gusto mo..." Sabi niya, habang nasa likod ko siya sumusunod sa akin papunta kay Zaiden.
"Ok lang..."

BINABASA MO ANG
Sunsets Witnesses Everything
Roman pour AdolescentsSunnivaisley Kassiani Guiterrez. A lonely girl. Not exactly lonely. May mga kaibigan naman siya na pinsan niya din. Gusto niya lang talaga na mag-isa lang siya. Her and herself are not lonely. Sa katunayan pa nga, ay masaya siya pag siya lang mag-is...