39

12 7 0
                                    


Cuddle.

Napatingin naman ako sa likod ko, nakita ko si Zaiden nakangisi at may mga dalang pagkain. Agad naman tinulungan nina Casilla si Zaiden. Bigla akong nahiya sa sinabi ko, pero kapalan nalang ng mukha.

"B-bakit? Hindi t-totoo?" Nauutal pa na tanong ko, dahil sa hiya. Pero hindi ko nalang iyon pinahalata. Mapupungay ang mga matang tumingin sa akin at ngumisi siya.

He kissed my forehead before he sat down. "Totoo."

"Magulat ka kapag hindi, Ley." Autumn winked at me.

"Manahimik ka nalang diyan, buti nalang binilhan kita ng pagkain." Ani Zaiden sa kanya.

"Excuse me! May pera naman ako, para bumili! Pero mas masarap pa rin ang libre, hindi ba Cas?"

"Oo nga..." Ani Casilla.

"Ang dami na naman ng binili mong pagkain sa akin." Tumingin ako sa kanya.

"Ubusin mo na 'yan, kapag hindi mo kaya wag mo nang pilitin." Aniya.

I sighed and nagsimula nang kumain. "Iba talaga, kapag alagang Zaiden!" Ani Casilla. She chuckled.

"In fairness! Ang ganda rito, a?" Ani Autumn, habang nakatingin sa view.

"Bakit pala ka'yo nandito?" Pagtatanong ko.

"Syempre saling-pusa kami, kaya sumama na kami." Autumn said while chewing her food.

Napatango ako sa sinabi niya. "Kapag ikaw naman nagka-nobyo at ako ay single, sama..."

"Ang tanong..." Napatingin ako kay Zaiden. "Magiging single ka pa ba?" Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko naisip na pwede niya 'yon itanong sa akin. Mabilis ang tibok ng puso ko ngayon, at parang sasabog na ito.

"Ngumingiti nalang talaga ako sa relasyon ng iba, ba't gano'n?" Ani Autumn.

"Hirap talaga pag-walang boyfriend..."

"Be..." Napatingin naman ako kay Autumn na nakatingin kay Casilla. "Single lives matter, Be." Aniya at nag-apir pa sila.

Tumingin ulit ako kay Zaiden na mapupungay ang mga mata niya na nakatitig sa akin. "I-it depends..." I looked away.

"It depends on what?"

"Depende kung magloloko ka or hindi..." Ani ko.

He laughed. "Sa tingin mo, magloloko pa ako?"

"Oo naman... Marami ka pang mahahanap..." Ani ko at inubos na ang pagkain. He leaned forward and looked at me eye to eye.

"Paano kung wala na akong mahanap na iba?" He raised his brow at me.

"I-imposible... Ang daming may gusto sa'yo riyan, o..." Ani ko at tumingin sa paligid, dahil may mga babaeng tumitingin sa kanya.

"Katulad nino?"

Tinignan ko siya sa mata sa mata at tinaliman ang tingin. "Gusto mo talagang pangalanin ko pa? Medyo marami rin 'yon..." Ani ko.

"Sabi ko nga, hindi na..." Aniya, at umiwas ng tingin. Alam kong nagpipigil na siya ng tawa.

"Panalo na naman si Siani..." Sabi ni Autumn at pinalakpakan pa ako. I winked at her and giggled.

"Maliit na bagay..." I said.

"Payag ka no'n, Zaiden? Ginaganyan ka, o?" Si Casilla.

"I have no choice, baka hiwalayan ako..." He chuckled.

"Iba talaga, kapag ang lalaki ay bumababa ang ego para lang sa babae." Ani Autumn.

"Hindi natin ranas 'yan..." Dagdag pa ni Casilla.

Sunsets Witnesses EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon