01

99 12 0
                                    


The beginning.

Sa gitna ng bukid, ako ay nakatanaw. Nakatanaw sa malayo. Nakatingin sa mga bulaklak na makukulay na sumasayaw, dahil sa malakas na hangin. Mga palay na dilaw, mga damo na berde, ay sumasayaw rin. Dumadampi sa aking balat ang hangin.

"Kassiani!" Napatigil ang pag-iisip ko nang may sumigaw sa pangalan ko. Napatingin ako sa babaeng papalapit sa akin. "Ang init-init dito! Bakit ka ba nandito? " Dugtong niya.

"Ivy, alam mo naman 'di ba?" Pagtatanong ko sa kanya. Kumunot-noo naman siya. "You know it. I already told you, siguro naman dati mo pa iyon napapansin?"

"Oo na! Pero naman kasi wag ka dito—" natigil siya sa pagsasalita, nang nakita niyang papalapit na si kuya Zaiden. I mean Zai. "Ok, ka'yo na mag-chika."

"Dito ka lang!" Sabi ko sa kanya, at hinawakan ang kamay niya. Tumingin naman ako kay Zai na papalapit na. Matangkad, hindi gano'n kaputian pero gusto ng lahat. Matangos ang ilong, may pagka-kapal ang kilay, round eyes at mapulang labi.

Tinaasan niya lang ako ng kilay, nang lumapit siya sa amin. "K-kuya!" I awkwardly said. Napakunot-noo naman siya.

"Kuya, huh? Dalawa o tatlong taon lang ang gap natin... Pero may kuya." Sabi niya, nang nakalapit siya. Tumingin naman siya kay Ivy.

"Sabi ko nga! Aalis Gustong solohin, amp." Si Ivy, at umalis na sa tabi ko. Gusto ko man siyang pigilan, pero hindi ko nagawa dahil agad siyang sinalubong ng mga pinsan ko. I sighed, when I saw that.

"Why are you here? Ang init-init dito, nakatambay ka pa." I looked at him. Kung titignan mo siya, ay mukhang siyang masungit. Kahit hindi naman gano'n. Well, slight lang naman ang pagkasungit.

"U-uh..." Hindi ako makapagsalita, kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. "I'm looking at the flowers!" Sabi ko. Tumingin ulit ako sa mga makukulay na bulaklak.

"Let's go. Do'n kana. Mainit dito." Sabi niya sa akin.

Umiling lang ako. "A-ayaw ko. Dito lang ako, kaysa makasama ko sila." Sabi ko, tumingin naman ako sa mga kasing edad na pinsan kong pinagbubulungan na ako. Sa akin sila nakatingin.

"Hindi naman sila nangangain, Ley." Sabi niya sa akin. Tumingin ako sa kanya, at umalis na sa harapan niya para puntahan sila mama.

"Sa'n ka galing?" Pagtatanong ni mama, nang lumapit na ako sa kanya. Bago ako umupo sa tabi niya, ay nagmano muna ako kay tita Camilla na asawa ni tito Rio, na kapatid ni papa. Anim na magkakapatid sina papa, kaya madami kaming magpipinsan.

"Sa labas lang po." Sabi ko at tumabi na sa tabi ni mama.

"Ang init-init, doon ka nakatambay? Sila ate mo?"

"Nasa labas po, nakikipag-kwentuhan."

"Bakit hindi ka ro'n?" Pagtatanong sa akin ni mama, tiningnan ko lang siya. Alam na niya ang ibig sabihin no'n, kaya hindi nalang siya nagsalita.

"Ang tangkad mo, Sunniva! Mag seventeen ka palang. Pero parang woman ka na." Sabi ni tita Camilla, ningitian ko lang siya. Hindi ako gano'n kaclose sa mga tita ko, dahil mahiyain din ako.

Habang nando'n ako, ay nag-uusap lang si mama at tita Camilla. Buti pa dito, may pa spill the tea. Kaya gusto ko talagang tumabi dito... Kidding.

Habang nasa kalagitnaan na ang pinag-uusapan nila mama, ay bigla naman sumulpot si Ivy at hinila ako. "Bakit mo ako hinila? Nasa kalagitnaan na iyong kinukwento nila mama, e."

"Ikaw, a! Nakikinig ka, a!"

"H-hindi, a! Sabi nga ni mama na mabait—"

"Nakikinig ka nga." Ngumisi siya sa akin. "May tanong ako sa'yo." Sabi niya. Umupo naman kami sa malilim. "Ilan ta'yo lahat? I mean ta'yong magpipinsan, kapatid ni mama?"

Sunsets Witnesses EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon