16

19 6 0
                                    


Eyes

Hindi mo rin maikakaila na marami ngang nagkakagusto sa kanya. Gusto siyang maging kasintahan o asawa. Sana lang ay wag siyang magpapaagaw kung alam niyang may nag mamay-ari na sa kanya.

Nagising ako, nang nasa sasakyan pa rin kami. "Anong nangyari?" Pagtatanong ko. I stretched my arms before I looked at the window.

"Traffic, madam." Sabi ni Ivy. "Kamusta ang tulog natin? Nanaginip ka ba?"

Umiling ako at napakunot ng noo. "Anong panaginip?" Pagtatanong ko. Umiling lang siya.

"Pagtapos nga natin dito, kain ta'yo street foods!" Si Kyler, habang nakatingin sa amin.

"Pagkain na naman ho ang iniisip ng nagmamaneho!" Si Ivy. "Ang kuya niyo tahimik..." Dagdag niya.

"Tutulog... Ingay-ingay mo!" Sabi ni Kyler. Agad naman akong lumapit, nakitang kong natutulog siya ng mataimtim.

Marahan 'ko naman hinawakan ang mukha niya. "Gising..." Sabi ko.

"Ba't mo ginigising? Tutulog bebe ko, e!" Si Kyler. Kinurot niya pa ang pisngi. I chuckled. Kiniliti ko naman siya, nang hindi pa rin siya nagigising. "Alam na alam ang kiliti!"

Napatigil lang ako nang hinawakan niya ang kamay ko at hindi na iyon binitawan. Minulat niya ang mata niya at tumingin sa akin. "Can I sit at the back, Silas?" Pagtatanong niya.

"Gora!" Sabi ni Kyler.

Tumango lang siya. "Kukulitin ko lang 'tong isa hanggang sa mapagod..." Nakangising sabi niya. Agad naman siyang lumipat.

"Excuse me! Ka'yo na riyan... Ayaw kong masama sa pakikipagkulitan niyo..." Sabi ni Ivy at lumipat na sa likod kasabay naman 'yon ng pagbukas ng pintuan ng sasakyan at ang binungad ay si Zaiden. Tinaasan niya ako ng kilay bago siya umupo sa tabi ko.

He tickled me. Nonstop. "Hey! S-stop!" I said, while laughing.

"Kinukulit mo ko nang natutulog ako, a..." Sabi niya, habang kinikiliti pa rin ako.

"H-hey! I— s-stop!" Nang nahawakan ko ang kamay niya, ay tumigil na siya. Hindi ko namalayan na nakasandal na pala ako sa kanya. Binabawi ko pa ang hininga ko at wala pang plano na tumingin sa kanya.

"Harap-harapan, bastusan!" Si Ivy.

"Tara, kilitian as a friend..." Sabi ni Kyler.

Nang nakabawi na ng hininga, ay nagsalita na rin ako. "Pardon? Anong sinabi niyo?" Pagtatanong ko, umalis ako sa pagkakasandal kay Zaiden.

"Wala! Sabi ko ang ganda ng upuan... Ang comfy..." Sabi ni Ivy.

"Oo nga, ang ganda pala idrive nito..." Si Kyler.

"Silly..." I said. Humarap naman ako kay Zaiden. "And you!" Sabay turo ko sa kanya at tinaliman ng tingin.

"What? Ikaw ang nagsimula, hindi naman ako..." Sabi niya. Napailing nalang ako.

"I just want to disturb you..."

"For what? Hmm? You miss me? Because the earlier, you kept ignoring me?" Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Sumandal nalang ako sa upuan at pumikit.

"Miss daw, o! Sana all namimiss!" Si Kyler.

"Siguro hindi talaga ta'yo kamiss-miss!" Si Ivy. Hindi ko nakikita ang mga reaksyon nila pero alam kong nakanguso na si Ivy at si Kyler ay nakatingin sa amin.

I bit my lips. Why did he said that? I never miss him. Never. I miss him. A bit. God! I admit. I miss him. Dahil tuwing umaga, siya ang bumubungad. Siya ang hinahanap ko. Pero bakit? Bakit ko siya hinahanap? Anong bang kailangan ko sa kanya at siya ang hinahanap ko?

Sunsets Witnesses EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon