31

17 7 0
                                    


Wish.

It's been a month, when I confess to him. Hindi kami masyadong nagpapansinan, pagkatapos no'n. Hindi na rin ako makalapit sa kanya na ako lang mag-isa. Hanggang tanaw nalang talaga ang nangyayari.

Nagising ako nang tanghali. And it's my birthday. My eighteenth birthday. I got up, washed my face, wiped it and left the room. Pumunta ako sa sofa, saka umupo. Tinakpan ko ang mukha ko.

"Happy Birthday, Sunnivaisley!" Napatingin ako sa sumigaw.

Nakita ko si kuya Zale, na papalapit na sa akin. I smiled at him. "Thank you..."

"Parang kailan lang kakabirthday mo palang!" He said. I chuckled.

"W-where's Zaiden pala, kuya?" Pagtatanong ko.

"Umalis, umuwi na ng Maynila." He said, napatango nalang ako. Maya-maya, ay umalis ako sa tabi niya at umakyat.

Ang akala ko kasi, ay siya ang unang babati sa akin. Umasa ako. Nasanay kasi akong siya ang unang makikita ko pag-gising ko. Nasanay rin ako na siya unang bumabati sa akin. Pero sa araw ng aking kaarawan, ay doon niya pa naisipang umuwi.

"Wag kasi umasa... Kaya nasasaktan, e. Ikaw lang gumagawa ng ikakasakit mo." Bulong ko sa sarili ko. I smiled and looked at the view. Nasa taas ako ngayon, nagpapahangin.

Happy Birthday, Kassiani. Happy Eighteenth Birthday. I hope you're happy. Kalen said, find your happiness. Find it. Baka siya lang ang magpasaya sa'yo ng totoo. Iyong totoong ngiti, totoong tawa.

Iyong hindi mo na kailangan takpan ng isang ngiti, kahit nasasaktan ka na talaga. Cheer up, even if you want to give up. I laughed when I thought of that.

Bumalik ako ng kwarto para kunin ang selpon ko. Saktong pagpasok ko ay tumunog ang selpon ko. I know, na hindi siya iyon. Dahil binura ko ang number niya at hindi ko na ulit pa tinanong.

I saw Casilla's name, calling. Agad 'kong kinuha iyon at sinagot. "Happy Birthday, Pixie!" Agad na bungad niya. Napangiti ako.

"Thank you!"

"Seryoso na talaga, hindi talaga ako makakapunta riyan... 'Cause nasa Cavite kami, at kahapon lang kami umalis." She said.

"It's ok... Just enjoy the Cavite nalang..." I said.

"Uhmm... Message nalang... Hope you're happy in your birthday. Iyon lang. Wala na akong maisip!" I laughed. I imagined that she pouted.

"It's ok... Thank you." I said.

"Welcome! By the way, tinatawag na nila ako... Bye! Enjoy!" Aniya at pinatay ang tawag.

Sunod na tumawag ay si Archer. "Ms. Busy! Happy Birthday... Tanda mo na!" Aniya, I laughed.

"Goodness! Eighteen palang ako..." Ani ko.

"Eto ka na nga! Hindi ako makakapunta rin diyan, kung saan man 'yan. Dahil ngayon ko lang makakasama ang mga magulang ko. Kaya pasensya, pasensya."

"It's ok, say hi to tita and tito for me!" I saw his family on video call. Mababait naman sila.

"Ok! Happy Birthday ulit, Madam. Patayin ko na 'to at hinihintay na nila ako." Aniya.

"Ok! Enjoy..." I said, at pinatay na ang tawag.

Agad naman akong lumabas para pumunta sa hapag-kainan, pero hinarangan lang ako ni Ivy. "Hep! Balik sa kwarto, maligo ka roon..." Aniya, at tinulak ako papasok ulit sa kwarto.

"Bakit? I want to eat..." Tumigil ako at humarap sa kanya.

"Hindi! Mahigpit kong ipinagbabawal na hindi ka muna kakain, hangga't hindi ka pa nakakaligo at nakakabihis ng pang-alis." Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.

Sunsets Witnesses EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon